Rebel six!

36.2K 816 81
                                    

Isang beses

CHASTY --

Padabog kong isinara ang pinto matapos masaksihan ang kababuyan ni Keyven. I can't take it,parang bumabalik sa akin yung araw na binaboy ako ni Tatay at ng kaibigan nya. Nakakadiri,napaka imoral.

Bakit ginagawa ito ni Keyven? Anong laro ang gusto nya? Akala nya ba dahil dun ay mapapasuko nya ako? Hindi naman kasi pwedeng inaakit nya ako,isa lang ang ibig sabihin ng ginawa nya,iniinis nya ako para hindi ako makatiis at umalis na lamang dito. But that won't happen,hindi ako aalis ayos na ako dito,ipagpapatuloy ko na lamang ang pagkukunwari na hindi sya nag e-exist.

Humiga ako sa kama at nag isip. Ano na ngayon ang mga gagawin ko? Mukhang hindi sapat ang allowance na natatanggap ko sa scholarship,dapat siguro ay mag hanap na ako ng part time job.

Biglang kumulo ang tyan ko,hindi pa pala ako naghahapunan. Tumayo na ako at nagpalit ng pambahay,bibili na lamang ako ng lutong pagkain sa labas,at sa sunod na makuha ko ang aking allowance,bibili na ako ng kaldero at maliit na lutuan.

Lumabas na ako ng kwarto at naabutan kong naka upo si Keyven sa sofa,nakatapis lang ng towel at may kausap sa phone. Tinungo ko muna ang kusina at naghugas ng kamay.

"Yeah,gusto kong maideliver nyo agad dito lahat bukas." dinig kong sabi ni Keyven sa kausap nya sa phone. Saglit nya akong tinapunan ng tingin,tinaasan ko sya ng kilay at lumabas na ako ng bahay.

Kahit gabi na ay madami pa ding tao,parang sa dati kong tinitirahan,ang pinagkaiba lang,hindi ito tulad dun na parang squatters area,malinis dito at malawak ang daan.

"Good evening po." sabi ko sa binatang parang ka edad ko lang,busy sya sa pag pindot ng cellphone nya pero nilingon nya pa din ako.

"Ano yon?" sabi nito. Medyo hindi agad ako nakakibo dahil nagulat ako sa kagwapuhan nya.

"San dito may karendirya o tindahan ng ulam?" ang nahihiya kong tanong.

"Ah yun ba? Diretsuhin mo lang ang lane na yan,nandun sa kanto ang karendirya." ang nakangiti nyang sagot.

"Sige! Maraming salamat!" at tinungo ko na agad ang sinasabi nya. Medyo maraming tao ang kumakain at bumibili. Dalawang kanin at isang order ng sinigang ang binili ko at naglakad na ako pauwi.

Natutuwa ako dun sa mga batang naglalaro pa din kahit gabi na. Hindi ko kasi naranasan ang ganyan,masyadong mahigpit si Tatay kaya nga sabik ako sa mga bagay na wala ako at mga hindi ko nagawa.

Pagpasok ko sa bahay ay bihis na bihis na si Keyven. Nilampasan ko lang sya,ganyan ang mayayaman,laging may pinupuntahan. Kumuha ako ng gagamitin ko sa pagkain,ramdam kong sinusundan nya ako ng tingin pero ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"San ka bumili nyan? Is that even safe to eat?" aniya pero hindi ko sya pinansin.

Tumunog ang tyan nya,pinigilan kong huwag matawa dahil napamura pa sya. Bagay lang yan sayo,inuuna mo kasi ang mga makamundong bagay,ganyan naman kayong mga lalaki.

Kita ko sa dulo ng aking mga mata na naupo sya sa sofa at parang may hinihintay,ako naman ay nagpatuloy sa pagkain. Ilang saglit pa ay may kumatok,agad syang tumayo at binuksan ito.

"Mcdonalds delivery sir,pasensya kung late,traffic kasi. Pakipirmahan na lang po ito." dinig kong sabi ng tao sa labas.

"That's okay,thank you." at nagbayad na sya at kinuha ang order nya.

Nagpa deliver pa? Masyadong mayabang talaga.

Pumuwesto sya sa harap ko at inilapag sa mesa ang pagkain nya,umupo sya at inayos ito saka nagsimulang kumain. Ako naman ay tapos na kaya tumayo na ako at tinungo ang lababo,hinugasan ang mga ginamit ko at saka tahimik na tinungo ang aking kwarto.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon