Chapter 56 Couldn't

4.6K 94 3
                                    

Sa haba ng panahong nagdaan bago nabuo ang pamilyang hindi niya inakalang magkakaroon siya, hindi lubos maisip ni George kung paano nilalaro ng tadhana ang buhay ng mga tao.

She went out of her comfort zone just to seek something that she thought could possibly ease her emptiness.

She was not sad but neither happy.

Was it destined to meet Mr. Delafuente in the first place? Kasi kung iisipin napakalayo ng mundong ginagalawan nila. It was him who gave way to her most memorable days of her life. That is meeting his tall, dark and terribly gorgeous son named Marcus.

At first she thought it was lust.

But she failed to distinguished lust from a deeper feeling of wanting to make someone happy rather than just satisfying her own pleasure.

It was Marcus who woke up her inner passion of sacrificing one's self to benefit the other.

Ang labis niya lang ipinagpapasalamat ay ang walang kapantay na saya na dulot ng lahat ng mga nangyari – iyong magkaroon siya ng tatlong anak. Maybe, this is her destiny.

Unexpected things come in unexpected ways. George never had imagined that having children would make all the pain worth it.

Nakangiti siyang nakatingin sa mga taong napapadaan sa malaking sasakyan ng isang mobile FM. Isang babae ang nakatitig sa kanya pero halatang nasa malayo ang isip.

Kakatapos lang niyang kumanta at nagpasalamatan sila ng staff na kumontak sa kanya para sa araw na ito.

Dahil nag commute lamang siya ay sa harap siya ng tower magpapababa sa driver ng taxi. Napakunot-noo siya ng makitang marami-raming tao ang nasa bungad at kahit pa sa may paligid lang ng building.

"Manong, dito na lang," sabi niya sa driver sabay abot ng bayad.

"Mukhang may artista diyan, Ma'am ah," nakikiusyusong sambit ng driver.

Isang hilaw na ngiti nalang ang kanyang binigay bago lumabas ng sasakyan.

Napataas ang kilay niya ng matantong mga reporters na may mga kasamang cameraman pa ang mga ilan sa nag-aabang. Baka nga tama si Manong...

Malapit na sana siya sa may bungad ng tower ng magkakumosyon at biglang nagsitakbuhan papuntang gilid ng tower ang mga reporters.

"Lumabas ng basement si Monette, bilis!" dinig niyang sigaw ng isa.

Napasinghap si George nang marinig din ang iba na sinasambit ang pangalan ng babaeng 'yun. Muntik pa siyang madapa nang may makabangga sa kanyang babae galing sa reception ng tower.

"Shit!"

"Dahan-dahan kasi," naiinis niyang sabi pero nakalayo na ang babae.

Mabilis niyang inayos ang tayo at dumiretso na sa loob.

Kung tama ang hinala niya, mukhang galing sa penthouse si Monette. Or baka may ibang kakilala? But then, her instincts say otherwise.

Pilit kinukubli ang namumuong tension sa katawan ay dere-deretso na si George sa taas.

Pagkabukas ng pinto ng elevator, senyales na nakarating na siya sa pinakataas ay siya namang pagbungad ng seryosong si Tito Antonio kasama ang iilang lalaking tingin niya ay bodyguards.

"Tito..."

Isang ngiti ang binigay sa kanya ng matanda bago siya niyakap. "George, iha. Are you okay?"may pag-aalala nitong tanong at suri sa kanya.

Naguguluhan naman siyang napatango.

"I need you to listen," sambit ni Tito kapagkuwan. "Ipapalipat ko kayo ng mga bata sa bahay. I need you all to be there immediately before dinner, 'kay?"

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon