...2 months later...
*ding* *dong*
AnakNgTipaklong naman oh
Nagising ako ng dahil sa doorbellSino na namang sumira sa tulog ko? Hindi ba nila alam na wala pa akong tulog simula kagabi? Na galing akong byahe at may jet lag pa ako?
Bumaba na ako at pinagbuksan ang kung sino mang distorbo ang sumira sa moment namin ng bago kong kama
Oo. BAGO.."Bessy!!" sigaw ng lokaret kong mga bestfriends sabay yakap sa akin
"Pretty house huh. As pretty as the owner" komento ni Ella habang nililibot ang mata sa bago kong bahay
Oo, BAGO KONG BAHAY
Di niyo na itatanong, birthday ko na next week and a 2-storey house ang regalo sa akin ng pamilya koGusto ko kasing magpaka-independent and magte-twenty naman na ako kaya hinayaan na nila ako
"Pasok kayo" -anyaya ko sa kanila
Nauna na silang pumasok sa loob
Isasara ko na sana ang gate ng biglang may sumulpot na lalake na may hawak na bouquet
"Kayo po ba si Samantha Gabriel Gomez?" tanong niya sa akin
"Opo. Ano pong kailangan nila?"
"May nagpapabigay lang po" sabay abot sa akin ng bouquet na hawak-hawak niya
Kinuha ko naman ito at chi-neck kung may card ba o wala and merong nga
Tatanungin ko sana siya kung kanino galing kaso pagbaling ko sa kaninang tinatayuan niya ay wala na siya
Asan na yun?Isinara ko nalang ang gate at pumasok na sa loob
Sa loob ko na babasahin ang card"O. Kanino galing yan? Kakauwi mo pa lang dito sa Pilipinas may admirer ka na agad. Ganda natin ah" biro pa ni Tania
Nagkibit-balikat lang ako at umakyat na papuntang kwarto ko
Sumunod naman ang dalawaInilapag ko lang muna sa side table ang bouquet at kinuha ang cellphone kong nagva-vibrate na nakapatong din doon
"Hello" I said after pressing the answer button
(Welcome back, my love. Can't wait to see you again) sabi ng nasa kabilang linya at pinatayan ako
Sino yun?
Familiar ang boses pero hindi ko marecognize kung kaninoChi-neck ko kung sino ang tumawag. It's from unknown number
Nevermind na nga.Umupo muna ako sa kama at kinuha ang card. It says:
I missed you and I love you, Gab
Always and Forever
-ma'amPsh. Kakornihan
At kanino daw galing?
ma'am? ma'am as in teacher? ma'am as in babae? Sino to? Naging teacher ko ba to noon?
At bakit ganito yung nakasulat?
Imposible kasing mamiss ako ng kahit sinong guro ko noonThe last time I check, they all hate me because of what I've done on them
Palagi ko kaya silang pinagti-tripan. Walang nakakalampas sakinKaya nga pumapasa ako palagi sa lahat ng subjects ko noon kahit minsan lang ako pumasok
Hindi dahil sa matalino ako kundi dahil sa ayaw na nila akong makasama sa panibago na namang school yearNatawa tuloy ako sa naisip ko
Ang kulit kulit ko pala talaga simula noonBack to the card
Sino bang ma'am to?
Nakaka-curious ah"Psst. Halinga kayo" tawag ko kina Ella't Tania na naglilibot sa buong kwarto ko
Umupo naman sila sa tabi ko
"Alam niyo ba kung sinong ma'am to?" Sabay pakita ko sa kanila ng hawak-hawak kong card
Tiningnan naman nila iyon at binasa
"Baka teacher mo nung elementary o di kaya high school" -Ella
"Ano ka ba. Hindi no. Alam mo naman kung gaano nila kaayaw dito kay Gab" -Tania
"ma'am. ma'am. ma'am" paulit-ulit na sabi ni Tania
"ma--alam ko na!" -Ella
"Sino?" Sabay naming tanong ni Tania
Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloka at bumulong kay Tania
Kung tatanungin niyo kung anong binulong niya, syempre hindi ko alam
Bulong nga eh kaya hindi ko narinig at hindi naman kasi ako ang binulungan"Oo nga no. Ba't di ko naisip yun?" Wika ni Tania pagkatapos nilang magbulungan
"Hala. Andaya. Share naman dyan" -me
"No way. Pasalubong muna namin" -Tania
Inilahad pa nila ang kamay nila sa akin na parang nanghihingi
Ei. Paano na yan?
Nakalimutan ko pa namang bumili ng pasalubong
Nawala sa isip ko ehSinimangutan ko nalang sila
Andaya talaga
Ayaw pang sabihin eh"Sige ah. Kusina muna kami. Bahala ka na dyang isipin kung sino si ma'am. Hahaha"
At bumaba na nga silaSino ba kasi si ma'am na yan?!
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Meets Mr. Mayabang
ЮморWhat do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you their story then.....