"Gab..gusto kita"
Ano raw? Gusto niya ko?"P-pwedeng pakiulit?"
"Sabi ko gusto kita. I like you"
Like? Gusto? As in gusto talaga niya ko?
Sigurado ba siya sa mga sinasabi niya?
Si Max, magkakagusto sakin?O baka epekto lang to ng kalasingan niya?
Oo tama. Lasing lang siya kaya kung ano-ano ang mga pinagsasabi niya"Alam mo matulog ka na. Lasing ka na talaga eh. Kung ano-ano na ang mga pinagsasabi mo"
Aakmang tatayo na sana ako ng hinawakan niya ako sa braso para pigilan
"Maybe lasing na nga talaga ako pero alam ko kung ano ang sinasabi ko and I mean it. Gab, I really like you" sincere niyang sabi
Naman eh. Why am I having this weird feeling?
Yung parang naeexcite na nakikilig?
Ba't naman ako maeexcite o makikilig?"Uhm.. Max, kailangan ko ng umuwi. Siguradong hinahanap na ako sa amin. Sige, bye"
Umalis na kaagad ako sa kwarto niya"Ahh... Manang, mauna na po ako. Gabi na po kasi at baka hinahanap na ako sa amin"
"Dumarito ka nalang muna, ija. Delikado na lumabas. Marami pa namang tambay dun sa kanto. Ihahanda ko nalang ang guest room na tutulugan mo"
Umalis na si manang pagtapos sabihin yun
Sumunod naman ako sa kanya papuntang guest roomDito nalang muna ako matutulog. Te-text ko nalang si Carlo na hindi ako makakauwi
Umalis na si manang pagtapos niyang ayusin ang kwarto
Ano ba naman to. Hindi ako makatulog
Bwisit kasi ang ugok na yun eh. Kung ano-ano ang mga pinagsasabiHindi ba niya alam na grabe ang epekto sakin ng sinabi niya?
Sinong mag-aakala na isang Maximus Amallir ay magkakagusto sa katulad ko?
Hindi naman sa dina-down ko ang sarili ko pero mag-mortal enemy kami
At ako naman, nagsisimula na ring magkagusto pabalik sa kanya
Pero syempre joke lang yunNever akong magkakagusto sa kanya no. Kahit siya nalang ang natitirang lalake sa mundo, hinding hindi talaga.
Kahit na gwapo siya, kahit na sweet siya paminsan, nakakakilig, ano pa ba? Basta, kahit na almost perfect siya, hinding-hindi ako maiinlove dun no. Crush lang
Hindi naman siguro masama ang magka-crush sa kanya
Pero hanggang dun lang ako no
Crush lang talaga. Pramis-------
*ring* *ring**hikab*
Unti-unti kong minulat ang mga mata koDito pala ako nakatulog sa bahay nila Max kagabi
*ring* *ring*
Inabot ko ang phone ko sa side tableSi Carlo tumatawag
"Hello?"
"Nasaan ka na? Ba't di ka umuwi kagabi? Ba't absent ka sa first class mo? Alam mo bang nag-aalala kami sa'yo ha? Swear pag nakita kita, makakatikim ka talaga sa akin ng napakalakas na batok"
Nakalimutan ko palang i-text siya kagabi na dito ako matutulog
"Easy ka lang insan. Masyado ka naman atang nag-alala sa kin. Ok lang ako don't worry. Nandito ako kina Max kas---"
![](https://img.wattpad.com/cover/97432108-288-k264447.jpg)
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....