Alam mo yung nakakainis?!
Yun yung feeling na ang sarap sakalin ng nasa harapan mo. Lalo na yung bwisit na malanding kulang nalang eh gawing buntot ng isa pang malanding si Max
Hanggang dito ba naman sa paglilinis sa gym, dala parin yung kalandian?! Grrrrr....!!!
"MAWALANG GALANG NA PO SA INYO PERO PWEDE PO BANG ITIGIL NIYO MUNA YANG PAGHAHARUTAN KASI PO ANONG ORAS NA OH. KALAHATI PALANG ANG NALILINIS NATIN" Magalang na pakiusap ko sa kanila
Nagbingi-bingihan lang ang dalawa
Tiningnan ko ng masama yung kasama ko dapat maglinis ng maligaw yung tingin niya sa akin. Nasindak ata kaya kinuha na ang walis at tinulungan din akong maglinis
Nakangiti namang pinagmasdan siya ng babaeng linta na kulang nalang maghugis puso ang mata
Dukutin ko yang mata mo eh!! Nakakagigil!!!!!
Sa kalagitnaan ng paglilinis, bigla nalang lumapit yung mukhang coloring book kay Max
"Puno ka na ng sweats oh" puno ng kaartehang sabi niya bago punasan yung pawis ni Max gamit syempre ang towel
"Puno ka na ng sweats oh" panggagaya ko sa kanya. Sa mas maarteng tono
Pabulong ang pagsabi ko nun kaya laking gulat ko nalang ng bigla niya akong inirapan ng tumingin ako sa kanya
Narinig niya?
"You know Gabby, mocking me won't make you beautiful so you better shut your mouth nalang, ok?"
"Hindi talaga ako gaganda nun kasi maganda na ako. Gayahin ko man ang maarteng accent mo o hindi, maganda ako. Ikaw? Maganda ka ba?" Confident na sabi ko
Tandaan mo yan, MCB (mukhang coloring book). MAGANDA AKO! Gawin mang coloring book yung mukha ko katulad ng ginagawa mo sa mukha mo o hindi, maganda parin ako
"Of course I am. Mas maganda ngalang sa'yo if you really consider yourself maganda"
"Correction lang ha. You know, I don't have to consider myself maganda because I already am sabihin ko man o hindi"
"Really? Eh bakit ikaw lang ata ang nakakakita nun?"
Psh. Talaga lang ah. Ako lang ang nakakakita? E kung tanungin mo kaya diyan sa kasama mo kung maganda ako sa paningin niya? Tss.
"Max. Do you find her...beautiful? Liars go to hell.." Tanong niya kay Max
Hala. Nasabi ko ba yun?
Tiningnan ako ni Max straight to the eyes pagkatapos siyang tanungin ni MCB. Hindi ko naman maiwas yung mata ko sa kanya kaya nag katitigan kami
"No" sagot niya ng nakatingin parin diretso sa mga mata ko
Aray ah!! Hindi talaga ako maganda para sa'yo?
Gustong tumulo ng mga luha ko. Gusto kong umiyak. Kaso ang babaw ko naman ata kung yung no na sagot niya lang eh iiyakan ko na agad
Pero....ba't ang sakit?
May sinabi pa siya ng pabulong pero hindi ko naintindihan
Nakita ko namang ngumisi si MCB
"Mabuti pa Lina, hatid na kita. Anong oras na oh. Baka hinahanap ka na sa inyo" baling niya kay MCB
So Lina pala ang pangalan niya... In fairness, bagay sa kanya
Lina linta. O diba bagay?
Walang ano-ano'y bigla nalang umalis yung dalawa at iniwan ako ditong mag-isa
What the hell?!
Aware naman siguro si Max na hindi namin pwedeng iwan ang gym na hindi pa nalilinis ng maayos kundi lagot kami bukas
And for Pete's sake, hindi pa tapos ang gawain namin at iniwan niya lang dito sa akin mag-isa?! How gentleman
Pinagpatuloy ko na ang paglilinis habang sinusumpa yung dalawang nambwisit sa araw ko
Kung nagkatotoo lang ang mga nasa isip ko, malamang sa malamang, pinaglalamayan na ang mga bangkay nila ngayon
After 5182251171716171 milliseconds, finally!! Tapos na rin
Tatapon ko nalang yung garbage bag sa basurahan sa labas at pwede na akong makauwi
Iniligpit ko na ang mga gamit ko para maka alis na
Chi-neck ko muna yung oras sa phone ko. Hala! 8:46 na?!
Patay ako kay mommy nito. Hindi pa naman nila alam yung tungkol dito
Binilisan ko na ang pagligpit at pinulot na agad ang dalawang garbage bag na itatapon ko sa labas
Nasa kabilang banda pa ang pintuan palabas ng gym kaya tinakbo ko na papunta dun ng marinig ko ang mabilis na pagsarado ng pinto
What the-?!
Don't tell me, na-lock ako dito?!
Binitawan ko yung mga hawak-hawak ko at tumakbo papuntang pintuan tsaka ito pinaghahampas
"Waah!! PAKIBUKSAN PO. MAY TAO PA PO DITO SA LOOB!!" sigaw ko
Ayokong matulog dito mag-isa kaya please, buksan niyo na kung may nakakarinig man sa akin dito ngayon
At isa pa, malalagot ako nito kapag hindi ako nakauwi
Halos isang minuto rin akong nakipagsigawan sa pinto ng maisipan kong tumigil na
Maliban kasi sa wala namang nakakarinig sa akin at para na akong tanga dito eh masisira lang yung golden voice ko sa kasisigaw nito. Useless din naman
Naglakad ako papuntang upuan para syempre umupo sa kabilang dulo ng biglang namatay yung ilaw
O_O
Nasabi ko na bang takot ako sa madilim lalo na pag nag-iisa?
*boggghhhshnhhv!!meow!!!asqehhqeuav!!meow!!* (sound effect ng mga nahulog na gamit at pusa)
Lub. Dub. Lub. Dub. Lub. Dub...
Nakaramdam ako ng kaba ng may narinig na mga tunog galing sa gilid ko
*meoww!!*
Lubdublubdublubdub! Mas bumilis yung tibok ng puso ko ng may maramdamang kung anong gumagalaw sa paa ko
Waah!! Ayoko na! Mama!!!!!
*boggsshhhhh!!*
"Kyaaaahh!!" Napatili at napatalon ako sa takot
Ayoko na talaga!! T-tulong!!
Unti-unti kong naramdaman ang sakit sa puso ko
P-parang dinudurog na pinipisil. Ang sakit!
"T-tulong!" Halos pabulong na wika ko
P-putek! H-hindi ako m-makahinga!
Unti-unti akong napaupo habang nakahawak sa dibdib ko
T-tulong.... M-max...
Naramdaman ko ang pagbukas ng kung sino sa pinto
Bago pa ako malapitan ng tuluyan ng dumating, unti-unti ng napapikit ang mata ko
D-dumating siya...
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
