Chapter 40

948 17 1
                                    

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa babaeng nasa swing

"Iiwan ko na k-kasi sila. A-aalis na ako" sagot niya habang patuloy na umiiyak

Nasa isang park ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Nung idilat ko ang mga mata ko, nakaupo na ako dito sa swing katabi ng babaeng nakangiti habang umiiyak na..kamukha ko?

"Diba dapat yung naiiwan ang umiiyak hindi yung mang-iiwan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

Dahan-dahan siyang humarap sa akin

O_O

N-nananalamin ba ako?

"B-bakit pareho tayo ng m-mukha?" Gulat paring tanong ko sa kanya

Parehong pareho kasi talaga kami. Kahit yung pagngiti

Nginitian niya lang ako tsaka nagsalita

"Maiintindihan mo din ako, Gab"

Ha?

Tiningnan ko siya ng nagtataka

"Maiintindihan mo rin kung bakit ako umiiyak"

Ngumiti siya. Pero puno ng kalungkutan yung mga mata niya

Tinignan ko lang siya hanggang sa unti-unti siyang naglaho

Saan pumunta yun?

Biglang nag-iba yung paligid

Para akong nagteteleport. Ang galing

Mula sa park, napunta ako sa isang beach na napakapamilyar

Siguro nakapunta na ako dito noon pero hindi ko lang matandaan

Napadako ang tingin ko sa dalawang taong masayang nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang sunset

Sinubukan ko silang lapitan pero napahinto ako ng nakita ko na naman ang kamukha ko sa hindi kalayuan na nakatingin sa dalawa habang..lumuluha

Bakit siya umiiyak?

Lumapit ako ng tuluyan sa dalawa para makita kung sino sila kaso...ba't w-wala silang mukha?

Biglang sumandal yung babae sa balikat ng lalake habang nakatingin parin sa papalubog na araw

Ang ganda ng tanawin. Nakakarelax. Pero nasasaktan ako. Ng hindi ko alam kung bakit

Napahagulgul ng iyak yung kamukha ko. Alam ko, pareho kaming nasasaktan

Ang lakas ng pag-iyak niya pero ni hindi manlang siya naririnig ng dalawa. Bingi ba sila?

Bigla nalang tumakbo yung kamukha ko kasabay ng unti-unting paglaho sa paningin ko ng dalawang taong nasa harapan ko

Unti-unti ding dumilim ang paligid at tanging iyak lang ang naririnig ko

"Gab, gumising ka na, please *sob*"

Bigla kong naramdaman ang kakaibang sakit sa puso ko

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at ang puting kisame ang una kong nakita

Nasaan ako?

"G-gab! Sandali tatawag ako ng doctor" si Mommy

Tumakbo agad siya palabas habang pumapahid ng luha

Doctor? Nasa hospital ba ako? Anong ginagawa ko dito? At bakit umiiyak si mommy?

Maya-maya pa, dumating sina mommy, daddy, lolo, Carlo, Ella, Tania at si nanay Marga- yung kumopkop sa akin noon

May kasama din silang doctor at dalawang nurse na agad na lumapit sa akin

May mga sinabi yung doctor pagkatapos nila akong i-check kaso hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon