1 minute..
1 minute nalang at male-late na akoHindi ako pwedeng malate at ayaw kong mangyari yun
*takbo* *takbo*
Waahh..
Nasa gate palang ako at 30 seconds nalang ang natitiraMabilis naman akong tumakbo kaya makakaabot pa ako nito
*takbo* *takbo* *tak--
Boogshh !
Pag minamalas nga naman
Napaupo ako dahil sa pagkabunggo"BULAG KA BA?!"
wow ha.. Ako pa ang may kasalananHinarap ko kung sino ang ugok na nakabunggo ko
"HOY MAXIMUS, PARA SABIHIN KO SA'YO, IKAW ANG HINDI TUMITINGIN SA DINADAANAN TAPOS IKAW PA ANG MAY GANANG MAGALIT?!"
Oo. Si Maximus ang nakabunggo sakin, ang MORTAL ENEMY ko
"IKAW ANG HINDI TUMITINGIN SA DINADAANAN"
"BAKIT? SA TINGIN MO BA MABUBUNGGO MO AKO KUNG TUMITINGIN KA SA DINADAANAN MO HA?!"
Tiningnan ko nalang siya ng masama at ganun din ang ginawa niya
*ringg* *ringg*
Kinuha ko ang phone ko
Waahh.. Late na akoTumayo na ako at nagsimula ng umalis. Ng nadaanan ko siya, sinadya kong bungguin siya tska tuluyan ng umalis
--------
Nandito na ako sa tapat ng classroom
Waah... May exam pa pala kami ngayonBwisit talaga na Maximus yun. Ng dahil sa kanya, mapapagalitan naman ako nito
Terror pa naman yung prof. namin na yun. Palibhasa, matandang dalaga kaya nakakatakot talaga
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumingin ako sa prof. namin ng tuluyan ko na itong nabuksan. Nakataas lang naman ang kilay niya habang nakatingin sakin
"And why the 2 of you are late?"
Ano raw 2? As in dalawa?
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko siya sa likuran koNakatingin din siya sakin at nginitian lang niya ako
I just rolled my eyes and face prof.
"Si Samantha po kasi"
"Anong ako? At pwede ba, wag mo na nga akong tawaging Samantha""E bakit? Ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit tayo late eh" Bwisit na nilalang to. Ako pa ang sisihin. Kung tutuusin nga, siya pa ang may kasalanan kung bakit late ako
Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi lang siya
Ano na naman bang pinaplano ng isang to?"Pano ba naman kami hindi male-late kung 2 am na kami nakatulog kagabi? Eto kasing si Samantha, tumawag at ayaw niyang ibaba ko kasi gusto niya raw akong makausap buong magdamag. Kung hindi nga lang siya pinagalitan ng nanay niya, siguro hindi na kami nakatulog"
Napataas ang kilay ko. Yung mataas na mataas
Ano bang pinagsasabi ng ugok na to?"Hoy! Kahit kailan napakasinungaling mo talaga no? Sa pagkakaalam ko, kaya lang naman ako nalate kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo"
Sasabat pa sana siya kaso naunahan na siya ni prof.
"Kahit ano pa yang dahilan niyo, late parin kayo. And you know the rules"
"Yeah. Whatever"
Umalis na agad ako. At nung nadaanan ko siya, sinadya ko talagang bungguin siya sa balikatDumiretso nalang ako sa canteen. Ikakain ko nalang to
"Spaghetti, 3 slices ng pizza, 2 burger, fries, 2 fried chicken, at tubig. Yun lang"
Nilagay niya na sa tray yung mga order ko tsaka binigay sakin
"200 po"Hinalungkat ko ang bag ko para kunin ang wallet ko pero wala. Baka nasa bulsa
Kinapa ko rin ang bulsa ko pero wala din
Hala.. Pano ako makakabayad nito?"Uhmm..a-ano k-kasi--"
"Here *abot ng pera* paki dagdagan nalang ng isang spag"Tumingin ako sa kanya. Kay Maximus
Dinala niya na ang tray at nilapag sa table. Umupo ako sa tapat niya.
Magpapasalamat sana ako kaso
"Kung iniisip mong naging mabait ako sa'yo, nagkakamali ka. At isa pa hindi to libre. Babayaran mo to pero hindi ng pera""E ano?"
Nginitian niya lang akoAno na naman kayang pinaplano nito?
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....