Nasa bahay ako ngayon nina tita Veronica -mom's half sister
Nung ginagawa ko dito?
Well, nagbabantay lang naman ng napakakulit na bata na nagngangalang Joshua kasama si Niel
Mahilig kasi siya sa mga bata kaya nagvolunteer na samahan ako
Out of town ngayon sina tita at walang pwedeng magbantay kay baby Josh kaya ako muna
"Ate. Josh kain ice cream" sabi niya pagkatapos ay tinuro ang ice cream sa nakabukas na ref
Bawal siya niyan. At baka ako pa ang malagot pag may mangyaring masama sa kanya
"Ito nalang kainin mo, apple" sabay bigay ko sa kanya ng apple
"Don't want. Josh want ice cream!" pagprotesta pa niya
"E baby, bawal ka niyan. Iba nalang kainin mo"
Nagsimula na siyang umiyak
Hala. Anong gagawin ko? Hindi pa naman ako sanay magbantay ng bata
Lalapit na sana ako sa kanya kaso tumakbo siya palayo sa akin. Papunta kay Niel
Kinarga naman siya ni Niel at pinatahan
"Kuya. Bad si ate. Away ya Josh" pagsusumbong niya
How cute..
Hahawakan ko sana siya kaso inilayo niya ang katawan niya sa akin
"Di tayo bati. Bad ka!" sabi niya pa sa akin
"Sorry na, baby. Gusto mo pasyal tayo? Bibili kitang toys" pang-aaya ko sa kanya
Mahilig raw kasi siyang mamasyal kaya yun ang naisip kong sabihin para magbati na kami
"Josh pasyal?" tila nagningning ang mga mata niya at halatang naeexcite narin siya
"Oo. Lika na?"
Nagtatalon siya habang naglalakad kami paalis ng bahay
Napagplanuhan naming sa park pumunta
Naglibot libot lang naman kami dun hanggang sa napagod
Umupo muna ako sa bench malapit sa play ground habang naglalaro naman sina Niel at Josh
Ang cute nilang tignan. Parang mag-ama
Kinuha ko nga ang camera ko sa bag at kinuhaan sila ng MGA litrato
Mga kasi madami ang kinuha ko
Ang cute kasi talaga nilang tignan
Tinitignan ko lang ang mga kuha kong picture nila ng biglang may umupo sa tabi ko dahilan para mapalingon ako
Si Max na ang lapad ng ngiting nakatingin sa akin ang nasa tabi ko
Anong ginagawa niya rito?
"Nung ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya
"Wala lang. Ikaw, ba't napadpad ka rito?"
"Wala lang"
Tinignan ko nalang ulit ang dalawa kong kasama na masaya paring naglalaro
"May kasama ka pala" biglang sabi ni Max
Nakatingin narin pala siya sa tiningnan ko
"A-anak mo?" tanong niya sa akin pagkaharap niya
Sasagot na sana ako kaso nagsalita ulit siya
"Tapos si Niel ang tatay?" malungkot niyang sabi
Anong bang pinagsasabi ng ugok na to?
Panong magkakaanak ako, e virgin pa nga ako. Ano ako, si mama Mary?
Dahil parang ang seryoso ngayon ni Max at may naisip na naman akong planong i good time siya,...
Mapagtripan nga
Mapapasabak na naman ako sa actingan nito..
"Uhmm.. Max" yumuko ako na parang nahihiya
"Siya pala si Joshua, anak ko" nakayuko ko paring sabi
"B-ba't di mo sinabi? Sino ang ama niya?" hindi makapaniwala niyang sabi
"Wala na siyang tatay. Iniwan na niya kami pagkatapos kong makapanganak"
Hinawakan niya ako sa pisngi at iniharap sa kanya
"Gab, kahit may anak ka na, gusto parin kita. At handa akong magpakatatay sa anak mo. Para sa'yo, Gab. Tatanggapin ko siya. Ituturing ko siyang tunay na anak ko kung kinakailangan. Ganun kita ka gusto" sincere niyang sabi sa akin habang nakatingin staight sa mga mata ko
Biglang may pumatak na luha galing sa mata niya
Hala. Anong ginawa ko? Napaglaruan ko ata ang feelings niya
Nakokonsensiya tuloy ako
Paano ko ba kasi babawiin ang mga sinabi ko?
Parang ang pangit naman kung bigla nalang akong sisigaw ng JOKE!! diba?
Aish Gab. Look at what you've done.
Napadrama mo ang hari ng mayayabang na si Maximus Amallir
Napaiyak mo pa
Tsk. Tsk.
Nakatulala lang ako dito sa harap niya habang pinagmamasdan siyang naluluha
Siguro na disappoint siya sa kwento ko pero pinipilit padin akong intindihin
Gab naman kasi eh
Alam mo namang masama magbiro ng mga ganyang bagay pero ginawa mo parin
Napakagat nalang ako ng labi
Nakokonsensya talaga ako
"Sorry Max. I didn't mean to make you cry" nakayuko kong paghihingi ng tawad sa kanya
"It's ok. Nandito na ang bata eh. Susuportahan parin naman kita" naiiyak niya paring sabi
Para akong natatawa na nakokonsensya sa itsura ngayon ni Max
Ang epic kasi
Pero Max, iba ang isino-sorry ko
Nagso-sorry ako kasi nalalaruan ko ang feelings mo at hindi ko naman talaga anak yung makulit na batang yun. Pamankin ko yun ok?! PAMANGKIN..
Napakamot nalang ako sa ulo ko
"Ang totoo niyan, Max, h-hindi ko talaga anak si J-josh"
Finally. Nasabi ko rin
Bakas ang pagkabigla sa mukha niya
"A-anong ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong niya
Slow talaga nito kahit kailan
"Niloloko lang kita no. Wala talaga akong anak. Joke lang yun, seneryoso mo naman"
"So pinaglalaruan mo lang pala ako, ganun?"
Sa tono ng boses niya, halata mong naiirita na siya
Hala. Baka magalit sakin to?
"Hindi naman sa ganun pero parang ganun" ha? Anu daw?
Ano bang pinagsasabi ko kasi?
Ni ako hindi ko maintindihan sarili ko
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Max
Hindi rin ata naintindihan ang sinabi ko
"Sige ah. Alis muna ako. Ayaw ko na kasing makipaglokohan eh"
At nagsimula na siyang maglakad palayo
Hala. Nagalit na nga ata
"O Gab, ok ka lang?"
Tanong sa akin ni Niel na karga karga si Josh
"Oo naman. Tara. Kain na tayo" pangyaya ko sa kanila
Gutom na rin kasi ako
Sa isang malapit na fast food chain nalang naming napagdesisyunang kumain
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa bahay nina Josh
Sakto namang nandun na ang parents niya kaya umuwi narin kami ni Niel
Matutulog na sana ako ng biglang may nagtext
Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa side table
Baka si Max ang nagtext
Pagka ganito kasing oras, nagtetext siya sakin o di kaya tumatawag
Pero nadisappoint lang akong nung nabasa kung sino ang nagtext
Si Niel pala, naggo-good night
Galit nga ata talaga si Max
Mas mabuti pa ngang mag-away kami e kesa wag magparamdaman
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
