Chapter 51 Done (Mature Content)

5.5K 127 5
                                    

Palabas na siya ng building ng mariing hawakan ang kamay niya.

"Marcus!"

Hindi ito nagsalita bagkus ay hinila pa siya pababa at agaran namang pumarada ang kotse nito sa harap ng building. Someone from the driver's seat tossed the key to Marcus na nasalo agad nito.

He opened the passenger's seat at ipinapasok siya roon. She did not complain and just followed. Madilim ang mukha ng pumasok si Marcus sa driver's seat.

He drove silently patungong school ng mga anak nila and parked nearby. Sinulyapan niya ito at nakitang nagtanggal ito ng seatbelt ngunit hindi lumalabas ng sasakyan kaya ginaya niya na lang ang ginawa nito.

It's still early para sa dismissal ng mga anak.

"M-malayo pa ang uwian ng mga—"

"Just...keep quiet," mariin nitong sabi at mahigpit na humawak sa manibela. Is he mad? Angry? Kanino? Sa kanya?

"Whay are you always walking away?" his deep voice is cold and hard. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

"I just thought, I shouldn't be there." Mahinahon niyang sabi.

Hindi ito kumibo ngunit nag-igting ang panga.

"Kung may t-trabaho ka pa, ako ana ang susundo—"

"I said what I said. We'll have lunch together." Sumandal ito sa upuan at huminga ng malalim.

Maya-maya ay nagpa-play ito ng music sa radio at hindi na ulit gumalaw.

He closed his eyes and relaxed on his seat.

Pinagbuntunan niya ang phone niya at kinalikot ang account ng shop dahil sa katahimikan. She saw lots of comments at ang followers ay dumami simula nung huli niya itong nakita. May mga nagme-message for interviews ng isang talk show at may isa ring radio station na nagi-invite sa kaniya. Ito iyong may bus na gumagala kung saan sa lungsod habang may kumakanta sa loob. Hmmm. Ok to kaysa sa talk show. She accepted the invitation.

Hindi naglaon ay nakita niyang palabas na ang ibang mga bata sa school kaya napatingin siya kay Marcus na nakatingin rin doon.

Lumabas siya at sumunod ito. Their kids are so happy to see them na tinuturo pa ni Bleu sa mga kaklase. The yayas and parents of other kids are all eyes on them, especially on him. Paano ba naman, hitsura pa lang...hmmmp.

Marcus drove off at nagtaka siya ng huminto ito sa isang park.

Sumunod na lang siya at tinulungan ang mga batang bumaba. Agaran namang nagsilapitan ang tatlo sa mga swing at slide na may mga bata rin.

"Wait here. Bibili ako ng food." Oh, so kakain sila dito?

Bumalik si Marcus at tinawag na ang mga bata. He bought family meals na inilagay sa styro and plastic container. Maayos at malinis kaya sigurado siyang sa isang restaurant iyon galing.

Naupo sila sa isang sementadong bench na may pabilog na mesa. Tahimik siyang kumain at pinanood ang pag-aasikaso ni Marcus sa mga anak. Her heart melted at napupuno ng kakaibang saya. It's a sight a mother would never exchange for anything.

"Eat," mariing sabi ni Marcus at napansin niya rin ang pagkakatulala. Seryosong mata nito ang nakapukol sa kanya.

Napayuko na lang siya at kumaing muli. Ang mga anak niya naman ay panay kwentuhan habang ang ama ng mga ito ay nakikinig at paminsan-minsang sumasali sa usapan.

"Thank you Tatay..." sabi ni Brie at matamis na ngumiti sa ama nitong nagkakabit ng seatbelt.

Kunot-noo namang tumingin si Marcus kay Brie.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon