Chapter 32 Gorgeous

5K 113 3
                                    

"Baby boy, 5pounds and 17 ounces. Baby girl, 5 pounds 11 ounces!

Nagising si George nang nasa maaliwalas na kuwarto na siya. Pagod at mabibigat ang talakup na iminulat niya ang mga mata at mabungaran ang putting dingding ng kwarto.

"Bru, okay ka na ba?" ang nag-aalalang boses ni Althea ang nagpabaling sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Ang baby ko?" napalinga-linga pa siya para mahanap.

"Babies, you mean?" Tey chuckled. Napatitig siyang muli sa kaibigan.

"Totoo pala talaga iyon?" napakurap kurap pa siya para masigurong hindi siya nananaginip.

"Oo Bru, totoong totoo. You just had triplets!" masaya nitong sabi sabay palakpak.

She can't believe it! Paano?Paanong nangyaring tatlo? What the freaking freak?

"Where are they? Okay lang ba sila?"

"The big one's okay but iyong dalawa ay chinecheck pa. If okay na, sabay dadalhin dito. Mamaya nandito na iyon."

"What happened to the two?"

"Medyo maliit pero healthy naman daw. May kailangan lang icheck saglit."

Nakahinga siya ng maayos sa sinabi ni Althea. She hope her babies are fine. Sana walang complications and health problems at baka di niya kayanin. Still lightheaded kaya nanatili siyang nakahiga at pinakiramdaman ang sarili nang bumukas ang pinto at pumasok ang hinihingal na si Anthony.

"George..." marahan nitong sambit sabay lapit sa kanya at yakap, habol ang hininga.

"A..."

"I'm sorry, I came in late," sinsero nitong sabi sabay halik sa noo niya.

Nang marinig na bumukas ang pinto at may pumasok ay hindi na niya pinansin ang paghalik nito. She gasped when she recognized the man walking towards her bed.

"Iha..." boses ni Mr Delafuente na nagpakaba sa kanya. Lumapit ito at niyakap din siya ng mahigpit.

"We just had a meeting at gusto ni Dad sumama dito. I'm sorry George."

Tumulo ang luha niya nang hindi niya napapansin habang yumakap din ang mga braso niya sa matanda. He's like a father to her.

"George, I'm sorry for what happened," Antonio said with misty eyes.

"It's okay po Sir," mahina niyang sambit sabay punas sa luha. Hinagod nito ang noo niya habang titig sa mukha niya.

"Tito. Please tawagin mo akong Tito." Pakiusap nito sa kanya. Marahan siyang tumango at ngumiti. She should be brave enough to face him. Alam nilang dalawa ang totoo. Napasulyap siya sa may pinto.

"Kami lang ni Anthony ang nandito. That man should b—"

"Dad it's not the right time to talk about it," pigil ni A sa sasabihin ng ama.

"I'm sorry. How are you feeling?" tanong na lamang nito matapos bumuga ng hangin.

"I'm okay po, T-tito."

"Where's the baby Tey?" narinig niyang tanong ni Anthony sa kaibigan niya.

"They—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Tey nang bumukas muli ang pinto at pumasok ang Nurse na may dalang bata.

Napasinghap siya ng tuluyang makita ito at mahawakan. My little boy...

Naluluha siyang nakatitig dito at hinahaplos ang pisngi as happiness filled her system. Overwhelming emotions battle inside her. Ganito pala ang feeling...

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon