"Niel, diba may nililigawan ka?" Tanong ni Carlo kay Niel
Nandito kami ngayon sa rooftop sa bahay nina Niel tumatambay
"Wala. Bakit?" -Niel
"May nakuha kasi ako sa google na tula ng manliligaw na siguradong mapapasagot mo agad ang nililigawan mo pagkatapos mong sabihin to" sabi ni Carlo sabay abot niya ng laptop kay Niel
"Tula ng manliligaw
O mahal kong nilalangit,
Nilalangaw pati pwet
Kung sa ganda mo ako'y samba,
Sa utot mo ako'y tumba
Kung sa langit ika'y tala,
Dito sa lupa ika'y pokwa
Buhok mong paalon-alon,
Kuto mo'y patalon-talon
Mata mong maririkit,
Muta mo'y dikit-dikit
Ilong mong matatangos,
Sipon mo'y umaagos
Ngipin mong pantay-pantay,
Hininga mong amoy patay
Paano na ang buhay?
Kung sa'yo ako'y mamamatay
bow" matawa-tawang tula ni Niel
Humagalpak na naman ng tawa ang dalawa habang ako, heto, nakikinig lang sa tawa nila
Maya-maya ay tumigil na sila kakatawa at bumaling ang tingin sa akin
"Kahapon pa kami nagpapatawa dito pero ni ngiti wala manlang kaming nakuha galing sa'yo. Komokorni na nga kami o, mapatawa kalang pero wala ka namang pinapakitang kahit anong emosyon. Ano ba kasing gusto mong gawin namin para mapasaya ka lang uli, Gab? Miss na miss na namin ang matamis mong ngiti eh" seryosong sabi ni Carlo
Napangiti naman ako dun.
I really love this sweet cousin of mine. Ginagawa niya na pala ang lahat para lang maging ko ako
Pero anong magagawa ko? Ang hirap kayang ngumiti lalo nang alam mo sa sarili mong hindi totoo
"Lintek na pagmamahal na kasi yan. Bakit pa ba kasi naimbento kung sakit lang naman pala ang epekto?!"
Saan nahugot ni Carlo yun?
Mas bitter pa sa akin kung makabanat si insan ah
"Ang pagsusulat kasi, kapag masyado mong diniinan, hanggang sa susunod na pahina nagmamarka. Parang pagmamahal. Kapag masyado mong ibinigay ang lahat, yung sakit na gawa ng nakaraan, dala parin hanggang sa kasalukuyan. Katulad ng pagmamahal na inalay namin ni Gab. Todo-todo kaya heto, nasasaktan ng pang matagalan" -Niel
Makahugot ang dalawang to, parang sila pa ang broken hearted ah
"Ang sakit lang kasing isipin na dahil sa isang pangyayari, hindi na kami pwedeng maging tulad pa ng dati"
Ayan tuloy. Napapahugot narin ako
"Ano ba kayo guys, don't ruin a good today by thinking about a bad yesterday. Let it go. Cheer up"
Napatingin kami sa nagsalita
"Tania!" Masiglang bati ni insan kay Tania na nakangiting nakatingin sa amin na nakasandal sa pinto
Yayakapin na sana siya ni Carlo ng biglang tumakbo si Tania papunta sa akin, ignoring Carlo, at niyakap ako
Niyakap ko rin siya pabalik at tumingin kay Carlo na nakasimangot
Natawa nalang ako sa itsura niya. Ang epic kasi
Nagbatian lang kami ni Tania at bumaba na para maglunch. Sumunod naman ang dalawa sa amin
"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Max. Kamusta ka?" tanong niya sa akin ng naka upo na kami sa dining table
"Ok lang naman. Ikaw? Naparito ka. Sinong kasama mo?" -me
"I'm with my family. We're here for a vacation and para kamustahin ka rin"
Nagkwentuhan lang kami ni Tania habang kumakain
Sa guest room, na tinutulugan ko kami dumiretso pagkatapos naming kumain
"Pansin ko lang ah. Bakit hindi mo ata kinikibo si Carlo?"
Panay lang kasi ang usap niya sa akin at hindi niya talaga pinansin si Carlo all the time
Ngumiti lang siya sa akin
May problema ba ang dalawang to?
"Tania, I'm your best friend kaya sige na. I'll listen"
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita
"H-he cheated" pagsisimula niya
He what?
I know how my cousin love Tania. So how come he cheat?
"He and Ella" pagtutuloy niya
Wait what?!
"I caught them. At the park. Nung monthsary namin. Hugging"
She burst into tears
Hug lang naman pala eh. Baka kino-comfort lang ni Carlo si Ella
"From the start, I know there is something between them. They're so close with each other. They looks so comfortable together. They seem so happy with each other's company. Nung una, binalewala ko lang ang closeness nila kasi diba they're chilhood friends? But on what I have witnessed, hindi na kailangan ng confrontation. Malinaw na sakin ang lahat. They're more than friends"
Nakayakap ako sa kanya habang sinasabi niya yun. She needs comfort
"Do they know you caught them?" I asked
"No. I didn't talk to any of them after that scene on the park"
"Bakit hindi mo kausapin si Carlo tungkol dun? Baka nagkakamali ka lang. Naging saksi ako sa pagmamahalan niyo ni Carlo and I can say, hindi kanya kayang lokohin. He loves you so much" -me
Hinayaan ko lang siyang umiyak habang yakap-yakap ako
Iyak lang siya ng iyak ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Carlo
I gently release her arms wrapped on me and excused myself
Kailangan nilang mag-usap
Wala naman kasing kasiguraduhan na niloloko nga siya ni Carlo
Mabuti't kahit papaano ay nawala sa isip ko si Max ng dahil sa problema ng dalawa pero heck!
Heto na naman tayo. Max na naman
Paano ba ako makakamove-on neto kung parating siya ang nasa isip ko?
Ni puso ko nga parang naiwan pa sa pilipinas. Kay Max to be exact
After a couple of hours lumabas narin sa wakas ng nakangiti at nakahoding hands sina Tania
Lumapit sila sa akin at niyakap ako
"Kino-comfort niya lang pala si Ella. Salamat ah. Naayos na ang problema namin ng dahil sa'yo. Ikaw? Kailan mo aayusin ang sarili mong problema?" Bulong sa akin ni Tania habang nakayakap
Ngumiti lang ako sa kanya
Heck! Hindi ko pa siya kayang harapin. Aayusin ko to but not now
Hindi ko pa alam kung anong dapat gawin
"Don't worry, Gab. Everything will be ok"
Hope so but hindi na. Ayaw ko ng nagpaloko uli
Again. I just smile
Bumalik na naman ang sakit nung narinig ko ang tungkol sa pustahan
Ang sakit-sakit parin pala
Damnit
I'm sick of crying. Tired of trying
Yeah, I'm smiling but inside I'm dying
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
