Chapter 34

991 16 1
                                        

"Waaahh.. Ang galing mo po ate sungit"

Tss. Ako pa ba .....

Nasa WOF kami ngayon naglalaro kasama ang mga bata

Nagba-basket kami ni Max habang nanunuod samin yung mga bata

Lamang ako ng 10 pts sa kanya

Parehong 5 seconds nalang ang time na natitira samin kaya tinudo ko na ang pag-shoot ng mga bola

5...

4..

3..

2..

1..

O__O

Panung siya yung nanalo?

Pataasan kasi kami ng score. Hindi ko alam kung pano nangyari yun pero sa loob lang ng 5 seconds nalamangan niya yung score ko

Siguro may daya to no?

Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay

"Dinadaya mo ba ko?"

Ngumisi lang siya at lumapit sa akin

"Pano ba yan. Panalo ako" nakangisi niya paring sabi

E ano ngayon kung panalo siya?

Inirapan ko lang siya at binaling ang tingin sa mga bata na busy sa pangunguha ng mga tickets galing sa pinaglaruan namin

Mahigit isang oras narin kaming naglalaro dito kaya marami-rami narin ang nakuha naming mga tickets

Binaling ko nalang ulit ang tingin ko kay Max na ngayon ay ang lapit-lapit na ng mukha sa mukha ko

0__0

Napaatras ako ng marealize kung gaano na siya kalapit sa akin

Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingin diretso sa mata ko habang dahan-dahang naglalakad papalapit ulit sa akin

Umatras lang ako ng umatras habang lumalapit siya ng lumalapit

"W-wag ka ngang lumapit!" Nauutal kong sabi ng wala na akong maatrasan

Damn!! Ba't ba kinakabahan ako?!

Napangisi na naman siya ng makita ang kaba sa mukha ko

Mas lumapit pa siya sa akin. Nilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko para hindi ako makawala

H-hahalikan niya ba ako katulad ng napapanood ko sa tv?

Heto rin kasi mismo yung napapanood ko eh. Yung lalapit yung lalaki tapos pag nacorner na yung nilalapitan niya, dahan-dahan niyang ilalapit yung mukha niya sa babae katulad ng ginagawa niya ngayon at maghahalikan sila

Oh my.... Ano ba naman tong iniisip ko?? Erase. Erase.

Di ko namalayang nakatingin na pala ako sa mapupulang labi niya habang nag-iisip ng mga hindi dapat isiping mga bagay

Aish. Bad Gab!!

"Tss" sambit niya ng napansin ang tinitignan ko

Gusto kong umiwas ng tingin pero sa sobrang lapit niya, baka mahalikan ko siya isang maling galaw lang

Pumikit nalang ako dahil sa kahihiyan

Kung nakikita ko lang ang sarili ko, siguro, matatawa ako

Parang tanga siguro ako dito ngayon na hindi makagalaw habang nakapikit at ang pula-pula ng pisngi

"Haha. I really like it when you're blushing because of me" mapang-akit na bulong niya sa tenga ko

Waah!! Lupa, kainin mo na ko pleasseee....

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon