Paalam
.
.
CHASTY --
Isang linggo't kalahati na ang nakakalipas at nakalabas na ako ng ospital. Yun nga lang ang dami kong bandage at naka wheelchair ako. Sa loob ng isang linggong iyon,hindi nila ako hinayaang makita si Keyven dahil baka daw makasama sa akin.
Gusto kong magtampo sa kanilang lahat pero inintindi ko na lang. Kailangan kong magpagaling para mapuntahan ko sa ospital si Keyven.
Gustong gusto ko na syang makita pero kailangan kong magtiis. Kasi kinausap ako nina Tito Dex at Tita Honey nung nasa ospital pa ako.
"Alam naming gustong gusto mong makita si Keyven pero hindi pa pwede." ani Tito Dex. Parang sumikip ang dibdib ko sa sinabi nya.
"Bakit po? Galit po ba kayo sa akin kasi napahamak sya dahil sa kagagawan ko? Kung sana ako na lang ang nasa kalagayan nya ay mas sasaya pa ako,basta gising sya at ligtas." tumulo ang mga luha ko,pinunasan ko ito at huminga ako ng malalim.
Malungkot ang mukha ni Tito Dex,napatingin sya kay Tita Honey. Lumapit si Tita Honey,umupo sa tabi ko at humaplos sa likod ko.
"Huwag kang mag isip ng ganyan. Hinding hindi kami magagalit sayo. Nagpapasalamat pa nga kami na dumating ka sa buhay ng anak namin. Nagbago sya ng hindi mo pinipilit at ng hindi nya namamalayan,naging mabuti syang anak sa amin ng makilala ka,naging mabuti at mapamahal na anak sa apo naming si Kleint." mahabang sabi ni Tita Honey.
"P-pero bakit nga po hindi pwede?" ang pagpupumilit ko pa rin.
"Kailangan mo munang magpahinga at magpagaling. Kailangan mo munang makausap ang pamilya mo. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa kalagayan ng anak namin. Kami din. Ang makita syang ganun ay dumudurog sa aming mga puso."
Kaya mula ng araw na iyon ay sinikap kong maging malakas muli,sinikap kong gumaling agad. Inspirasyon ko si Keyven. At gusto kong sa pagmulat ng mga mata nya ay isa ako sa mga makikita nya.
"Hello Exian?" agad kong sabi ng sagutin nito ang tawag ko. Patago ko syang tinawagan dahil tumakas lang ako,nandito ako ngayon sa may park kung saan kami dati dinukot ni Keyven.
"Napatawag ka? May problema ba?" ang nag aalala nitong tanong.
"Hindi,wala! Okay na ako. Nakakalad na pero may mga bandage parin,pero okay na ako talaga."
"Oh bakit ka napatawag?"
Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Nandito ako sa park ng subdivision namin. Sunduin mo ako,gusto kong puntahan si Keyven sa ospital." ang taranta kong sabi.
"Are you nuts? Hindi pwede!"
"Sige na naman oh?! Ang tagal ko ng hindi nakikita si Keyven,maawa naman kayo sa akin. Una at huli na ito." ang pagmamaka awa ko. Alam kong pwedeng mag alala ang pamilya ko pero itetext ko na lamang sila mamaya.
Matagal bago muling nagsalita si Exian. Sya lang kasi talaga ang naisip ko eh,alam kong pag sa tropa ako lumapit ay hindi nila ako papayagan.
Sinundo nga ako ni Exian at dumiretso kami sa ospital. Alam ni Exian ang private room ni Keyven kaya sumunod lang ako.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,na e-excite ako na kinakabahan,parang hinahalukay ang sikmura ko na hindi ko maintindihan.
Pagbukas ng pinto ay agad kaming pumasok. Natigilan agad ako,nanikip ang dibdib ko at nag unahang tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiction généraleLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...