This Means War
CHASTY --
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong sabi pagbukas ng CR.
"I should be asking that!" galit na sagot nung Keyven.
"Nangungupahan ako dito." sabi ko at tinabig sya para malampasan ko sya. Ang aga aga,sya sasalubong sa akin. Pano sya napunta dito?
"Pwes! Nangungupahan din ako dito." aniya pero hindi ko sya nilingon.
"Nauna ako dito. Kung iniisip mong paalisin ako dito,hindi ka magtatagumpay!" sagot ko at agad pumasok sa kwarto ko.
Kung minamalas ka nga naman talaga. Anong ginagawa ng gagong yon dito? Mayaman sya diba? Bakit sya titira sa ganito?
Nang matapos ako magbihis at maghanda ay lumabas na ako. Hindi dapat ako ma-late,absent na nga ako kahapon dahil sa nangyari eh. Ang nakakainis pa,naibulalas ko kung ano ang nangyari sa akin,kasama pa sa mga nakarinig ang Keyven na yon. Pero wala na akong pakialam kung maniwala sila o hindi. Hindi ko naman kailangan ng awa. Ang kailangan ko ay magsumikap para maka ahon na ako dito sa putik na kinasasadlakan ko.
Sakto paglabas ko ng aking kwarto ay bumukas din ang pinto ng CR at lumabas si Keyven na nakatapis,tumutulo pa ang mga tubig sa katawan nya mula sa kanyang buhok.
Maganda ang katawan nya,gwapo din naman talaga sya. Pero kaaway ko sya,at hindi dapat ako magpa decieve.
Bago pa sya tumingin sa akin ay nagbawi na ako ng tingin at naglakad papunta sa pinto. Mamayang pag uwi ko na lamang poproblemahin kung paano ko sya iiwasan kahit nasa iisang bahay lang kaming dalawa.
Nang makarating ako sa first subject ay agad akong inusisa ng mga ka blockmates ko. Ang weird lang dahil parang bigla silang naging interesado sa akin. Anong meron?
"I think classmates hindi dapat sya tinatanong ng ganyan baka mapressure sya." ang biglang pagsingit ni Peach.
"Tama,mas maganda siguro kung pabayaan muna natin sya." dagdag ni Kyrian.
Mga inis at nagbubulungang nagsibalik sila sa kani kanilang upuan.
"Okay ka lang Chasty?" ani Bunny.
"Oo. Salamat sa inyo." ang nakangiti at nahihiya kong sabi.
"Okay na ba yung tinitirahan mo?" ang biglang tanong ni Kyrian,kaya tiningnan sya ng mga kaibigan nya.
"Oo,kaso lang--"
"What are you thinking dude?! Kailangan nating mag usap!" ang biglang pag butt in ni Keyven na halatang kakadating lang.
"Wooahh! Kalma lang tol!" ang biglang pag pagitna ni Jaigo sa mga ito. Bigla na naman akong nainis kay Keyven. Napaka gago nya,sagad hanggang bone marrow! I hate him.
"Gago yan eh. Plinano nya na itira kaming dalawa ng baklitang Chasty sa iisang apartment. Nananadya ka tol!" hindi papa awat na singhal ni Keyven. Sa inis ko ay tumayo ako at hinarap sya,wala akong pakialam kung malaman ng lahat na magkasama kami sa iisang bahay.
"Sino bang may gusto na magkasama tayo? For your information,nauna ako sayo dun! Kung hindi mo kayang tiisin na magkasama tayo,ako kaya ko dahil wala na akong ibang mapupuntahan." ang mahaba kong sabi. Hinila ako ng marahan ni Kyrian at nilagay sa likod nya.
"I was just trying to help. Pareho kayong wala ng mapupuntahan. Kung nasa loob kayo ng bahay,magkunwari na lamang kayo na hindi nyo nakikita ang isa't isa." ang kalmadong sabi ni Kyrian.
Paano nya nagawa yon? Paano nya kalmadong hinarap ang gagong si Keyven? Samantalang ako ay puputok na ang litid ko sa galit.
"Okay? Itigil nyo na yan. Mamaya na pag usapan yan at parating na si Prof. Ayaw nyo naman sigurong magka bad records agad diba?" ang pag awat ni Peach, kumalma ako at bumalik na sa upuan ko.

BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Genel KurguLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...