Chapter 33 Tight

5.1K 127 4
                                    

Mabagal, malambot at mahabang pag-indayog. Isang mariing titig mula sa mga balikat ni Blake ang ipinukol niya sa nag-iisang lalaking pinag-alayan niya ng lahat. Isang mabilis na pagtaas ng kanang binti niya sa ere, followed by a smooth continuous turn with Blake's and her hands on top of her head as she turns.

Swayed to the right, swayed to the left, as she walks slowly towards the closest spot near the President's table, ang mga mata ay nakatuon na naman sa nakakapanghinang lalaki na may malalim na mga mata. Nakita niyang pumalakpak ang President sa gilid ng mga mata niya. Marahan niyang sinuyod ng tingin ang ibang nasa tabale at nakitang nandoon din si Gran! He is drinking his wine, nakakunot-noong nakatingin sa kanila ni Blake, na mayamaya may binubulong sa katabing tahimik.

Nang maramdaman ang marahang hagod ng kamay ni Blake sa bewang niya papunta sa binti at kasabay ng paghawak niya sa mga braso nito ay ang pag glide niya pababa na parang nags-split.

One sensual move and the audience gasped. "Woooh.." sabi ng ilan.

Swaying her hips slowly habang inaalalayan siya ni Blake patayo, ang mga kamay ay humahaplos pa rin. Kitang kita niya ang anyo ng pagtataka at pagkalito sa mukha ng ama ng kanyang mga anak.

One turn, her back now facing the audience, she walks gracefully with swivels pabalik sa gitna ng dance floor para sa huling routine.

Malakas na palakpakan ang nakuha nila bago lumabas ang ibang studyante at mabilis silang nagbow.

Pagkapasok sa dressing room ay hingal siya at napapaupo. Ngayon niya lang naramdaman ang panghihina at pangangatog ng tuhod. Damn his effects on her!

"Wait,wait..Can we please call Miss Dancer in all Black to come back on the dance floor?" rinig nilang tawag ng emcee. Napakunot noo siya.

Hinihingal pang bumalik siya at hinanda ang ngiti.

"Oh, there she is! May nagrequest kasi to have a dance with you. Can you grant the VP's request?"

Napabaling siya sa patayong lalaki, ang VP ng eskwelahan, isang sikat ni Engineer at may ari ng isang malaking company.

Nakangiting tumango siya kahit hingal pa rin. Lumapit ang matandang lalaki at nakipagsayaw sa kanya ng ballroom. The typical dance moves of older people. Kaya naman aliw na aliw siyang nakipagsayaw dito. Ang ibang guests ay nagsayawan na rin habang paiba-iba ang music. Ang iba ay lumapit at nakipagpalitan sa VP para maisayaw rin siya. Walang reklamo niyang pinaunlakan lahat. Nang tumugtog ang isang pamilyar na kantang ni-remix ay nagsayaw sila ng Bachata ng isang pamilyar na lalaki. Dean River Morales is also here!!. Confident siyang nakatabon ang mukha niya kaya di siya makikilala kung sakali.

Hindi niya akalaing marunong itong sumayaw at Bachata pa! Nagpalakpakan ang lahat at parang pinalibutan sila ni Dean. Madalas grinding ang steps kaya hindi maiwasang mailang lalo pa at nakakausap niya ito sa opisina.

Isang mabigat na tingin ang naramdaman niya sa kanan. Napasinghap siya ng makitang si Marcus ay nakatitig sa kanya habang mabagal na lumalapit. Isang kamay naman ni Dean ang humaplos sa pisngi niya na tila sinsabing tumingin siya dito.

Nangatog ang binti niya ng mapansing nasa gilid na nila si Marcus kaya napatingin si Dean sa nakalahad na kamay ng nauna at ngumiti dito. Ibinigay ni Dean ang kamay niya kay Marcus.

Isang mas mabilis naman na remix ang pumailanlang kaya mas mabilis na bachata ang sinayaw nila. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang tingnan ang mukha nitong napakalakas ng dating o ang sundan ang mga galaw nito.

Damn! He knows Bachata? Malakas na kalabog sa puso at naramdaman niya ang pagdidikit ng balat nila ni Marcus. Hawak nito ang bewang niya habang titig na titig ng deretso sa mga mata niya. Pinigilan niy ang sariling matumba sa pamamagitan ng pagkapit at pagdikit pa lalo sa lalaki. Now, she is unsure if it's a right move. Waves of sensation travel down her body ng maramdaman ang init ng katawan nito kasabay ng pag indayog ng katawan nilang nagpapalakpak sa nanonood.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon