"Good morning" bati ni prof habang naglalakad papasok sa classroom
"I want you to meet first your new classmate from States" announce niya at may tinanguan sa pinto ng classroom
Bigla namang pumasok ang isang napakapamilyar na lalake
Napatili ang halos lahat ng babaeng nandito ng ngumiti siya. Tsk!
Dan...
Nilibot niya lang ang tingin niya at nagpakilala sa lahat
Walang ibang bakanteng upuan kundi sa likuran ko kaya dun siya pinaupo
Nagtama ang paningin namin ng binalingan niya ng tingin ang uupuan niya
Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik
"Ehem!!"
Napatingin ako sa katabi ko ng tumikhim ito
Nakatingin siya ng masama sa bagong dating na si Dan
Nung problema ng isang to?
Napaiwas ako ng tingin ng biglang bumaling ang tingin niya sa akin
Naalala ko na naman yung kagabi
Naguilty talaga ako sa nangyari kagabi na kung tutuusin wala naman akong maling nagawa....maliban sa pagsisinungaling
"Hi" dinig kong bati sa akin ni Dan na nakaupo na pala sa likod ko
Nilingon ko naman siya at binati pabalik
Aaminin ko, ang cute niyang ngumiti. Nakakalaglag......panga
Ayan tuloy, napatitig ako sa kanya habang nginingitian ako
"Ehemm!!"
Inis akong bumaling sa katabi ko
Ano bang problema ng isang to? Panira ng moment eh!!
Tiningnan ko ng masama si Max
"Ano bang problema mo?!" Inis kong tanong sa kanya
"Oras ng klase" tipid niyang paliwanag
Inis akong bumaling sa harap at hindi nalang siya pinansin
E ano ngayon kung oras ng klase?
Wala lang masabi kaya kung ano nalang lumalabas sa bibig niya? Ganun? Tsk!
Maya-maya, naramdaman ko ang pagkalabit sa likod ko kaya lumingon ako
Ngumuso si Dan ng hinarap ko siya
Nanghihingi ba siya ng kiss?
Namula ako sa naisip kaya napayuko nalang ako
"Haha" halos pabulong niyang tawa
"If you're thinking I'm asking a kiss, you're definitely wrong" natatawa paring aniya
Mas namula ako sa sinabi niya
"E anong nginunguso mo dyan?" Nakanguso ko naring tanong
"I just wanna ask if you know what's the problem of that guy beside you. Kanina pa kasi nakatingin sa akin ng masama" curious na tanong niya
Bakit naman siya titignan ng masama ni Max?
If I know, hindi pa nga sila nagkakilala
"Wag mo nalang pansinin. Papansin lang yan" sabi ko nalang
"Ganun ba? Kung makatingin kasi, parang ako yung dahilan kung bakit miserable yung buhay niya" natatawang aniya
Ang cute niyang tumawa habang nagsasalita....
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
