Chapter 24

1.1K 30 4
                                    

Max' POV

"Bukas ah. Sa *** bar" -Miguel

Putek! Ba't ba kasi ako nakipagpustahan dito?

Nasa bahay kami ngayon ni Miguel nag-uusap tungkol sa pustahan namin

And yes. Pinaglaruan ko si Gab. Palabas lang ang lahat ng pinapakita ko sa kanya para mahulog ang loob niya sa akin
Pero noon yun

Seryoso na ako sa kanya ngayon. Totoong nagugustuhan ko na siya

Kaya nga handa na akong sumayaw mamaya sa bar sa harap ng mga bakla para sa kanya

"And nabili ko na ang motor mo. Hihintayin nalang natin na sagutin ka ni Gab"

Oo nga pala. Sasagutin na ako ni Gab mamaya
Nag-usap kasi sila ni Miguel kahapon at sinabi niya na kay Miguel na yun nga. Sasagutin na niya ako kasabay ng pagso-sorry niya mamaya

"Matanong ko lang Max ah. Paano nga pala pag nalaman to ni Gab?" seryoso niyang tanong

Malaman ang ano?
"What do you mean?" tanong ko sa kanya

"Yung tungkol sa pagpupustahan natin sa kanya. Oo, tapos na nga pero alam mo namang walang lihim na hindi nabubunyag"

Hindi naman namin sasabihin eh. At hindi ko naman hahayaang malaman niya so why do I have to worry?

"Hindi ko naman hahayaang malaman niya na pinagpustahan lang natin siya eh"

"So pustahan lang pala ang lahat?"

Sabay kaming napalingon ni Miguel sa nagsalita

"G-gab" gulat na gulat kong sabi

Mamayang 4pm pa siya dapat pumunta dito ah. At 3:30 palang

"So tell me. Ano namang klaseng pustahan yun ha?" galit niyang tanong sa amin

"Gab, let's talk. I can explane"-me

"We're talking!" galit niyang sabi

"I-i mean, alone" takot kong sabi

Nakakatakot kasi talaga siya ngayon
Parang mangangain

Lumabas naman si Miguel ng tinignan ko siya

"Explane" medyo kalmado na niyang sabi nung wala na si Miguel

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita
"What you've heard a while ago is true. Pinagpustahan ka namin" pagsisimula ko

"Anong pustahan?"

"Napagplanuhan namin na ligawan kita at pag sinagot mo ko sa loob ng 3 months, bibilhin niya yung motor na gusto ko at pag nahulog ako sa'yo, s-sasayaw ako ng nakatopless" napayuko ako dahil sa hiya pagkatapos kong sabihin yun

"Niloloko mo lang pala ako from the start. Wala ka talagang gusto sa akin. Lahat palabas lang" bakas sa boses niya ang galit habang sinasabi yun

"H-hindi naman sa ganun, Gab. Oo. Nung una, niloloko lang kita. Pero maniwala ka, gusto talaga kita. Mahal na nga ata kita eh"

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga pinagsasabi mo pagkatapos ng ginawa mong panloloko sakin ha?"

Oo nga naman. Natural na hindi na siya maniniwala sa akin kahit gaano pa ako ka sincero. Nasira ko na ang tiwala niya eh

"Sorry" yun lang ang nasabi ko
Useless lang din naman kung mag-eexplane pa ako sa kanya

"Sorry? Makukuha ba ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko ha?!" Pasigaw niyang sabi
Ang drama naman nitong magalit.

"Huwag ka ngang magdrama, hindi bagay sayo e. Alam mo yun?!" Gusto kong sabihin yan pero wag nalang pala
Baka mas magalit pa sa akin. Dapat seryoso kami ngayon e

Yumuko nalang ako. Wala naman kasi akong masabing matino

She's about to walk out nung hinila ko siya paharap sa akin

"Hindi mo manlang ba tatanungin kung sino ang nanalo sa pustahan namin?" tanong ko sa kanya

"No need. Alam mo naman sigurong sasagutin na sana kita"
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun

"Talo rin naman ako eh" sabi ko as if na marinig niya

-----------
Gab's POV

Hindi ako umiinom pero nandito ako ngayon sa bar maglalasing

Dito ako dumiretso pagkatapos kong mabuking si Max sa panloloko niya sakin

Langya talaga. Ang sakit-sakit

Nagkausap kami kahapon ni Miguel at dun ko napagtanto na hindi lang pala gusto ang nararamdaman ko sa kanya

Mahal ko na siya at handa na akong sagutin siya pero yun ang maabutan ko?

Malalaman ko na pinagpupustahan lang pala nila ako

Pu+@ng in@ lang. Nakakag@go

"Give me your hardest drink" sabi ko sa bartender sa harap ko

"Are you sure ma'am? Mukhang hindi ka pa naman sanay sa inuman"

Tiningnan ko lang siya ng masama

Aangal pa e ako naman ang magbabayad ng iinumin ko

Maya-maya lang ay binigay niya rin naman sa akin ang hinihingi ko

Ininum ko naman ito ng straight
Hindi ko na pinansin ang kapaitan nito

Unti-unti ko ng naramdaman ang pagkabigat ng ulo ko at dumodoble narin ang ulo ng bartender na kaharap ko

Gusto kong may makausap ngayon
Pero wala naman akong kasama. Ang mga kaibigan ko, nagbabakasyon, nag-eenjoy samantalang ako dito, broken hearted

"I don't talk to the strangers pero dahil wala naman akong makausap dito, I'll talk to you nalang" sabi ko sa bartender

Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at ni-rest ang ulo ko sa mga palad ko at tumingin sa kanya

Ang bigat na talaga kasi ng ulo ko

"Alam mo ba, si Max, yung soon-to-be-boyfriend ko sana, niloko ako? Haha" pagsisimula kong magkwento

"Makinig ka ha. Magku-kwento ako" at nagsimimula na nga akong nagkwento sa kanya at nakinig naman siya

Kinuwento ko sa kanya yung nung una kaming nagkakilala ni Max hanggang sa ang dahilan kung ba't ako napadpad dito

"Haha. Ang drama ng lovelife ko no?" Sabi ko pagkatapos magkwento

Tawa ng tawa ako habang nagku-kwento at the same time, nagpupunas ng luha

Mukha na nga siguro akong baliw dito

"Kung sino man yang Max na yan, napakagago niya para saktan ka. Napakatanga rin niya para lokohin ka" -bartender

"Sinabi mo pa" -me

"Kung ako sa'yo, Gab, magmo-move on ako. I'll make myself a much better person. Ipapakita ko sa kanya ang taong sinayang niya. Ipapamukha ko sa kanya ang bagay na dapat ay hindi niya ginawa at ang pagkakamali niya. Aalis ako at taas noong babalik at ipapatikim sa kaniya ang sakit na pinaramdam niya sa akin" advice niya

Good idea but sorry siya, hindi siya si Gab. At si Gab, hindi aalis at magbabago kahit sabihin pa nating better na pagbabago. I like the way I am
But yung ipapakita sa kanya ang sinayang niya at ipapamukha sa kanya ang mali niya, great idea

Maximus Amallir, just wait for my revenge
Sisiguraduhin kong mararanasan mo ang pananakit na pinaramdam mo sa akin

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon