Chapter 30

1K 20 0
                                        

Salubong ang kilay akong naglalakad papuntang library ngayon

~bzzzt~ ~bzzzt~

"Oh?!" Sagot ko sa tawag

"Anong oh?! Diba ako dapat ang galit dito kasi ako ang pinahintay mo ng isang oras?!" Masungit na sabi pa ng nasa kabilang linya

Sino ba to?! At ano raw?! Pinahintay ng isang oras?

Tinignan ko naman kung sino ang tumawag

"Oh Beth. Ikaw pala" medyo mahinahon ko ng sabi

Bagong kapitbahay ko si Beth. Nasa iisang school lang kami at may usapan kaming magkita sa library para magmeeting ng gagawin namin para sa bulletin board na dedesenyuhan namin

"Bilisan mo diyan. Naiinip na ko" utos niya pa bago putulin ang linya

Maya-maya ay tuluyan na rin akong nakarating sa library

"Oh?! Hindi ata maganda gising mo?" Bungad niya sa akin ng umupo ako sa tapat niya

"Nakakabeast mode talaga ang halimaw na yun. Sinira na nga ang araw ko, pinagtripan pa ko. Sabihin ba namang driver nila ako?!" gigil kong wika habang salubong parin ang kilay

"Oh?! Kwentuhan mo muna ako. Si Max yan no?!"

Oo! Si Max na naman! Si Max na naman ang may kasalanan kung bakit ganito ang mode ko

Flashback...

"Good morning babe"

O__O

Anong ginagawa niyan dito?

Kakabukas ko lang ng gate ng bahay ko at yung nakakainis na mukha niya ang bumungad sa akin

"Umamin ka nga. Stalker ba kita at pati ang address ko alam mo?" Inis na tanong ko sa kanya

"Admirer babe. Para lang sa mga mukhang Halimaw yung stalker kaya admirer ang tawag sakin. At oo. Alam ko lahat tungkol sayo. Kahit nga ang oras ng pagtulog mo, paggising mo, mga kinakain mo araw-araw, lahat ng lakad mo at schedule mo hanggang matapos ang buwan na ito. Lahat na may kinalaman sa'yo, alam ko"

"Che! Stalker ka nga. At ano ba sa Gab ang pangalan ko at hindi 'babe' ang hindi mo maintindihan?!"

"PMS" bulong niya pa habang umiiling

"Anong PMS?! Sinira mo ang araw ko kaya ako nagsusungit ok?!"

"Anong sinira?! Dapat nga magpasalamat ka pa at pinuntahan kita dito. At ano ba yang dala mo?" Turo niya pa sa dala-dala kong box

"Wala ka na dun!" At naglakad na ako papuntang basurahan at tinapon ang box na dala-dala ko

Kung tinatanong niyo kung ano ang laman nun, yun lang naman ang mga natatanggap ko galing sa misteryosong 'ma'am' na parating may pinapadalang kung ano-ano dito sa bahay

Kahapon nga, isang dosenang stick-o at tatlong box ng choc-o ang natanggap ko
Syempre hindi ko dinala sa tatapunin ko yun. Pagkain kaya yun

Bumalik na ko sa loob ng hindi manlang linilingon ang ugok na pumasok nalang sa bahay ko ng walang pahintulot ko at walang-hiyang kumakain ng kung anong pagkaing nakalapag sa mesa

Ba't ba kasi nandito yang walanyang yan?!

Miyerkules ngayon pero half day lang kami at mamayang hapon pa ang klase namin kaya ako nandito sa bahay

Tinawagan ko sina Ella't Tania para yayaing gumala kaso hindi naman sila pwede. Tinawagan ko rin si Carlo kaso may ginagawa raw kaya umalis ako ng bahay ng walang choice kung hindi isama nalang ang mapilit na walangyang mayabang na walang magawa sa buhay kung hindi ang inisin akong nilalang na nagngangalang Max

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon