Chapter ThirtyFive-Call

90 2 0
                                    

Sammie's Pov

Ilang buwan na rin ang lumipas at ngayon ay malalaki na rin ang aking mga anak. Sa edad na 26 lamang ay may mga anak na ako.

"Mommy! Where's my shoes?" Tanong sakin ni Arianna.

"Find it" tipid kong sagot sa tanong nya. Nagpapadyak ito at saka hinanap ang shoes nya. Tsk

"Hoy Zack, tama na paglalaro mo diyan. Kakain na tayo" saway ko kay Zack na nagvi-videogames sa sala.

Inihahanda ko na ang mga plato ngunit hindi ata ako naririnig ni Zack

"Zack? Can you hear me?" Tugon ko at tinanggal ang nasa tainga nyang headset.

"Ok mom" sagot nito.

Bumalik na ako sa kusina at umupo sa upuan. Sumunod na rin si Arianna samin.

Nag-aaral sila sa private school, sa Denwell University.

"Mommy, bakit ang tagal ni Daddy?" Tanong ni Arianna at sumubo ng pagkain.

"Parating na rin yu--" natigilan ako ng magbukas ang pinto. Iniluwa nito si Lucas na may dalang paper bags.

Lumapit naman sila Zack at Arianna kay Lucas.

"Here's my pasalubong for you" tugon ni Lucas at ibinigay ang anim na paper bags sa dalawa.

"And this is for you" sambit nito at ibinigay sakin ang isang paper bag.

Binuksan ko ito at nakita ang isang t shirt na black. Nakalagay dito ang QUEEN 12
Napalingon ako kay Lucas. Suot naman nya ang KING 03. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi.

"Thanks! Mylife" pagpapasalamat ko

"Mommy!" Sabay na sigaw nung dalawa at ipinakita ang damit nila na may nakasukat na TWIN 09 at TWIN 10

"I love you mommy and daddy!!" Wika nung dalawa at niyakap kami.

"Kain na tayo. Ihahatid pa natin itong dalawa" wika ko.

---------------
Kaming lahat ay nasa kotse. Papunta na kami sa Denwell Univ.

Hindi ko sila pinagaral sa school ko dahil ayokong matuto sila sa mga walang kwentang teachers dun. Ipapasara ko na rin naman yun

Sa harap ng gate ng Denwell, makikita mong napakaayos nito.

Bumaba na ang dalawa at nagpaalam samin. This is so cute!

Umalis na kami dun at bumalik na ng bahay.

Nadatnan ko ang cellphone ni Zack na naiwan ata nya.
Kinuha ko iyon at nagflash sa screen ang name na "BABE" binasa ko iyon.

"Hi babe! Kita tayo mamayang 8am sa cafeteria!" Basa ko. Aba?

Tinawagan ko ito at agad nyang sinagot.

"Who the hell are you?" Bungad ko at hindi na sya pinag hello man lang.

"Ako dapat magtanong nyan. Ako ang girlfriend ni Zack. And you are?" Wika nito.

Mukhang mataray ah

"Oh! Saan ka nga pala ulit pumapasok?" Tanong ko.

"Sa school na pagmamay-ari ng isabg sikat na Aguilar. Why?" Mataray na sagot nito. So sa school ko sya nagaaral? Ok basic!

"What's your name?" Tanong ko ulit.

"Q&A ba 'to? Ok! My name is Jasmin" sagot nya.

"Well Jasmin, hindi kita gusto para sa anak ko. At isa pa! Ang kausap mo ngayon ay ang nagmamay-ari ng school na pinapasukan mo. Kaya ngayon palang, layuan mo na si Zack. Kundi, di mo magugustuhan ang mangyayari" wika ko at iend ang call.

Tinabi ko ang phone ni Zack at lagot yun sakin mamaya.

(EDITING) My Plastic Friend~ (SUPER DUPERSLOW UPDATE)Where stories live. Discover now