Gab's POV
"Good morning, Samantha Gabriel" nakangiting bati niya sakin pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ko
Hindi ko na siya pinansin pa at nagpabusy nalang sa panonood ng kdrama sa cellphone ko
Nasa iyakan part na ako ng bigla itong magring
>Max Calling...<
Ano bang trip nito at may patawag-tawag pang nalalaman eh magkatabi lang naman kami?!
Salubong ang kilay naman akong bumaling sa kanya at saka inis na nagsalita...
"ALAM MO BANG NASA PINAKAINAABANGANG PART NA AKO NG PINAPANOOD KO?! HA?! ALAM MO IKAW, KAHIT KAILAN, ANG EPAL MO TALAGA NO?! WALA KA BANG MAGAWA SA BUHAY MO AT AKO AN---"
O__O
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya akong h-halikan....?
SA GILID NG LABI!!!
Wag kayo. Dun lang talaga
Dahan-dahan niya namang inilayo ang mukha niya sa mukha ko at tuwang-tuwang pinanood ako at saka nagsalita
"Ang ingay-ingay mo kasi"
Sinamaan ko naman siya ng tingin at akmang sasampalin ng biglang pumasok ang Prof namin dahilan para hindi ko matuloy ang pagsampal ko sa kanya
Binigyan ko nalang siya ng humanda-ka-sakin-look at saka bumaling sa harap
Grrr!!! Bwisit ka talagang Max ka! Dalawang linggo mo na akong iniinis ah?!
Oo. Dalawang linggo na rin since bumalik ako dito at sa loob ng dalawang linggo na yun, puro pambi-bwisit lang ang ginawa niya sa akin
Nakakainis nga eh. Dapat siya ang bwisit na bwisit sa akin kasi ako dapat ang maghihiganti pero baliktad ata ang nangyayari
Lumipas ang mga oras at natapos rin ang morning classes namin.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Carlo papuntang cafeteria ngayon para maglunch ng biglang magring yung cellphone ni Carlo
"Sagutin ko lang" paalam niya
Tinanguan ko naman siya at nagtuloy sa paglalakad papuntang Cafeteria
"Tita Beth, isa nga nito tas ito and of course, 25 pieces of stick-o" order ko kay tita Beth pagkarating sa cafeteria
"A, Gab. Wala na kaming stick-o eh. Binili na lahat ni Mr. Amallir"
Mr. Amallir? As in Maximus Amallir?
"G-ganun po ba? Yung choc-o nalang po. Yung pinakamalamig ha"
"Wala na rin eh. Binili niya na rin lahat"
Pilit na ngiti nalang ang ginanti ko sa kanya at hindi na nag-order pa ng kahit anong chocolate
Grrr!! Nananadya ba yung hambog na Max na yun?!
Andami niya ng kasalanan sakin ah?!
Humanap na lang ako ng bakanteng table at saka umupo
Hindi ko na hinintay pa si Carlo kasi nagugutom narin ako
Sarap na sarap ako sa pagkain ko ng biglang may umupo sa harap ko
Hindi ko naman na nilingon pa kung sino.
Si Carlo na yan panigurado
*yum* *yum* *yu--
Natigilan ako sa pagsubo nung ma-recognize ko kung sino talaga ang nasa harap ko
Hindi si Carlo kundi si Maximus
Umayos muna ako ng upo bago magsalita
"Ano na namang pinaplano mo ha?!" Mataray na tanong ko sa kanya
"Hindi ba pwedeng sasabay lang sa pagkain?" Natatawa pang aniya
"Heh! Tigilan mo ko! Kilala kita at hindi ka naman lalapit dito para sabayan lang ako. At isa pa, wala akong panahon sa'yo, ok? Kaya kung pwede umalis ka na kasi hindi ako makakain dito ng maayos" pasigaw na tugon ko sa kanya
"Psh. Bungangera" bulong niya pa pero narinig ko kaya inis akong tumingin sa kanya at saka nagsalita
"Nung sabi m--
"Oh!" Abot niya sa akin ng malaking supot
Taka ko naman itong tinignan
"Nung gagawin ko diyan?"
"Tsh. Baka aabutin mo?" sarkastiko niyang sagot
Kinuha ko naman to sa kanya at sumilip
"Kyaaaaaaaahhhhh!!!!" Napatili ako sa pagkabigla
Vaosaoqhysktfgzksgahsjzsvh...!
Bwisit na nilalang to ah?!
Abutan ba naman ako ng PALAKA?!
Oo! Palaka yung nasa loob na bigla nalang tumalon nung sumilip ako
Grrrrrr!!!
"Ayieeeeeehh..."
Bigla akong napabitaw sa pagkakakapit sa kanya nung napansin ko ang pwesto namin
Tiningnan ko naman siya ng masama habang siya, nakatingin ng mapang asar
"Siraulo ka ah?! Kung ipakain ko kaya yang palaka sa'yo?! Ha?!"
"Babe naman" paglalambing pa niya
Ano na namang palabas to at may pa-babe babe pa siyang nalalaman
"Babe?! Hoy!! Mr. Walang magawa sa buhay!! Fyi, GAB ang pangalan ko at hindi babe. GAB..G..A..B..GAB!!" Diin ko pa sa kanya
"Tss. Nilalambing lang eh. High blood agad"
"Ewan ko sa'yo. Magnanakaw!!" Sigaw ko pa sa kanya
"Anong?! Ano na namang kinuha ko sa'yo?!" Gulat na tanong niya pa
"Kinuha mo lang naman yung paborito kong stick-o at pati ba naman yung choc-o inubos mo?!"
"Hoy!! Para sabihin ko sa'yo, wala akong kinuhang stick-o choc-o at kung ano pamang may o sa'yo!!"
"Anong wala?! Yung stick-o at choc-o sa counter! Akin yun! Hindi nga ako ang bumili pero AKIN yun!"
"Anong iyo?! Binili ko na yun kaya AKIN na yun ngayon"
"Kahit na!! Akin parin yun!! Kaya isauli mo na. Nangangalay na ko oh!" Sabay lahad ko pa ng kamay ko
"Ubos na! Bumili ka nalang ng iyo"
"Hindi! Yun ang gusto ko kaya yun ang kakainin ko!"
"Ba't ba ang o.a mo ha?! Pareho rin naman yun eh! At isa pa, ubos na nga!"
"Eh ba't ka ba naninigaw?!"
"E naninigaw ka rin eh!!"
"O tama na!! Tama na!! Wala ng kwenta pinag-aawayan niyo eh. Nakakaabala na kayo sa ibang istudyante dito oh. Ang iingay niyo" pang-aawat samin ni Miguel
"Heh!!" Sigaw ko pa sa kanya at saka umalis
Bwi$it na yun ah?! Pinainit ulo ko
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
HumorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
