Rebel twenty-seven!

26.4K 733 50
                                    

Ky Shinoru

.

CHASTY --

Nagising ako at alam kong nasa isang clinic ako dahil sa higaan at sa harang na kurtina.

"Nalipasan lang sya ng gutom kaya hinimatay. Pag nagising sya,pakainin dapat agad." sabi ng isang boses.

"Salamat po. Sisilipin ko lang kung gising na siya." sabi ng isang boses na ikinatigas ng katawan ko.

Si Keyven! Hindi nga ako nagkamali na sya ang nakita ko kanina. Anong ginagawa niya dito?

Hinawi nya ang kurtina at pumasok sya. Saglit ko lang syang tiningnan dahil ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Nakakainis dahil parang bumabalik ako sa dati.

"Gising ka na pala. Kung kaya mo ng maglakad,lumabas ka na at kumain." aniya,pero masama pa din ang tingin sa akin. Nakaka intimidate,nakaka kaba.

"S-salamat sa pagdala sa akin dito." ang nahihiya at kinakabahan kong sabi.

"What are you saying? Hindi ako nagdala sayo dito,and I will never do that! Im here para malaman kung anong isasagot mo kanina sa press,at dahil tanga ka talaga,hinimatay ka,sumunod ako dito dahil akala ko natuluyan ka na,hindi pa pala." galit nyang sabi.

Mas kumalabog ang dibdib ko,hindi ako makapag salita,lalo na at inemphasize nya ang salitang tanga. Gusto kong maiyak,pero wala akong karapatan. Yumuko na lamang ako para hindi nya makitang nasaktan ako.

"P-pasensya na." mahina kong sabi. Nadinig ko ang pagbuntong hininga nya,kasunod nun ay umalis na sya.

Dun lang tumulo ang mga luha ko. Im expecting na galit sya,pero hindi ko inaasahan na ganito,hindi ako nakapag handa.

Bumalik sya sa dati,at mas malupit ngayon. Pero bakit ganon? Dati naman hindi nya ako napapaiyak pag nag aaway kami,ngayon ang sakit,para akong sinaksak.

"How are you feeling?" sabi ng nurse. Nagpahid ako ng luha,alam kong alam na ng mundo,alam nilang lahat ang sa amin ni Keyven. "Pinaiyak ka ba nya? You shouldnt. Matapang ka diba? Nagawa mong iligtas ang bata at harapin ang problema mo sa korea."

"H-huh?"

"Kaya mo yan Chasty." anito at ngumiti,napaka ganda nyang nurse at napaka bait. Napaka swerte ng lalaking mamahalin nya. "Again,how are you feeling?"

"Ayos na! Maraming salamat ah?" at bumangon na ako. "I will take your words,It could help me." ngumiti ako at lumabas na.

Paglabas ko ng clinic ay napansin kong nasa kabilang kalsada lang pala yung venue ng presscon kanina,sayang hindi ko natapos. Pero okay na siguro yong mga naisagot ko para tigilan na ako.

Tumayo lang ako sa tapat ng clinic at nag abang ng taxi. Gusto nga ni Papa na pagdating ko daw ng Pinas ay magka kotse na ako,being me ay tumanggi ako. Okay sa akin ang mag commute,dun ako sanay. Ang pinagkaiba lang ay dati nakakapag jeep pa ako,ngayon ay hindi na. Ito ang disadvantage pala ng pagiging anak ng kilalang tao.

Natigil ako sa pag space out ng may tumigil na kotse sa tapat ko,kulay itim ito at halatang bagong model na kotse.

Bumaba ang salamin nito at napanganga ako sa taong sumilip.

Anong ginagawa niya dito? Pinoy ba siya?

"Hi!" anito at ngumiti. Parang kumikinang tuloy ang mukha nya dahil sa kagwapuhan niya.

"Uhm,hello?! You look familiar." sabi ko pa,kahit hindi naman talaga ako sanay mag english.

"Yes,Im your brother's friend. Yung bumati sayo nung graduation mo." at ngumiti ulit ito. Ow,nagtatagalog pala sya. That's nice,dapat magtagalog dahil nasa pilipinas kami. "Mukhang kanina ka pa dito ah? Hindi maganda para sa anak ng pinuno ng korea na nasa tabi tabi lang. Delikado,maraming masasamang loob. Hop in!"

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon