Chapter 15

1.5K 31 1
                                        

Gab's POV

Busy ang lahat sa pagpe-prepare para sa pageant mamaya

Oo. Mamaya na ang pageant pero hindi parin kami nakapag-practice o plano manlang para sa gagawin namin sa talent portion

Ewan pero kung lumalapit kasi siya sakin, napapaalis agad ako. In short, iniiwasan ko siya.

Yung sinabi niya kasi nung nakaraang gabi, yung gusto kita. Nahihiya kasi ako na naiilang na...basta
Iniiwasan ko siya ngayon dahil sa sinabi niyang yun at dahil narin sa pag-uusap namin kagabi
Kaya lang naman ko nagwalk out nun kasi natatakot ako sa kung ano mang sabihin niya
Na baka gusto niya talaga ako
Kung sinusundo niya ko, hindi na niya ko naabutan kasi nauuna na ako umalis

Sa classroom naman, natutulog nalang ako para maiwasan siya o di kaya naka headset para hindi ko marinig kung ano man ang sasabihin niya

Ang akala nga ng iba, nag-away kami. LQ kami

"All candidates, get ready. We will start after 5 minutes"

"Woow.. Ang ganda mo, Gab. Sigurado, lalong maiinlove si Max sa'yo niyan" -Tania

Nandito ngayon ang mga loka-loka kong bestfriends. Moral support daw and sila rin ang nag-aayos sakin

"I agree. Ang ganda-ganda ng bestfriend ko. Bagay na bagay sa'yo ang hindi cheap na gown na pinili ko. Ang galing ko talaga"- Ella

"Are you saying na cheap ang napili ko tapos yung sa'yo hindi? Ganun ba?"
Nakapameywang na sabi ni Tania

"Ikaw ang nagsabi niyan"
Sagot ni Ella

"Ewan ko sa inyo. Mag-aaway na naman kayo eh"

Nagsimula na ang pageant and ok naman ang flow ng program
Hindi naman ako nautal o natapilok o kung ano man

Talent portion na ang susunod
Yung ibang mga candidate dito, kasama na ang kanilang mga partners and nagre-ready na

"Uhm.. Gab"
Tawag sakin ni Max

Nilingon ko siya.
Bakit ba ang gwapo gwapo ng boyfrien-- este FAKE boyfriend ko?

"Tulo laway mo oh"
Natatawang sabi niya

Inirapan ko lang siya

"Uhm.. Gab, ano na palang gagawin nating talent?"Nagkibit balikat lang ako bilang sagot

"Any suggestion?"

Hmm.. Kung sumayaw kaya kami? Hindi pwede. Ilang minuto nalang ang natitira at baka magkamali kami sa steppings
E kung kumanta? Pwede sana pero hindi kagandahan boses ko
Tsk. Ewan

"Ikaw nalang mag-isip"

"Uhm... Marunong kang tumugtog ng kahit anong musical instrument?"

Musical instrument?
"Ako pa ba? Syempre....hindi"

"E kumanta?"

"Hindi kagandahan ang boses ko"

"Sumayaw"

"Kulang tayo sa oras"

"Kumanta ka nga"

Ha?? Hindi nga maganda ang boses ko eh. Sige na nga

" ahamm...
You are the one who makes me happy
When everything else turns to gray
You--"

"Ok na. We'll sing"

"Sing? E ang pangit nga ng boses ko eh"

"Stop underestimating yourself. Hindi pangit ang boses mo, ok?"

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon