Sammie's POV
Nandito ako ngayon sa isang madilim na kwarto, kung saan may ilaw din. HAHA corny ko 'no?
Nakaupo si Allison sa upuan habang nakagapos at may tape sa bibig.
Nakakaawa man syang tignan, mas malala at nakakaawa parin ang kaibigan nya. No, plastik syang kaibigan. Sinaktan nila si Victoria. Pera lang siguro ang habol nila kay Victoria.
"Ano ng plano mo dyan?" napalingon naman ako sa nag-salita na si Lucas kasama si Drake.
"Woah! Grabe ka Sammie! Akalain mo yun? Magagawa mo ang ganyang bagay? Idol na kita" sabat naman ni Drake. Wala na talagang magawang tama 'tong si Drake e. Panggulo sa buhay ko.
Lumapit ako sakanila at tinignan silang pareho.
"Hulaan nyo" wika ko at ngumiti ng nakakaloko.
Wala rin akong maisip na gagawin dito sa babaeng 'to. May puso rin ako at lalong may awa ako sa isang tao.
"Sammie, pakawalan mo nalang kaya sya. Nakaka-awa na syang tignan. Oo,alam ko at alam mo din na marahas ang ginawa nila sa babaeng yun, pero sapat na siguro 'to para maging hustisya ng pagkamatay nung babae. May cancer sya right? Baka yun din siguro ang dahilan ng pagkamatay nya. Tama na Sammie, maawa ka sa taong 'to. May pamilya sya at may gusto pa syang gawin sa buhay nya. Sapat na ang Warning mo" pangungumbinsi naman ni Lucas sakin.
Tumingin ako kay Allison saka lumapit sakanya. Tinanggal ko ang gapos nito sa kamay at tinanggal ang tape sa bibig.
"Tagal mong nanahimik. Bakit? Gusto mo ng mamatay?" Wika ko sakanya.
"Hindi. Ayoko. Sorry po" wika nya na maiyak iyak pa.
"Humihingi po ako ng tawad sa ginawa ko kay Victoria at pati na rin po sainyo. Napag-utusan lang po ako ni Ate Georg. Kinwento ko po kasi sakanya yung nag-viral na video pati narin po ang pananakit ko kay Victoria at pati na rin po ang pananakit nya sakin. Hindi naman po malala yung ginagawa nya at ginagawa ko. Hampas at sabunot lang po ang gantihan namin. Pero si ate Georg, inutusan nya po akong lasunin si Victoria. Yung iba po nyang pasa sa iba't ibang katawan, hindi lang po ako ang may gawa, pati rin po ang Step Mother nya na iniwan sya dito sa Pilipinas. Nagsisi po ako" paliwanag ni Allison na ngayon ay nakaluhod. Napapalo nalang ako sa mesang nasa tabi ko na ikinahagulhol ng malakas ni Allison.
Kaya pala wala man lang bumibisita kay Vcitoria nung nasa malalang kalagayan sya. Pero anong dahilan? Bakit nila sinaksaktan si Victoria? Ang buong akala ko sila talaga gumawa ng lahat ng iyon pero may iba pa pala.
"Anong dahilan? Bakit nila sinasaktan si Vcitoria?" Tanong ko kay Allison.
"Hinihingan po nila ng malalaking pera si Victoria pero si Victoria, ayaw po nya dahil pinaghirapan nya po iyon at ayaw nyang sayangin sa Step mom nya na puro sugal lang ang alam. Kaya po sinaktan po nila" paliwanag nya ulit.
Ugh! Natatamaan ako sa kalagayan ni Victoria nung nabubuhay pa sya. Nakakinis yung ganung klaseng tao!
"Sige na. Pwede ka ng maka-alis" wika ko at lumabas ng kwartong yun.
Kumain nalang ako ng dessert para naman maibsan ang galit at awa ko sa dalawang yun. Pero kay Georg? Never akong maawa sakanya.
Nagulat ako ng may dumapo sa paa ko. Napatingin ako sa ilalim ng mesa.
It's Muffin and Snowpuff.
Ako na naman ang napagtripan nila. Kinuha ko sila at nilagay sa lap ko. Hinagod hagod ko sila hanggang sa mapangiti ako.
"Ayan. Napangiti ka rin ng mga asong yan" wika naman ni Lucas at umupo sa tabi ko saka kinuha si Muffin.
"Tsk! I love you" wika ko at niyakap si Lucas.
Sya lang ang laging nasa tabi ko sa tuwing gagawa ako ng kalokohan. Lagi syang nasa tabi ko para alagaan at bantayan ako.
"I love you too, My life" wika naman nya at kumalas sa yakap ko saka ako kiniss sa cheeks.
--------------------
KnightKisses's notes
Hi mga bebe! 5 chapters nalang at malapit ng magtapos ang storyang ito. Syempre di mawawala ang special chapters.Sa mga nagtatanong kung may BOOK 2:
Wala pong book 2 ang NON-FICTION STORY na ito. Nakakapagod ding magisip ng concept no!Sa mga nagtatanong naman kung bakit hindi ko na nasikaso ang CHAPTER FOUR:
Hindi po kasi ako makaisip ng concept dun at lalong nakakapagod. Sorry talaga!!
May special chapter naman eh, kapalit ng chapter four.Sa mga nagtatanong kung bakit may mga tanong at sagot agad sa CHAPTER 30:
Inagahan ko na para di na kayo magtanong at magtaka. Labyu!
Keep supporting my NON FICTION STORY, MY PLASTIC FRIEND. Thank you!
YOU ARE READING
(EDITING) My Plastic Friend~ (SUPER DUPERSLOW UPDATE)
Aktuelle Literatur(COMPLETED) *jejemon story* MATATAHIMIK BA ANG BUHAY NILA? Go and read this! "I hate you!" Sabi nya. "You hate me? I hate you more!" Sigaw ko. Meron akong isang pinagkatiwalaan na kaibigan DATI. Pero sa isang iglap nagiba ang lahat. Ipinahiya nya...