Chapter 7 Too much

5.7K 142 2
                                    

Napamulat si George ng maramdaman ang mahiang pogyugyog sa kanya. 

Masakit pa rin ang ulo niya at nilalamig.

Nang mamulat na nang tuluyan ang mga mata niya ay nakita niya si Marcus na nakaupo sa tabi niya.

"You need to eat so you can drink your medicine." may hawak itong isang mangkok ng lugaw. Naamoy niya ang nakakaenganyong lugaw.

Dahan dahan siyang bumangon at naupo sa kama.

"Shit." rinig niya ang mahinang mura nito. Napatingin siya dito at nakitang seryoso ang mukha nito at nagtatagis ang bagang. Nahuli niya itong nakatingin sa katawan niya at ibinaling ang paningin sa lugaw.

Napatingin siya sa kanyang katawan. Nalilis na ang kumot na gamit niya at nasa may tiyan na niya ito habang nakaupo. Bigla niyang naalalang wala pala siyang suot na bra. Nakitang niyang bumakat ang dibdib niya sa manipis na sando at kita rin ang cleavage niya. Medyo maluwang kasi ang sandong iyon.

Hinila niya ang kumot pataas sa kanyang dibdib. 

Akma niyang kukunin ang bowl ng lugaw ng inilayo nito iyon sa kanya. 

"Let me,you're shaking." Kinuha nito ang kutsara at ssumandok ng lugaw. Hinihipan nito iyon at sinubo sa kanya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ng lalaki. Dahil masama ang pakiramdam ay hinayaan na lang niya ito sa ginagawa.

His cold dark eyes bore into her every time she opens her mouth to accept the food.

Hindi siya makatingin ng deretso dito. Ewan ba niya at pakiramdam niya ang init ng pisngi niya.

Ipinaubos nito sa kanya ang lugaw. Nang matapos niyang kainin ito ay inilapag nito ang bowl sa side table at inabutan siya ng baso ng tubig at gamot. Kinuha niya naman ito at ininom.

Inilapag niya ang baso sa side table. Nararamdaman niyang nakatitig lamang ito sa kanya.

Naglakas loob siyang tingnan ito sa mata at lumambot ang ekspresyon nito.

"How are you feeling?" he huskily asked.

"Better." Isang pilit na ngiti ang binigay nya dito. 

"Rest now." Nagkatitigan sila. Di nya maarok ang emkspresyon ng mukha nito lalo na ang mga mata nito. Parang isang balong malalim ito na hindi niya maabot. Kung susubukan niyang abutin ay sigurado siyang siya ay malulunod. 

Tumango na lamang siya at humiga ulit. Itinakip niya ang kumot hanggang dibdib. Napatingin muli siya kay Marcus at nakitang tumayo na ito at tumalikod papuntang pinto dala-dala ang bowl at baso ng tubig.

"Salamat." sambit niya sa likod nito ng mahawakan na nito ang door knob ng pinto.

Napinto ito ngunit hindi lumingon.

Nakita niyang gumalaw ang gilid ng panga nito at tuluyan ng umalis ng kwarto niya.


Kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam niya. Napasarap ang tulog niya kaya alas-nuwebe na siya nagising.

Pagkabangon ay nagtoothbrush siya at naligo na rin.

Ngayong araw ang pag-iikot niya sa farm...kasama si Marcus.

Sinuot niya ang bagong biling damit. Isang boho dress ang kanyang suot  na hanggang tuhod. Nagsuot rin siya ng maong shorts sa ilalim nito kahit di na kita. Sinuot niya ang brown leather boots at tinali ang buhok sa isang messy bun sa tuktok na kanyang ulo para hindi hanginin ang buhok niya.

Naglagay siya ng sunscreeen sa buong katawan. Ayaw niya ng mag fill-in ng kilay. Okay na sa kanya ang  lip and cheek tint niya tutal hindi naman pormal ang kanyang gagawin. Maglilibot lamang siya para makita ang mga ginagawa nga mga magsasaka at iba pang trabahante ni Mr Delafuente.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon