I'm here at Ella's residence with of course Ella and Tania
We're actually planning on taking revenge on what Max had done
Alam narin naman kasi nila ang nangyari nung nakaraang gabi at kinuwento ko na rin pati ang mga sinabi niya kina daddy
Naiinis parin talaga ako pag naaalala yun
At mas doble pa ang inis ko sa kanya pag kumakain siya ng mga favorites ko--na bawal kong kainin for the mean time--sa harap ko
Bwisit talaga ang ugok na yun kahit kailan. Parati nalang akong iniinis
Hintayin niya na lang ang revenge na hinahanda ko sa kanya
It's payback time..
*insert evil laugh here*
------
Nandito ako ngayon sa bahay nina Max
May usapan kasi kami ngayon
Pupunta kami ngayon sa isang amusemant park malapit sa subdivision nila
Hindi pa kasi siya nakakapunta dito
Sabi niya, sobrang workaholic raw ang mga magulang niya na hindi na siya nadadala rito nung bata pa siya
If I know, takot lang yun sa matataas kaya hindi pa nakakapunta rito. Don't me Max. Hindi na gagana sa akin yang mga palusot mo
Dito ko rin pala gagawin ang revenge ko para sa kanya
At dahil takot siya sa matataas sasakay kami ng Ferris wheel. Bwahahaha
Isasakay ko rin siya mamaya sa iba pang rides na tumataas na hindi ko alam kung anong tawag dun. Ferris wheel lang ang alam ko na rides dun eh. Nung magagawa ko?
Dun na ako naglunch sa bahay nila
11:30 kasi ako pumunta dun
Naglaro lang muna kami ng kapatid niyang si Cassy at ang best friend nitong si Kristine sa bahay nila
Ang aga pa kasi kung aalis na kami agad
3:45 na ng napagdesisyunan naming umalis na
Oh my...! I'm super duper ultra mega excited na makita ang itsura ni Max na natatakot
Hinila ko kaagad siya papasok pagkapark niya ng kotse
Una naming sinakyan ay yung mga hindi ganung nakakatakot na rides. Yung mga mild lang muna
Mamaya na ang mga matataas
Inabot rin kami ng isang oras ng masakyan na namin ang lahat ng rides maliban nalang sa mga matataas talaga
Nagpahinga muna kami sandali bago kami nagrides ulit
Hinila ko siya sa Ferris wheel pagkatayo namin
"B-bakit diyan?!" Namumutlang tanong niya nung nakapila na kami sa bilihan ng ticket
"Bakit? Takot ka?" Balik tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar
Umiwas muna siya ng tingin pagkatapos ay nagsalita
"Hindi no!"
Guilty. Takot nga
"Edi tara na! Di ka naman pala takot eh"
Hinila ko na siya sa loob pagkakuha ko ng ticket namin
Ramdam ko ang panginginig niya nung nakaupo na kami
Hindi pa nga nagsisimulang umikot ang rides na sinasakyan namin pero grabe na ang pamumutla niya
"Hindi pala takot ah" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya
Alam kong narinig niya yun kasi bigla siyang yumuko. Parang nahihiya
Nagsimula ng umikot ang rides at si Max kung makatili daig pa ako. Parang bakla
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
ComédieWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
