Rebel thirty-one!

25.7K 661 32
                                    

Pictures

.

CHASTY --

Na-paranoid na ata ako,buong linggo ay yung tungkol sa amin ni Keyven ang laman ng mga showbiz news pati si Analiese. Hindi din nagpaparamdam si Keyven,my fault dahil hindi ko man lang kinuha ang number nya.

May mga lumalabas ng mga proweba na exclusively dating nga si Keyven at Analiese,may mga picture pa,at ang pinaka nagpapatibay ay ang bracelet.

Parang sasabog ang dibdib ko,naghihiganti nga talaga ata si Keyven,gusto ko syang komprontahin pero ayoko syang puntahan sa bahay nya,dagdag issue pa iyon.

Sa buong linggo ay hindi ako lumalabas,dinadalaw na lamang ako ng tropa,kahit yung mga words of wisdom at mga encouragement nila ay hindi na tumatalab sa akin. Masama na talaga ang loob ko. Alam kong gusto nyang magpaliwanag,kung totoong mahal nya ako,pupunta at pupunta sya dito,pero hindi ako,hindi ako pupunta sa kanya,lalo pa at nagmumukhang kawawa si Analiese sa mata ng mga tao.

Hindi ako sanay sa ganito,una palang ayoko na ng sobrang atensyon,pero matigas ang ulo ko eh. Natatakot na ako sa maaaring mangyari,ayaw kong ipahiya ang pamilya ko.

Ito na naman,nasaktan na naman ako ni Keyven,mahal ko kasi sya eh,pero ngayon hindi ko na alam kung talagang mahal nya ako o nagsisinungaling sya,may mga interview sya at pagkakataon nyang itama ang mga maling hinala ng mga tao pero hindi nya ginawa,hindi nya sinasagot ang mga tanong.

Sobrang sakit lang na masaya kami sa pagbabalikan,pero pag uwi ko ay malalaman ko ang katotohanan? If this is a part of his revenge,nagtagumpay sya,nasaktan na ako at hindi ko na alam ang gagawin.

Nakahiga ako sa sofa at nakikinig sa kanta ng grupo nina Yunah ng may mag doorbell,tamad akong tumayo at binuksan ito.

Si Exian pala,at parang nagulat sya ng makita ako.

"The fuck happened to you?" anito at pumasok,walang ganang naupo ako sa sofa at tumabi sya. "Is this about the rumors?"

"Ano pa nga ba?" walang gana kong sabi. Ang totoo hindi ako umiyak. Pero,hindi din ako nakakatulog at nakaka kain.

"Hindi nga na namamaga ang mga mata mo,nangingitim naman sa eyebags,pumayat ka din. Nagpapakamatay ka ba?" ang nag aalala nyang sabi. Parang gusto ko tuloy maiyak.

"Okay lang ako. Malalampasan ko din to,gaya dati. Kilala mo naman ako eh." ang walang buhay kong sagot.

"Chasty." hinapit ako ni Exian,sa dibdib nya ang ulo ko,I need this,I need an outlet. "Kung hindi mo na kaya,pwede ka namang magsabi,were always here for you,Im always here for you. Alam mo naman na mahal kita,hindi na nga lang tulad ng pagmamahal ko sayo dati,pero mahal kita,at ayokong nasasaktan at nahihirapan ka."

Sa mga sinabi nya ay umiyak na ako. Lahat ng inipon kong hinanakit ay lumabas na,hindi ako nagsasalita,panay lang ako iyak.

Sobra na itong nangyayari. Ang dami ko ng pinagdaanan sa pagmamahal ko kay Keyven. Dumadating din pala talaga sa punto na aayaw ka na,hindi dahil pagod ka na,kundi sobrang sakit na.

Nakatulog ako sa kakaiyak habang yakap yakap ni Exian. Nang magising ako ay nakayakap pa din sya sa akin.

"Salamat ah? Ang dami ko ng utang sayo." ang sabi ko ng magising sya.

"Wala iyon." ngumiti sya,tumayo at nag inat. "Okay ka na ba?"

"Oo,salamat talaga,gumaan na ang pakiramdam ko." sagot ko at ngumiti.

"Aalis na ako,may date pa kami ni Tam,kung may mangyari itext mo ako o ang tropa mo,okay?" aniya at niyakap ako,hinatid ko lang sya hanggang sa pinto.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon