Chapter 4

2.2K 47 0
                                    

Max' POV

Nakasalubong ang dalawang kilay akong naglalakad ngayon papuntang canteen

Bwisit talaga ang Gab na yun. Ano bang nagawa ko sa kanya at iniinis niya ko? At ako crush siya? Ang swerte naman ata nya pag nangyari yun. At sisiguraduhin kong hindi mangyayari yun no!
Itaga nyo sa bato

"Woah! Bro , anyare sa'yo? Ba't ganyan mukha mo?"
Isa pa to eh .!

"Pwede isa-isa lang? Andami mong tanong!"

Umupo ako sa tapat ni Miguel

"Akalain mo yun? Isang Maximus Amallir, nainis? Anyare? Kwentuhan mo naman ako"
Ang kulit ng isang to. Bwisit

"Bwisit na Gab yun. Sabihin ba naman sa lahat na crush ko sya? Asa! Hinding hindi mangyayari yun no!"
Nakakainis talaga. Pucha

"Haha. Kakaiba talaga ang babaeng yun. Akalain mo? Isang Maximus Amallir, napa inis nya"
Tumawa pa ang gago

"Isa ka pa eh! At ano bang kasalanan ko sa babaeng yun at galit sa'kin? Lumipat pa talaga siya sa section ko para lang inisin ako. Kakainis!"

"Sa pagkakatanda ko, pinahiya mo LANG naman siya sa harap ng maraming tao. At diba sabi ko naman sa'yo, hindi siya basta basta"

"Pwes, hindi rin ako basta basta. Hindi nya ata ako kilala"

Samantha Gabriel Gomez, hindi lang ata ako ang kailangang humanda. Kung gusto mo ng laban, bibigyan kita

--------
Gab's POV

"Gab, ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa. Gusto kita. Gustong gusto"

"Gusto rin kita. Mahal na nga ata kita eh"

Kita sa mukha niya ang tuwa
Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko
Waah !! Hahalikan nya na ko!!
Pinikit ko na ang mata ko
This is it! Pancit!
Yiee!! Syete, kinikilig ako!!

*boggssh*

Anakngpulangkalabasa naman o!
Yun na yun eh! Hahalikan nya na ako!

Sakit ng pwet ko ha!
Sino ba kasing ugok na to ang langyang tumulak sa kin?

Ano bang problema ng isang to?! Sinong tumulak?! Si Carlo Gomez, pinsan ko

Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago nagsalita

"ANO BANG PROBLEMA MO AT TINULAK MO KO?! ALAM MO BANG HAHALIKAN NA AKO NG PRINCE CHARMING KO HA?! AT SINO BA ANG NAGSABI SA'YO NA SIRAIN MO ANG MAGANDA KONG TULOG?!" sigaw ko sa kanya

"Hahahahaha"
Gago pala to eh! Tinawanan pa ako

Inabot ko ang unan sa kama at binato ko sa kanya
Haha. Edi natigilan siya

"Maligo ka na nga! Ang baho mo na e"
Naglakad na sya palabas pero hinarap muna nya ako

"Bilisan mo ha? Ayaw kong malate"

Iisang school lang kasi kami
Lumabas na sya ng kwarto ko at naghanda na nga ako

Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at..sandali....
Sino yang lalake ang kausap ni insan?
Parang pamilyar yung likod nya. Nakatalikod kasi sya sa'kin at hindi ko makita ang mukha

Dumiretso nalang ako sa kusina at kumuha ng sandwich. Mamaya nalang ako sa school kakain. Ayaw ko rin kasi malate

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso na sa kotse. Ng makasakay na si Carlo, umalis na agad kami papuntang school

Pagpasok ko sa classroom, nakita ko na agad si Max na nakangisi
Nginitian ko nalang siya tsaka umupo

"Good morning Samantha"
Anyare sa isang to at binati ako?
At ano raw, Samantha?

Hinarap ko sya tsaka nginitian
"GAB. Gab ang tawag sakin ng lahat at hindi mo ko pwedeng tawaging Samantha"

"E sa yun ang gusto kong itawag sa'yo eh!"

"Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo"
"Sige, sabi mo eh!"
Mag-eend of the world na ba at hindi ata nakipag-away pa sa akin ang isang to?

Nagsimula na ang klase.

Hindi ko alam kung ano pero parang may mali.

Tinignan ko ang katabi ko at nakatingin rin sa'kin. Ngumiti siya. Yung ngiting tagumpay
Inisnob ko na lang sya

Nung tapos na ng klase, aalis na sana ako kaso
PUTEK! BA'T ANG HIRAP TUMAYO?!
Parang hinihila ako pabalik ng  upuan

Tinignan ko ang upuan at BAKIT MAY BUBBLE GUM?!

Tinignan ko ang katabi ko at tawa ng tawa
Tinignan ko siya ang masama tsaka pinilit kong kunin ang bubble gum na nakadikit sa palda ko at sa upuan

ANO BANG KLASENG BUBBLE GUM TO AT DIKIT NA DIKIT?!

"Hoy! Alam kong ikaw ang may kagagawan nito. Kunin mo to kung ayaw mong mawala sa school na'to"

"E kung ayaw ko? At bakit, sigurado ka ba na ako ang may kagagawan niyan?"

"Oo"
"May pruweba kaba?"

Arggh..
Gigil na gigil na talaga ako sa lalaking to

Kinuha ko ang gunting sa bag ko tsaka pinutol ang napakakapal na bubble gum na to
Umalis na agad ako dun. Kahit nasa labas na ako ng classroom, dinig na dinig ko pa din ang tawa nya

Dumiretso ako sa cr para magpalit ng palda
Mabuti nga at may dala akong extra uniform

Dumiretso ako sa canteen sa tambayan nila
Nakita ko si insan. Ba't kasama niya sila Max?

Lumapit ako sa kanila tsaka hinarap ang ugok na si Max
"Hoy!"
Lahat ng kasama niya pati si insan napatingin sakin
" Max Amallir, ang dami mo ng atraso sa'kin. At kung sa tingin mo papalagpasin ko lang yun, nagkakamali ka"
Marami ng estudyanteng nakatingin sa'min
"Kung gusto mo ng laban, hindi kita uurungan"
I rolled my eyes and walk out
Taas noo akong naglakad

Maximus Amallir, my new enemy

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon