It's been two weeks since iniwasan ako ni Max
Nakaalis narin pala ang mga kaibigan namin para magbakasyon a week ago
And may magandang naidulot din pala ang paglalayo niya kahit paano
Sa 2 weeks kasi na pag-iiwas niya sa akin, may narealise ako
Alam niyo ba ang kasabihang 'makikita mo lang ang halaga ng isang bagay pag ito'y nawala na?'
But in my case, hindi naman ito tuluyang nawala at hindi ito bagay
Nung iniwasan kasi ako ni Max, dun ko narealise ang halaga niya sa buhay ko. Sa puso ko
Oo. Inaamin ko, nagugustuhan ko narin siya
Nung iniwasan niya kasi ako, palagi ko siyang naiisip. Tapos pag kainakausap niya ako kahit ang cold niya, natatameme ako at bumibilis ang tibok ng puso ko. Namimiss ko rin siya kahit ilang seconds ko lang siyang hindi nakikita. Nagseselos ako pag may pinapansin siyang ibang babae. Bumibilis ang tibok ng puso ko kahit picture niya lang ang nakita ko. Gusto ko rin siyang lapitan at magsorry pero hindi ko magawa.
Oo. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakasorry sa kanya
Natatameme kasi talaga ako pag kaharap ko na siya
Tapos ewan ba. Nanlalambot ang tuhod ko pag nagkakatinginan kami
Ang lakas na ata ng tama ko sa ugok na yun kahit wala naman siyang ibang ginawa kundi iwasan ako
~even if you want to go alone~
I pick up the phone and answer Niel's call
(Musta?)
"Okay lang. Ikaw?"
Nasa France narin pala si Niel
(Ok lang rin. Nagkausap na ba kayo ni Max?)
Alam niya na rin pala yung tungkol sa nararamdaman ko kay Max at tumigil na rin siya ng panliligaw pero friends parin naman kami
"Hindi pa nga eh. Hindi ko naman kasi alam kung paano siya kakausapin"
(Hay naku Gab. Ako na nga lang ang kakausap sa kanya)
"Wag! Ako nang bahalang kumausap sa kanya"
Baka kasi ano pang masabi niya kay Max
(Kaya mo na?)
"Kakayanin. Geh ah. I have to go na. Ingat ka diyan"
And I hang up
Bahala na si Mickey Mouse basta kakausapin ko na si Max. Magsosorry na ako
–——————
Miguel's POV
Nandito ako ngayon sa coffee shop kasama si Gab
Ibubuking niya raw ako kay Athena, yung crush ko, na ako ang nagpapadala sa kanya ng letters kung hindi ako pumunta
Masungit na nga blackmailer pa. Ano bang nakita ni Max dito sa babaeng to?
"Ano na?" tanong ko sa kanya
"Tulungan mo kong magsorry kay Max" diretsahang tanong niya
Aware naman akong may away sila ni Max. Hindi naman kasi sila nag-uusap. Obvious na iniiwasan ng kaibigan ko si Gab pero wala naman kaming ideya kung ano ang napag-awayan nila
So paano ko siya matutulungan kung hindi ko alam ang problema?
"Ano ba kasing nangyari?"
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita
"Ganito kasi yun..."
At kinwento niya sa kin ang nangyari
Kung tutuusin, ang babaw ng dahilan nila
Mapagpatawad naman kasi si Max kaya kung tutuosin, hindi mahihirapan si Gab na magsorry kay Max
"Nagsorry ka na ba?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang magkwento
"O-oo. Nung sinabi ko sa kanyang joke lang yun"
"Pagkatapos nun. Nagsorry ka ba uli?"
"Hindi"
Yun naman pala eh.
Sarado pa ang utak ni Max nung nagsorry siya kasi syempre pinaglaruan nun ang feelings niya
If I know, naghihintay lang ang ugok na yun na magsorry siya ulit
Ang arte rin kasi nun
May pa iwas-iwas pang nalalaman e sinusundan naman palagi si Gab
Nasa likod nga siya ngayon ni Gab e. Sa kabilang table, nagbabantay
"Magsorry ka lang ulit. Simpleng sorry mo lang naman, napapatawad ka na niya. Di ka matiis nun e"
Napangiti naman siya sa sinabi ko
"Sana nga"
"Sige ah. Mauna na ako. Kakausapin ko na siya. Miss na miss ko na yung mayabang na yun e. Salamat"
At tuluyan na siyang umalis
Nung nakalabas na siya, lumipat naman ako sa table ni Max at umupo sa harap niya
Naabutan ko siyang nakangiti
Narinig niya siguro ang mga sinabi ni Gab
"Huwag mo sabihing talo ka na"
---------
Flashback...
Nandito kami ngayon sa rooftop ni Max
"Max, seryoso ka ba talaga kay Gab?" tanong ko sa kanya
Kilala ko ang kaibigan ko. At ayon sa nakikita ko, parang nilalaruan niya lang ang pinsan ni Carlo.
"Hindi" maikling sagot niya
Sinasabi ko na nga ba
"So bakit mo siya pinatulan? Siguradong malalagot ka kay Carlo pagnalaman niya to"
"Fake relationship lang ang meron kami ni Gab, ok" paglilinaw niya sa akin
So ibig sabihin, hindi talaga sila?
Na palabas lang ang lahat?
"So wala ka talagang gusto kay Gab?"
"Wala. At hindi ako magkakagusto dun no"
Ang sabihin mo, hindi PA
Hindi naman kasi mahirap magkagusto sa isang Samantha Gabriel Gomez
Alam ko yan kasi naranasan ko na
Kilala ko si Gab una palang. Pumupunta kasi ako sa bahay nila at madalas ko siyang makita dun
Crush ko nga yun e. Pero syempre kay Max na siya at wala naman akong planong agawin siya
"Wag kang magsalita ng tapos, Max. Malay mo, baka mahulog ka sa kanya"
"Hinding-hindi mangyayari yun no. Baka nga siya pa ang mahulog sakin e" confident pa niyang sabi
"Sige. Pustahan tayo. Liligawan mo si Gab at pagsinagot kaniya within 3 months, ibibili ko sayo yung motor na nakita natin sa Tagaytay. At pagnahulog ka kay Gab, sasayaw ka ng nakatopless sa harap ng mga baklang fans mo. Ano? Deal?"
"Handa mo na pera mo pambili ng motor ko. Deal"
At umalis na siya pabalik sa classroom niya
Confident siyang mananalo siya ah. Tignan nalang natin pagkatalo mo, Max
Mahuhulog at mahuhulog ka kay Gab, alam ko
Can't wait to see you dancing in front of your gay fans, Max....
----------
"Ready ka na bang sumayaw ng nakatopless sa harap ng mga bading?" pang-asar ko sa kanya
As what I've noticed, unti-unti ng nahuhulog si Max kay Gab at parang may plano naring sagutin siya ni Gab
"Kailangan ko na nga atang ihanda ang sarili kong sumayaw" natatawa niyang sabi
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
UmorWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....
