Chapter 38

927 14 0
                                        

"Good morning" nakangiting bati ni Dan saka nakipagbeso sa akin

Binati ko rin siya pabalik ng kinuha niya yung lahat ng bag na dala ko at nagsimula ng maglakad

1 week na simula ng lumipat siya rito at sanay na ako sa mga ginagawa niya

Siya palagi yung nagdadala ng mga gamit ko, palagi narin kaming magkasabay mag-lunch, yung pagbe-beso-beso niya pag nagkikita kami o pag uwian at pag-aakbay sa akin.

Palagi nga kaming tinutukso ng mga kaklase namin habang kami, tinatawanan nalang sila

If they only knew....

"Gab, samahan mo ako manood ng basket mamaya ah. Maraming pogi dun. Kyaaaahh!!" Mahinang bulong niya

Tss. Ang landi talaga ng isang ito

Pumasok na kami ng classroom at umupo na sa upuan namin

Wala pa si Max at wala pa naman yung lecturer namin kaya dito muna umupo sa tabi ko si Dan

Makikipag-tsismis na naman ata..

"Sayang di ka nakasama kagabi. Maraming gwapo dun. Super. Kaso...ungvvjkshquskb" nagsimula na naman siyang dumaldal

Obviously, hindi ko talaga pinagtutuunan ng pansin yung pagku-kwento niya. Wala rin naman kasing kwenta

At puro mga pogi o di kaya hot na lalake lang naman ang kinukwento niya. Tsk.tsk

Kung iniisip niyong bakla si Dan, well, to tell you the truth, TAMA KAYO!!

"Nakikinig ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin

Napahikab ako at tsaka humiga sa table ko at pinikit ang mga mata

"Hindi naman obvious na hindi ka interesado sa mga kwento ko no?" Sarkastikong tanong niya

"Anyway, alam mo ba, nakita ko si Max kagabi sa party. Ang landi rin pala ng isang yun. Akalain mong tatlong babaeng malalandi yung kasama?!" Tsismis niya

Napaangat ang ulo ko at napadilat ang mga mata sa sinabi niya

"Baka nagkakamali ka lang. Baka kamukha niya lang yung nakita mo. Hindi nambababae yun no" pangatwiran ko pa

Aish. Ba't ko pa ba pinagtatanggol yung lalakeng yun? At ano naman ngayon kung may kasama siyang mga babae?!

"Siya yun. Tinawag kaya siyang Max nung maharot na nakayakap sa kanya kagabi"

Hindi. Hindi ganun si Max. Maloko lang yung pero hindi nambababae yun

"Ay. Affected teh?" Nakangising tanong niya sa akin habang nakatingin sa kamay ko

Tiningnan ko naman ang tinitingnan niya

Tss. Yung wooden ruler na hawak ko, nabali ko ata

At ba't may ruler sa kamay ko? Di ko naman ata maalala na hinawakan ko pala to

"Umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba sa mayabang na yun?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong

Umiwas naman ako ng tingin bago sumagot
"W-wala noh "

"Defensive" pagpaparinig niya

Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagkakahiga

"Alam mo girl, ok lang naman magkagusto dun eh. He's handsome, hot, charming, he seems so sweet...kaso ngalang..." Pambibitin niya

"Ano?" Tanong ko

"....mayabang" dugtong niya

Alam ko. Kaya nga ako nagkagusto sa kanya eh....noon!

"Pero ok lang naman. May maipagmamayabang naman kasi siya" komento niya pa

Maya-maya ay dumating narin sa wakas yung lecturer namin kasabay ng pagpasok ng dalawang nilalang na nagpasira sa araw ko

Bakit sila magkasama?!!!

Hinalikan muna sa pisngi ng maharot na kaklase kong babae si Max bago umupo sa upuan niya

Kapal ng mukha! Sing kapal ng blush on niya. Tsk!

Di hamak na mas sexy at mas maganda ako dun no!!

"Yiiieeeehh!!" Panunukso ng mga kaklase namin sa kanila

"A-arayy!! Gab!!" Reklamo ng katabi ko

"S-sorry" sabi ko naman sa kanya ng inilayo ko na ang kamay kong sumasabunot na pala sa kanya

Bwisit kasing Max yan eh!!
Napaka...Grrrrr!!!!

"Pwede ba?! Wag mo nga akong pagbuntungan ng selos mo! Makaalis na nga!" Reklamo niya tsaka tumayo at bumalik na sa upuan niya

Naramdaman ko naman ang pag upo ni Max sa tabi ko

Dapat siya nalang yung sinabunutan ko eh!!

Tahimik lang kaming nakikinig kay Prof ng mahuli ko siyang hawak-hawak yung cellphone niya

Bawal yan ah...

Pasimple kong sinilip yung ginagawa niya

Facebook?!

Lumalabag talaga siya sa isa sa school rules para lang magfacebook?!

Mas inilapit ko pa ng kaunti yung ulo ko para makita sana kung sinong inii-stalk niya sa facebook ng mahuli niya ako

Dali-dali niya namang inilagay sa bulsa niya yung cellphone at tiningnan ako ng masama

"Ever heard the word privacy?" Salubong ang kilay na tanong niya

"Of course. Ikaw? Ever heard the line 'there's always time for everything?" Tanong ko sa kanya pabalik

"Kung oras ng klase, oras ng klase hindi ng pagfe-facebook. Paano kong mahuli ka?" Pangaral ko pa

"Ah. So you're concern" tumatangong sabi pa niya

"I'm not. You're not worth of my concern" depensa ko

"So why do you act like you are?" Nakangisi ng tanong niya sa akin

"I'm not"

"Really? Ritchy ask such things when she's concern about me" sabi pa niya

And who the hell is Ritchy?! Isa sa mga babae niya?! Tsk!

"I'm not Bitchy Ritchy o kung sino man. So stop comparing me to anyone else"

"Yeah. You're not her. She's sweet, you're not. She's lovely, you're not. She's smart, you're not. She has good attitude, you don't. She's almost perfect, you're not at higit sa lahat, hindi siya masungit"

Psh. Edi siya na!
Siya na ang mabait, matalino at kung ano-ano pa. Basta, maganda ako

"So what? H--"

"Ms. Gomez! Mr. Amallir!"

Patay!! Narinig ata kami ni Prof

"Parang gusto niyo ata magwalis sa buong gymnasium? Tamang-tama at may program na gaganapin bukas dun"

What the?!

Alam ba ni Prof kung gaano kalapad yung gymnasium na ipapalinis niya sa amin?!

"After your classes, alam niyo na ang gagawin niyo"

Tiningnan ko ng masama yung katabi ko ng lumabas na yung malditang matandang dalagang guro na yun

"Max. Let's go?" Yaya sa kanya ng malanding makapal ang blush on

Isa pa to eh! Ang sarap nilang ipatapon sa bermuda triangle

Nakangising bumaling muna sa akin yung ugok na si Max bago tumayo

"So see you later then" sabi niya bago umalis ng nakahawak sa bewang ng di naman kagandahang malanding kaklase namin

Madapa sana kayo!! Bwisit!!

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon