AN/ Ginawa ko ang update na ito dahil sa request ni Niknikssmile :) niknik eto na po,maraming maraming salamat ah? Thank you so much.
==
Now or Never
.
CHASTY ----
Kinabahan ako na hindi mawari. Gusto ko syang yakapin,o di kaya'y awayin. Pero pagod na ako,sa dami ng pinagdaanan ko nakakaramdam din ako ng kapaguran.
"Mag usap tayo!" at hinablot ako ni Keyven. Madaming napatingin dahil sa ginawa nya. Napatingin ako kay Exian,tagis bagang syang nakatingin sa amin ni Keyven habang papalayo.
"A-anong pag uusapan natin?" tanong ko habang hinihila pa din nya. Medyo masakit ang paraan ng pagkapit nya sa akin pero tiniis ko. Lahat ay napapatingin sa amin. Nakaramdam ako ng matinding hiya.
"Madami tayong pag uusapan." aniya at patuloy pa din sa paglalakad. Hanggang sa dinala nya ako sa gilid ng isang building. Isinandal nya ako sa pader at tinukod nya ang mga kamay nya para hindi ako makawala. "Why did you leave? San ka nakatira? Pag usapan natin ang mga bagay bagay,don't do this."
Sobrang lapit ng mukha nya at naaamoy ko ang mabango nyang hininga habang nagsasalita. Gusto ko syang halikan pero alam kong hindi na pwede,hindi ko na sya pag aari.
"For pete's sake! Sumagot ka Chasty!!" singhal nya. Napapikit ako. Gusto ko syang balikan pero ayokong sumira ng kinabukasan ng isang bata.
"Umalis ako dahil pinapalaya na kita." sabi ko. Nangunot ang noo nya at tinitigan akong mabuti. "H-hindi tayo ang para sa isa't isa,Keyven. Hindi ko kayang sumira ng buhay ng iba. Masakit sa akin ang lahat,pero kailangan kong manindigan sa desisyon ko." napahikbi ako at pinabayaan ko ng kumawala ang mga luha ko.
Kinwelyuhan niya ako at iniangat na ikinagulat ko. "Ganon lang? Ganon lang kadali sayong bitawan ako? Pagkatapos kong mabaliw? Pagkatapos kong lunukin ang pride ko? Ganon na lang yun?!"
"P-panindi-digan mo na la-lang si Di-divine." nahihirapan kong sabi dahil hindi na ako makahinga.
"Tang ina! Hindi pwede yon! Ikaw ang mahal ko eh! Nakaka gago ka naman eh!"
"Hi-hindi a-ako maka-kahinga." sabi ko. Biglang lumambot ang expression ng mukha nya.
"Hindi pwede yang gusto mo,Chasty. Ikaw ang mahal ko." aniya at napasabunot sa sariling buhok.
Lalo akong napaiyak. Mahal nya ako pero paninindigan ko ang dapat. Mas mahalaga ang bata kesa sa akin.
"M-mahal din naman kita eh." sabi ko at suminghap. "Pero dun dapat tayo sa tama. Hindi ko kayang mawalan ng ama ang anak mo. Kailangan matapos na ang atin. Nakapag desisyon na ako." yumuko ako,nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha,at ang dibdib ko sobrang sakit,parang may mga humihiwa sa puso ko.
"Nagdesisyon ka? Bakit? Dahil ba dun sa lalaking kausap mo kanina? Nalaman mo lang na naka buntis ako ay pinagpalit mo agad ako? Tang ina mo! Dapat hindi na kita minahal! Sana namatay ka na lang. Ang lalandi nyong mga bakla! Pare pareho kayo!" aniya at muli akong kinwelyuhan.
Pumikit ako,tinanggap ko ang masasakit nyang salita. Ayos lang na magalit sya sa akin para mas madali nyang makalimutan ang nararamdaman nya para sa akin.
"H-huwag kang mag alala. Hindi mo na naman ako makikita." mahina kong sabi.
"Tang ina,Chasty,paano mong nasasabi ang mga yan?!" galit nyang sabi at bigla akong hinalikan. Mapusok. Naramdaman ko ang luha nya sa pisngi ko. Kahit sa huling pagkakataon lang,dinama ko ang halik nya.
"Keyven?!" boses iyon ni Divine. Itinulak ko si Keyven. Agad akong nanakbo palayo doon,ako ang bumitaw kaya hindi ko na dapat pang marinig kung anong pag uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Fiksi UmumLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...