"This is Mel Aidan Alonzo Monteclaro, my..ahh..b-boyfriend" pagpapakilala ko sa kanya
My mom looked at him from head to foot. Tumigil ang paningin niya sa kamay naming magkahawak
"Take a seat" utos ni Dad
Pinaghila niya ako ng upuan. Umupo naman ako dun tsaka siya umupo sa tabi ko
We're actually having our family dinner with my 'boyfriend'
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ng tawagan ko si Dan para magpanggap na boyfriend ko para sa dinner na to. Pwede ko naman kasing sabihin nalang kay mommy yung totoo pero mas pinili kong isipin nila na boyfriend ko siya
Nababaliw na ata ako
"So... Gab, gaano na kayo katagal?" Dad
"One month" tipid kong sagot
"Paano pala kayo nagkakilala?" curious na tanong ni Mommy
"We're.. Uhm..we're chat mates. We enjoyed spending time with each other, we became special friends until we fell in love" panggagawa ko ng kwento
Magsisimba talaga ako araw-araw for one week. Napakasinungaling ko na
Mukahang satisfied naman sila sa kwento ko kaya nakahinga ako ng maluwag
"Ba't ngayon mo lang siya dinala dito? Dapat noong nililigawan ka palang niya, pinakilala mo na siya sa amin"
"A-ahh...b-busy po kasi siya sa a-ano...sa trabaho" kabado kong sagot
Really, Gab? Trabaho? Ni hindi ko nga alam kung may trabaho ba yan
"Oh. So you're working, hijo. Anong trabaho mo?" Tanong ni mommy
"Uhm.. I'm actually running our business here in Philippines. The Beau Monde Hotel" he answer
Nalaglag ang panga ko sa sagot niya
Hindi ko alam yun at hindi ko alam na sila pala ang may ari ng sikat na hotel dito
I've been there once. As I know, ang mga sikat na businesspersons galing sa ibang bansa ay doon nags-stay pag nandito sa pilipinas. It's the most prestigious hotel in the country
"Really? So you're probably the son of Raymond and Stacey Monteclaro" ani lolo
Kilala niya yung parents ni Dan?
"Yes, sir" pormal niyang sagot
"You're grandfather, Armando, was my childhood friend" nakangiting wika ni lolo. Parang nagre-reminisce pa siya ng kabataan niya
"In fact, I'm one of your father's ninong" aniya
What a small world? Connected pala ang family namin sa family ni Dan
"Kamusta na ang daddy mo? The last time I saw him is more than 10 year's ago. You were just a little boy that time" ani lolo
Nag usap silang dalawa about sa business and sa family ni Dan
Nakikinig lang kami sa kanila since hindi naman kami makarelate sa pinag uusapan nila lalo na pag ang lolo na ni Dan ang topic
The dinner end well. Dan seemed comfortable with my family at ganun din ang family ko sa kanya. Actually, they invited Dan for our family gathering next month. I think, they like him
"Thanks for the dinner, Mr. and Mrs. Gomez"
"Tita. Tita at tito nalang ang itawag mo sa amin or mommy and daddy if you want to" nakangising wika ni mommy
"Sige po, ma--I mean tita. Mauna na po ako" paalam niya
Tumango lang sa kanya sina mommy at kumaway
Hinatid ko naman siya palabas
"Uhm..salamat ah. Pasensya narin sa abala" nahihiya ko pang sabi ng nakalabas na kami ng bahay
"It's ok. In fact, I enjoyed their company" nakangiti niyang sabi
Nasabi ko na bang mas gumu-gwapo siya pagnakangiti?
Kung wala lang sanang Max, siguro nahulog na ako sa kanya--Erase. Erase. What the hell am I thinking anyway?!
Paano napasok si Max dito?
Hindi ko alam na tulala na pala ako habang nakatitig sa kanya
Napayuko nalang ako dahil sa hiya ng narinig ang tawa niya
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya
"Uhmm... Mauna na'ko. Hope to see you next time" nakangiting paalam niya
Nginitian ko lang siya at hinintay na makaalis siya bago tumalikod paharap sa pintuan ng bahay at handa ng pumasok
Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may humila sa braso ko
O__O
Anong ginagawa niya dito?
"Sino yun?" Iritado niyang tanong
Anong problema nito?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
"I asked first so answer me first. Sino yun? Boyfriend mo?!"galit na niyang tanong
Mas diniinan niya ang pagkakahawak sa braso ko
"B-bitawan mo ko. N-nasasaktan na ko"
Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kanya pero mas lalo lang niya hinigpitan ang pagkakahawak
"Just answer me!"
"O-oo! Now, let me go!" Di ko na napigilan ang pagtaasan narin siya ng boses
Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko
"Wala na ba talaga?" Mahinahon na niyang tanong
Hindi ko naintindihan yun kaya kumunot ang noo ko
"Wala na ba talagang natira kahit kaunting pagmamahal diyan sa puso mo?..para sakin" Mahihimigan ang lungkot sa tono ng kanyang boses
"H-haa??" Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko
I'm speechless
Alam ko kung saan patungo ang usapang ito
Kita ang lungkot sa mga mata niya. Unti-unting nadudurog ang puso ko habang tinitignan siyang ganun kaya iniwas ko nalang ang tingin ko
Hindi ko kayang nakikita siyang ganito
I still care for him and I hate it
"P-papasok na ako" wika ko ng magsasalita na sana siya
Ayaw ko ng ipagpatuloy itong usapan na to
As what I'd said, naglakad na ako papasok sa loob ng hindi manlang siya nilingon
Ayaw kong nakikita siyang nasasaktan. Hindi ko kaya
Napakagat ako sa ibabang labi ng tuluyan ng makapasok
I hate to admit it but I'm expecting him to stop me but he didn't
"Are you ok, hija?" Tanong ni lolo ng makasalubong ako paakyat
"O-of course" sagot ko. Hindi siya kumbinsido kaya nginitian ko siya
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita
"Ok then. You look tired. You need to take a rest"
"Sige po. Good night" nakangiting wika ko
"Goodnight din, hija"
Umakyat na ako patungong kwarto ko
Binagsak ko ang katawan ko sa kama pagpasok na pagpasok ko ng kwarto
Max...Max...Max....tsk!
Papikit na sana ang mata ko ng biglang tumunog yung cellphone ko
Ma'am:
Désolé... Mon amour
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
