Chapter 36 Mine

5.4K 118 1
                                    

Tahimik siyang inakay ni Marcus papasok sa kotse nitong hindi niya alam pero hitsura pa lang ay nakakapanganga na. They stayed silent for a moment habang si Marcus ay bahagyang nakaharap at hawak ang isang kamay niya. Masuyo nito itong hinahaplos habang titig na titig. 

She can't look at him. Naiilang siya at hindi malaman kung anong gagawin.

"I'm sorry I made you cry," marahan nitong sabi sabay haplos sa pisngi niyang nagpabaling sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila and she can't help but get mesmerized by his deep soulful eyes. Napayuko siya at hindi makatingin. Nakakalunod. What did he say again?

She breathed heavily. "I..I need to go to work.."nasabi na lamang niya. Narinig niya ang marahang buntong hininga ni Marcus bago nito binitiwan ang mukha niya at inilipat sa kamay niya. She jolted a bit when he kissed her hand.

"I'll drive you to your work," sabi nito at umayos ng upo. He put on his seatbelt at nagmaneho na. A long stretch of silence consumed them inside the car. Parang nakakarinig na siya ng kulisap kung saan kaya napatikhim siya. Pero bago pa man siya makapagsalita ay nauna na si Marcus.

"How many jobs do you have?"

Napalingon siya dito ngunit deretso lamang ito ng tingin sa daan. "I have three."

Napatango ito at natahimik ulit.

"W-why three?" mayamaya ay tanong nitong nagpakaba sa kanya. Siyempre ang dahilan ay ang mga anak niya. Damn!

She shifted on her seat a bit and bit her lip. Should she tell him now?

"I..I need..I mean, why not?" wala sa sariling naisambit niya. Bahagya itong sumulyap sa kanya dahil sa narinig na pagkakautal.

"I love what I'm doing," dagdag niya sabay kibit ng balikat. She feels nervous ngunit pilit niyang ikinukubli. Parang hindi niya kakayaning sabihin ang lihim niya...sa ngayon.

"Do you still need to work in the café?" Her lips twitched a bit. What is he up to again?

"Yes. It's my first job in the university. Utang na loob ko kay Ruckus iyon kaya hindi ko mabitawan."

"I can ask him to let you go," napatikhim pa ito sa sinabi. Bahagyang nangunot ang noo niya.

"Why would you do that?" napataas ang kilay niya when she saw his jaw tightened.

Hindi na ito sumagot at mayamaya ay nakarating na sila sa university. She didn't bother extend the topic. He parked near the café's building at maraming napapatingin na studyante sa sasakyan ni Marcus. What do you expect? It's too flashy.

"Salamat," sabi niya sabay tanggal ng seatbealts.

"Elisse..."

Bumaling siya dito at nakitang napapakagat labi ito na tila may gustong sabihin. "Let's have lunch together," wika ni Marcus.

"Don't you have work?" nagtataka niyang tanong, sinusupil ang kilig na nararamdaman.

"The hotel's near." Seryoso nitong sabi. May kinuha ito sa dashboard at inabot sa kanya.

Nagtatakang napatingin siya sa cellphone nito. "Put your number on my phone," utos nito.

She chuckled to herself. "Why?" sinubukan niyang basagin ang moment ng kapre. She feels giddy sa mga inaasta ng loko. Seryoso ito pero may konting pagdadalawang isip siyang nararamdaman sa kilos nito.

Kumunot ang noo nito at saglit siyang tinitigan. "Why not?" mariin nitong tanong. Ayan high blood agad! Ang bossy talaga!

She pouted her lips to stop from grinning. Nang hindi siya gumalaw para kunin ang cellphone nito ay bigla nitong kinuha ang bag niya. Napamaang siya sa mabilis nitong kilos at hindi agad nakapagreact.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon