Rebel three!

37.4K 833 46
                                    

Ang Pag re-rebelde *

KEYVEN ---

Taga saan ba ang baklitang ito at pagala-gala? Panigurado naghahanap lang ito ng mabibiktima. Ang mga bakla nga naman. Makasuso lang,maligaya na ang buhay.

Nakita kong sumakay ang baklita sa jeep,may mga dala pang dalawang bag.

"Nag away siguro sila ng dyowa nya." ani ko at tumingin sa paligid. Bakit nga ba ako nandito sa lugar na ito? Ah! Taga dito nga pala yung babaeng makaka sex eyeball ko.

Bumaba na ako sa motor at kinuha ang cellphone sa bulsa. Kailangan kong tawagan ang babaeng yon,mukhang delikado pa naman sa lugar na ito.

"Hello? Im here! Pwedeng puntahan mo na ako sa tapat nitong..." tiningnan ko kung saan ako nakapwesto. "Nasa tapat ako ng vulcanazing shop."

"Uhm,okay! Wait for me there! Lalabas na ako." ang flirt na sagot sa akin nung babae. Tss! Patay ka sa akin,paniguradong laspag ka.

Medyo umiinit na ang sikat ng araw at nagsisimula na akong mairita. Paimportante naman masyado ang babaeng yon.

"Hi! Pasensya at ngayon lang." sabi ng isang boses kaya tiningnan ko.

Ang babaeng ka sex eyeball ko. Maganda,maputi,makinis. Patay talaga to sa akin.

"Sakay na! At mamaya ikaw naman sasakyan ko." sabi ko at kinindatan ito. Kinilig naman ito at humagikgik pa saka sumakay sa motor.

Wala akong balak dalhin sya sa mamahalin o five star hotel. Kaya ng makakita ako ng lodge ay pumasok na agad kami dun. Pagpasok pa lang sa pinto ay hinalikan ko na ito. Napangisi pa ako ng tumugon ito. Magaling,pero kailangan kong magmadali,uuwi pa ako saka papasok sa school.

Halos naka dalawang rounds kami,at ang pinagtataka ko ay bakit parang wala man lang lumabas sa babae. Peso ipinagkibit balikat ko na lang ito at naligo na lamang.

"Ihahatid mo ba ako?" anito ng nagbibihis na ako matapos maligo.

"Hindi na. Papasok pa ako sa school. Ito limang libo." sabay abot ng pera at lumabas na ako ng kwarto. Ganon lang yon,panandaliang aliw,atleast hindi ako kagaya ng mga tito ko.

"What the hell is that? Ang dami mong love bites!" hysterical na sabi ni Mama pagdaan ko sa living room.

"Its normal Ma. Normal na lagyan ng babae ang isang lalaki pag nagtatalik." inis kong sagot.

"Baka magkasakit ka! Baka makabuntis ka? My god Keyven! Youre just eighteen years old!" ani pa ni Mama na lalo kong kinainis.

"Edi masaya! Magkakaroon na ako ng mga apo,hindi gaya nila."

"Sumusobra ka ng bata ka!" dumagundong ang boses ni Papa pero hindi ako nagpasindak. "Ano bang problema mo?" dagdag nito ng makalapit sa akin at kinwelyuhan ako.

"Pa! Huwag!" pag awat ni Mama. Nakipagtitigan ako kay Papa,hindi ako papadaig sa kanya.

"Ang buong pamilya ang problema ko. Nagsisisi ako na dito ako sa angkan na ito napabilang!" ang matapang kong sagot. Kasunod nun ay natagpuan ko na lang ang sarili na nasa lapag. Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo sa gilid ng aking lower lip.

"Papa! Tama na yan!" ang pag awat ni Mama at tinulungan akong makatayo pero pumiksi ako. Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Papa,at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang ipaglaban ang mga kamag anak nyang imoral.

"Wala kang respeto. Kadugo mo sila. Iisang pamilya tayo. Kung hindi mo sila kayang tanggapin,mabuti pang itakwil na din kita! Hindi ka namin pinalaki para maging ganyan!" ang singhal ni Papa. Ito na ang hinihintay ko,ang lumayo sa kanila.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon