Press Conference
.
CHASTY --
Pagkapasok sa presidential suite ay inilapag ng mga lalaki ang mga bagahe ko,nagpaalam at nagpasalamat ako saka lumabas ang mga ito.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid,dito na ako titira. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay sa karangyaan,parang naninibago pa din ako.
Naupo ako sa couch at sumandal. Iniisip ko yung kanina,kung hindi pa dumating ang mga crew nitong hotel ay hindi ako makaka alis sa mga taong iyon.
Ito ba ang concenquences ng pagiging anak ng Prime minister ng ibang bansa? Para akong celebrity. At ang lubos kong hindi maintindihan ay bakit nadadawit ang pangalan ni Keyven sa akin? If my memory serves me right,hindi pa sya celebrity ng maging kami at maghiwalay kami. So bakit alam nila yon? Tiyak na dadagsain iyon,issueng pasabog pa naman sa Pinas ang ganon,kung bakla ang isang artista o may karelasyong bakla.
Akala ko tatahimik na buhay ko,pero hindi pala. Naisip ko na baka hindi na din ako gustong makita ni Keyven,baka galit pa sya sa akin,o kung hindi baka nagsisisi sya na pinatulan nya ako dati. I can't blame him,sobrang sikat na pala talaga niya.
Pumikit ako. Then suddenly may narealize ako,pwede nga nilang malaman yong sa amin dati ni Keyven kung aalamin nila ang lahat,hindi mahirap yon lalo na at kilala ang mga Montenegro at napaka showy ni Keyven noon.
Bigla kong namiss yung dati,ang lahat sa amin. Nagsisi ba ako na iniwan ko sya? Hindi,kasi yun ang hinihingi ng pagkakataon,at ang sabi nga ni Chase,blessing in disguise dahil nakilala ko sila.
Kaya kahit mahal na mahal ko pa si Keyven hanggang ngayon ay dapat alam ko na ang lugar ko. Pero aasa pa din akong makakapag usap kami ng maayos balang araw.
Kinuha ko ang phone ko at nag facebook. Nag group chat ako sa tropa na nasa pinas na ako at magkita kami bukas sa Starville dahil dadalaw ako dun para magpasalamat sa lahat,though may hinala na akong na televised na ang pagdating ko kaya malamang ay alam na iyon ng tropa.
Nag message naman ako kay Exian na nauna na ako dito sa pinas,pati sina Tam,Jiwoon at Yunah ay sinendan ko din ng message.
Muli akong pumikit at pinagbigyan ko ang sarili ko na makapag pahinga. Nagising ako sa walang tigil na pag ring ng phone,tiningnan ko,unknown number kaya sinagot ko din agad.
"Hello? Who's this?"
"Uhm,Chasty Park? Im Dan a talent manager,pasensya na sa abala. Pwede ka bang mainvite para sa presscon? We are really dying to know everything." anito. Huminga ako ng malalim,hindi ako madamot kaya pagbibigyan ko siya.
"Uhm sige po,para maging maayos na din ang stay ko sa Pilipinas. Hindi ko kasi talaga hilig ang sobrang atensyon." ani ko dito at tumayo na. Gabi na pala kaya binuksan ko na ang lahat ng ilaw.
"Maraming salamat. Tawagan kita bukas for the details." aniya at nagpasalamat na din ako.
Matapos nun ay nagbihis na ako,sakto may nagdoorbell kaya pinagbuksan ko. Ang delivery boy pala,dala ang pagkain para ngayong gabi.
Habang kumakain ay iniisip ko kung anong mangyayari sa presscon. Tatanungin ba ulit yung mga tinanong kanina? Paano pag tinanong ulit yung tungkol sa amin ni Keyven? Sasagutin ko ba?
Kaya ayon,sumapit na lang ang hating gabi panay pa din ang pag iisip ko. Bakit ba kasi naging ganito ang kinalabasan ng lahat?
Nagbabad na lang ako sa ipad ko para mag internet,nagreply na silang lahat,pumayag ang tropa,magkita daw kami sa tapat ng Starville. Sina Tam,Jiwoon at Yunah ay nagreply din ng kung anu-ano,si Exian ang nagulat,sana daw sinabihan ko sya para sumabay sila sa akin ni Tam.

BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Ficțiune generalăLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...