Chapter 33

889 15 0
                                        

Max's POV

Nakasimangot akong naglakad papuntang classroom

Ano ba kasing problema sa akin ng babaeng yun?! Wala ng ibang ginawa kundi ang sungitan ako

Yayayain ko pa sana siyang lumabas ngayon. Treat ko

"Happy birthday, Max!!"

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng classroom para makapasok ng bigla nalang itong bumukas at tumambad sa akin ang mga kaklase kong nakangiti habang may hawak-hawak na cake, mga balloons, at kung ano-ano pa

Nginitian ko lang sila ng pilit, nagpasalamat at pumasok na sa loob

Hindi naman sa hindi ko na appreciate yung effort nila. Wala lang talaga ako sa mood kaya ganun

"Birthday boy!! Nandito na yung birthday gift mo oh. Hinahanap ka" sigaw ni Marco, kaklase ko

Ano daw? Di ko gets

"Hoy!! Mr. Mayabang! Nangangalay na ko dito oh" sigaw ng isang pamilyar na boses galing sa labas

Napatingin ako sa bintana sa gilid ko at laking gulat ko ng si Gab na nakapameywang habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin ang nakita ko

Nung ginagawa niyan dito?

Hindi ko lang siya pinansin. Isinuot ko yung earphone ko sa tenga ko at pinikit ang mata ko

Naiinis parin ako sa kanya

Bahala ka sa buhay mo.

Papatawarin lang kita kung susuyuin mo ko

"Wag mo kong gaganyanin pag kinakausap kita! Naiintindihan mo?!" Sigaw niya sa akin pagkakuhang-pagkakuha niya ng earphone sa tenga ko

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ko pabalik sa kanya

Ba't ba kasi nakapasok yan dito?! Hindi naman dito yung klase niya ah...

At isa pa, ok sana kung nilalambing niya ko kaso hindi. Sinisigaw-sigawan niya pa ako

"Sorry!" Pasigaw na sabi niya pero ramdam ko ang sensiridad niya

"Ganyan ba ang magso-sorry? Naninigaw?" Kunwaring inis na sabi ko sa kanya

"Eh ikaw kasi eh!! Nangangalay na ko kakahintay sa'yo sa labas tapos tu-tulog-tulogan mo lang ako dito? Tapos ikaw pa ang magagalit?!"

Anong tulog-tulogan? Hindi kaya ako natulog at isa pa, hindi naman ako nagalit sa kanya ah.. Nainis lang ako. Yun lang

"E sinong dapat magalit? Ikaw? Ha! Para sabihin ko sa'yo, may kasalanan ka sakin at may rason ako para magalit"

"Kaya nga nagso-sorry ako ngayon, diba?"

"At sa tingin mo papatawarin kita? Parang napipilitan ka nga lang eh"

"Bakit? Sinabi ko bang patawarin mo ko?"

"Hindi. Pero kaya nga nagso-sorry yung may mga kasalanan diba? Para patawarin? Kahit kailan ang tanga mo talaga" iiling-iling ko pang sabi

"Hoy! Makasabi ka ng tanga parang tali-talino mo ah?"

Magsasalita pa sana ako pero pinagitnaan na kami ni Marco

"Tama na nga yan" pang-aawat niya

"Eto kasing isang to eh!! nagsosorry na nga't lahat, nagmamatigas pa. Nung akala niya? Lalambing-lambingin ko siya? Ha! Ano siya? Chix?!"

Hanep talaga ng isang to eh no? Paano niya nalamang gusto kong magpalambing sa kanya?

"Paano kita mapapatawad niyan, eh parating nakafull volume yang bunganga mo"

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon