Chapter 6

1.9K 38 2
                                    

Andito ako ngayon sa mall kasama ang ugok na si Max

"Bilisan mo nga. Ang bagal bagal mo talaga"
Bwisit kang lalake ka kahit kailan alam mo yun?

"E kung ikaw kaya ang magbitbit nitong mga pinamili mo?"
Oo pinabitbit nya ako ng mga pinamili niya

Yun daw ang bayad ko sakanya sa paglibre nya sakin sa canteen

"Hoy! Samantha. Ano ba sa salitang 'bilisan mo' ang hindi mo maintindihan?"

"At ano rin ba sa salitang 'wag mo akong tawaging Samantha' ang hindi mo maintindihan?"

"Ewan ko sa'yo. Basta bilisan mo"

Grrr.. Bwisit talaga tong lalaking to. Nakakagigil...

Pumasok siya sa isang boutique
"Good Afternoon Sir Max"
Yan lagi ang naririnig ko pag may nadaanan kaming mga staffs rito

"Good afternoon po sir Max. How can I help you?"
Sabi ng isang staff
Tumingin siya sakin at ngumiti

"Good afternoon po ma'am. Kayo po ba ang bagong alalay ni ser Max?"

Ako alalay?! Batukan kita dyan eh

"Ako? Yung mukhang to? *turo sa sarili* alalay?"

"So-sorry po ma'am"

"Hahahaha"
Nakakabwisit na talaga tong lalaking to eh. Pinagtawanan pa ako

Inirapan ko nalang sya
Nagsimula na syang pumili ng damit at umupo muna ako sa sofa sa tapat ng fitting room habang hinihintay siya

Nung nakapili na siya ng mga damit, pumasok na siya sa fitting room

Ako ang tagahatul kung ok na ba ang damit pero dahil nabad trip ako sa kanya, lahat sinasabi kong panget o hindi bagay sa kanya kahit ang totoo nyan, ok naman
In fact, ang gwapo niya ngang tignan sa kahit anong isuot niya

Sandali...sinabi ko bang ang gwapo niya?

Narinig kong gumalaw ang door knob galing sa fitting room kaya tumingin ako dun na dahan dahan ng binubuksan

Hala. Ba't ang gwapo gwapo niyang tignan?

Biglang nagslow mo ang paligid habang nakatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na nakatigin din sakin

"Boo!!"
Ahhh!! Napatili ako sa panggulat niya sa kin
Tumawa lang ang loko

"Haha.. Nakakatawa ka talaga alam mo yun? Haha"
Tiningnan ko nga ng masama

"Anong bang tinatawa tawa mo dyan ha?"

"Ikaw. Haha. Nakakatawa kasi yung itsura mo. Nung palabas ako at nung ginulat kita. Haha. Kung makikita mo siguro ang mukha mo, matatawa karin. Haha"

Grrr. Kahit kailan, bwisit talaga tong lalaking to
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad
Ayaw ko na. Ayaw ko nang makasama ang langyang nilalang na to

"Hep hep! Saan ka pupunta?"
Tumigil ako tsaka lumingon sa kanya

"Cr"
Tsaka umalis ng tuluyan

Nakahinga na ako ng maluwag nung naka labas na ako ng mall

Napahinto ako ng may humila sa akin paharap sa kanya
Nagulat ako ng nalaman kung sino yun

Napatingin ako sa mga mata niya na nakatigin din sakin
Ang ganda pala ng mata niya lalong lalo na na ang kulay nito. Kulay green
Ang tangos ng ilong niya
At ang labi niya...his kissable pink lips...
Parang gusto kong halikan

Wahhh... Ano bang iniisip ko?
Si Max? Ba't ko naman siya hahalikan?

Bigla siyang ngumisi....
Naitulak ko siya bigla ng napansin kong ang lapit lapit pala namin sa isa't isa

"Hahahaha. Ano? Iniisip mo naman na halikan ako?"

Hala. Pano niya nalaman?

"Ako? Hahalikan ka? Psh. ASA" tanggi mo pa, Gab

"Alam mo, hindi naman masama ang pag amin. Atsaka kung gusto mo ng halik, hindi ko naman ipagkakait sa'yo yun eh"
Sinabi niya yun habang lumalapit sa'kin

Wahh.. Anong gagawin niya.
Atras lang ako ng atras habang siya, lapit ng lapit

Tumigil lang ako sa pag atras ng wala na akong aatrasan
Ano na naman bang binabalak nito?

Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa gilid ko atsaka ngumisi

Papalapit na papalapit ang mukha niya sakin
Hahalikan niya ba ako?

Pumikit nalang ako at hinintay ang gagawin niya
Pero wala akong naramdamang labi na dumapo sa labi ko

"Hahahahahaha..Nakakatawa ka talaga. Hahahaha"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita siya sa harap ko na tawa ng tawa. May pahawak hawak pa sa tyan

Nilapitan ko siya at sinuntok suntok sa braso

"Nakakainis ka talaga alam mo yun? Peste ka"

"Woah.. Easy"
Hinawakan niya ang kamay kong sumusuntok sa kanya para pigilan

Nakatigin ako sa kanya ngayon at ganun din siya

Biglang may bumunggo sa likod niya at...



























Wahhhh... Ang first kiss ko!!!

When Ms. Sungit Meets Mr. MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon