Chapter 32

1K 16 1
                                        

"Max" nakangiti kong tawag sa kanya nung makita ko siyang nakaupo sa buhangin habang pinapanood ang bawat galaw ng tubig sa dagat

Tumayo naman siya nung makita ako, ngumiti at masayang lumapit sa akin

Napawi ang ngiti sa labi ko ng nilampasan niya lang ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang papalapit sa parang anghel sa sobrang amo ng mukha na babaeng nakangiti rin kay Max

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang kumakawala ang nag-uunahan sa pag-agos na mga luha sa nasasaktan dahil sa mga nasasaksihang mga mata ko

What's happening??

Pinagmasdan ko lang ang magkahawak nilang kamay habang unti-unti silang masayang naglalakad papalayo sa akin

Ang sakit. Ang sakit lang isipin na yung taong mahalaga sa'yo, unti-unting lumalayo sa'yo habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng ibang tao

Bigla akong nagising sa masamang panaginip na yun

Naramdaman ko ang natutuyong luha na umagos sa mga mata ko

Ba't ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng mapanaginipan, yung lalayo pa sa'yo yung taong napaka-importante sa buhay mo?

*knock* *knock* katok sa pinto ko

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago ko nilingon ang pinto

"Oh. Gising ka na pala?" -Carlo

"Hindi. Tulog pa ko. Kaya nga mulat ang mata ko eh" sarkastiko kong sabi

"Tss. Maligo ka na. May klase ka pa" wika niya bago lumabas ng kwarto ko

Katulad ng sinabi niya, hinanda ko na ang aking sarili para pumasok

Dalawa lang ang klase ko ngayong araw at isa dun ay kaklase ko si Max

Napahinto ako sa paglalakad papasok sa classroom ng may bigla akong naalala

Tsk. Naalala ko na naman ang panaginip na yun

To be honest, yung nararamdaman ko sa kanya, yung pagmamahal, yung galit, lahat nawala

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon