The Start
"Hindi ka ba sasabay sa mga pinsan mong mag enroll Keyven?" ang agad na tanong ni Dad. Nilingon ko lang sya ng walang emosyon sa mga mata.
"Hindi po. Mga tropa ko kasama kong mag enroll. Wala akong balak sumama sa mga bading." ang mahina kong sagot.
"Keyven! Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan! Kadugo mo sila!" ang biglang pagsingit ni Mom. Ganyan sila,lagi nilang pinagtatanggol ang mga kamag anak naming pumatol sa kapwa lalaki o di kaya ay sa bading. I dont really get it. Nakakahiya sila,nakakahiyang mapabilang sa angkan ng mga Montenegro.
"Oo na! Sorry." walang gana kong sagot habang nakatingin sa phone at hinihintay ang mga text ng tropa ko. Mag gagala at magba-bar hopping kami after mag enroll,kung may time pa,titira kami ng ecstacy.
"Kung nadidinig ka ni Papa at Mama,paniguradong pinalayas ka na nun." ang sabi ni Dad.
Pinalayas? Ganun nga ang gusto ko,ang umalis na dito. Nakaka sura sila,bata pa lang ako,nakikita ko na ang mga kabaklaan at pagiging imoral nila. Mula kay Tito Kurt at Tito Eiko,Tito Ian at tito Page,pati Tito Kreyd at Tito Prue. Buti hindi nahahawaan sina Eriol,Brylle at Kuya Zander. Kaso si kuya Gero sumunod,nakadalawang syota,una si Kaiicen yung baklang namatay,ngayon naman yung lalaki,si Kayden. Hindi lang yon,puro sila ganon magkakaibigan pati mga extended friends nila,puro mga bading,puro mga imoral.
"Dex,pabayaan mo na muna siguro,hindi pa nya maintindihan." biglang malumanay na sabi ni Mom. Tss!
"Hindi maintindihan? Mag second year college na yan ngayon. At tuwing may gatherings,ganyan ang inaasta nya,nakakahiya,mabuti pa ang mga Fuentebella!" sigaw ni Dad. Pasok sa kanang tenga,labas sa kanan.
Ako pa ang nakakahiya? Diba yung mga kadugo nyang imoral? Dinamay pa ang mga Fuentebella na mga kauri din nila,salamat na lang talaga at hindi ganon si Kyrian,dahil kung ganon sya,makakatikim sya sa akin ng bugbog na hindi nya makakalimutan.
"Nag sorry na nga diba? O sige Mom,Dad,punta na ako sa school." walang gana kong sabi at tumayo na,diretso sa labas at sumakay sa motor ko,agad naman akong pinagbuksan ng gate ng guard namin.
Hindi na ako makapag hintay na makalayo sa kanila. Pinandidirihan ko sila,hinding hindi ako gagaya sa kanila.
Ng makapag park ako sa parking ng campus ay tinalunton ko na ang daan patungo sa tambayan ng tropa. Panigurado handa na ang mga iyon. Hindi lingid sa kanila ang sitwasyon ko sa pamilya ko,kaya pag busangot na ang gwapo kong pagmumukha ay alam na nila iyon.
"Sana minsan dumadating ka dito ng hindi parang crumpled paper ang mukha mo. Lakas makasira ng GV dude." nakangising salubong ni Jaigo,ang number one maangas.
"Magbabago lang ang expression ng mukha ko,pag nakalayo na ako sa angkan na yon." naka ngisi kong sagot at nakipag high five sa kanila ni Kyrian. "Nasan ang dalawang girls?"
"You cannot escape them,dapat masanay ka na,ako sanay na ako sa pamilya ko and I love them for what they are. You know,gays and bi's are everywhere." ang sagot ni Kyrian.
"Tss! I dont give a damn. Nasan nga sina Peach at Bunny?" ang sabi ko na lang.
"May nakitang cute,sinundan,bago lang ata dito at mukhang mag e-enroll,alam nyo naman ang dalawang yon,mahilig sa cute,ewan ba bakit naging kaibigan natin mga yan eh,magaganda nga,para namang cartoon characters pag inatake ng pagkabaliw." sagot ni Jaigo na ikinatawa ko. Totoo kasi,parang ewan lang ang dalawang iyon.
"Cute? Cute na lalaki? Hindi pa ba sila nakontento sa ating tatlo?" ang taka kong sabi ng mahimasmasan sa kakatawa.
"Nope,cute na beki,mukhang korean,parang manika,may tawag sa ganun eh." ang sagot ni Jaigo at nag isip pa.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...