Chapter 11

1.6K 35 7
                                        

"Gab?"
Pamukaw niya sakin

Gising na ako kaso ayaw ko pang imulat ang mga mata ko

"Gab, gising ka na. Andito na tayo"

"Gab ano ba?! Gigising ka o...."

"O?"

"Gising ka na eh!! Dalian mo na dyan! Hinihintay na tayo sa loob"
Sabay baba niya sa kotse

Bumaba na ako ng kotse. Nilibot ko ang paningin ko

Kyaahhh.. Nasa Tagaytay na talaga kami

"Hoy!! Dalian mo na dyan"
Sigaw niya sakin

May PMS ata ang isang to eh! Ang init init ng ulo

Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa bahay bakasyunan ata

Sinalubong kami ng medyo may katandaang babae
Sandali-- parang kilala ko siya ah....

"Magandang hapon po, manang Teresa"
Bati ni Max sa kanya. Wow ha...marunong rin pala bumati si Max

"Magandang hapon po, sir Max at sa inyo rin po ma'am... Gab?"

"Kilala niyo po siya?"
Kunot noong tanong ni Max kay manang Teresa

Naaalala ko na si manang Teresa. Siya yung yaya ni Niel dati...nung nandito pa siya

"O-opo. Siya po yung kababata ni sir Niel. Yung palagi niya pong kinukwento sa inyo noon"

"Manang Teresa, kamusta po kayo? At pano pong napunta kayo dito?"
Tanong ko kay Manang

Paano ba naman kasi napunta dito si Manang Teresa?
Akala ko ba taga Pampanga siya?
Doon kasi ako nakatira noon at doon ko rin nakilala si Niel at si manang Teresa na yaya ni Niel

"Dito na po ako nanilbihan simula ng umalis si sir Niel"
Ah...kaya pala

"Sa loob na po tayo mag usap usap. Kanina pa po kayo hinihintay ni Señora sa loob"

Sumunod na kami kay manang papasok

Pagpasok namin, nakita ko kaagad sina Ella at Tania sa dining area na nakaharap sa sangkatutak na pagkain

"O nandyan na pala kayo"
Nilingon ko ang nagsalita

Sina Miguel at Carlo nandito rin pala.

Dumiretso sa dining si Carlo pagkakita kay Tania
Lovers pala yung dalawang yun

Sumunod na rin kaming tatlo sa dining at umupo. Nakakagutom ang byahe eh...

"Babe, ba't di mo sinabi na pupunta ka rin pala dito?"
Ani Carlo

"E sa hindi ko rin alam na pupunta pala ako rito"

Nasa parihabang mesa kami
May tig-apat na upuan each side at isa sa center sa dulong bahagi

Sa left side ang nakaupo ay si Miguel, Tania at carlo
While si Ella, ako, at Max naman ang sa right side

"Babe, ito oh. Masarap to"
Ani Carlo sabay lagay ng pagkain sa plato ni Tania

"Ito pa babe oh. Masarap din ito. Paborito ko yan. Tikman mo"
Nakatingin lang kami sa kanila habang nagsusubuan

Ang sweet pala ng pinsan ko

"Ano? Gusto mo subuan din kita?"
Bulong sakin ng katabi ko

"Gusto mo sapakin kita?"

"Psh. Sungit"
Ako masungit?! Siya kaya....

"Sino kaya ang mas masungit sa ating dalawa? Ikaw"

"Hoy kayong apat! Magsitigil nga kayo! Alam niyo bang nakakabitter na kayo?!"
Ani Ella habang tumitingin sa aming apat nina Max, Carlo at Tania

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon