Ganoon ang naging set-up nila. May pagkakataong tumututol pa rin si Marcus ngunit sa huli ay sumusuko na rin sa kagustuhan niya. Every night, he would offer to drive her home pero hindi siya pumapayag. Eh sa baba lang naman siya nakatira.
She's nervous na baka sinundan siya or pwede ding tingnan nito ang cctv. Pero malabo iyon dahil hindi naman pagmamay-ari nito ang condo building na ito para tingnan ang cctv. At bakit naman nito maiisip tingnan iyon kung hindi naman nito alam na nasa iisang building sila at hindi na kailangan ipagdrive.
Wednesday na ngayon at sa tatlong araw na iyon ay palagi niyang binibigyan ang sarili nang time para isipin ang dapat na gagawin. Kailangan na ba niyang sabihin dito ang tungkol sa mga bata? Maniniwala kaya iyon? Matatanggap kaya nito? Does he need to know? Heller, George! Magkasama kayo palagi at okay na kayo, noh? So dapat na nitong malaman iyon! Okay na ba talaga kami? Are they really in a relationship? Ano ang susunod? What is in store for us in the future?
"Hey, bru. Palagi ka na lang ginagabi ng uwi ah." Sabi ni Tey nang naabutan siya nito sa kusinang umiinom ng tubig. Kararating lang niya galing sa penthouse ni Marcus.
"Kumain ka na?" tanong nito ng hindi siya umimik.
Tumango na lamang siya at inisip kung ikukuwento niya sa bestfriend niya ang nangyayari.
"May problema ba?"
"I'm seeing him."
"Huh?"nalilito nitong tanong. Umayos siya ng upo sa dining at maya-maya ay naupo rin ito pagkatapos kumuha ng baso.
Nagsalin ito ng tubig at uminom doon.
"Si Marcus." Muntik na itong mabulunan nang marinig ang sinabi niya.
"What?!"
"Nakita ko siya noong isang linggo at hanggang ngayon nagkikita kami."
"You mean? Are you two back together?" nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "How come? Nakapag-usap na ba kayo? Are you with him every night?"
Tumango na lamang siya sa mga tanong ni Tey. Kinuwento niya ang unang pagkakataon na magkita sila ng binata pati na rin iyong sa Office ng President.
"Wala namang nababanggit si A tungkol sa kapatid niya. Na dito ito nakatira sa mismong building na to. Sa iyo ba may nasasabi siya?"
"Wala..I mean, hindi naman kami masyadong nakakapag-usap." Sagot ni Tey. Nagdududa siyang napatitig dito. Nag-iwas naman ito ng tingin sa kanya.
"Wait, what's between you two?" nakangising aso niyang tanong mayamaya. She knows the two like each other pero wala namang derektang sinasabi sa kanya.
"What?"
"Huwag na kayong magkaila. Alam ko Tey iyang asaran niyo noon ay mauuwi rin sa pagkakamabutihan."
"What are you talking about? You're changing the topic." Umirap pa ito sa kanya at napainom ng tubig. "Sigurado ka bang hindi pa alam ng kapreng iyon ang tungkol sa mga bata?"
"Ewan. Hindi naman niya ako sinusundan siguro." Ayaw talaga pag-usapan ng bruha ang tungkol sa kay Anthony ah.
"You can never be sure, Bruh. Kailan mo planong sabihin?"
"I need to talk to A first. Wait, saan na ba iyon nagpupunta at hindi na rin kami nagkakasabay."
"He's always meeting with Tito Antonio."
Nanliliit ang mata na tiningnan niya ito. Tito Antonio visits them from time to time pero ngayong taon ay huli niya itong nakita noong summer bago magpasukan ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
General FictionDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...