-Heindrich-
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Napakunot ang noo ko sa aking nasaksihan.
"Bumaba ka nga d'yan! H-hoy!" Pagpasok niya kasi ng unit, sumunod ako agad. Akala ko nasa sala siya pero may narinig akong tunog na nanggagaling sa kwarto ko. At ito ang aking naabutan, tumatalon-talon siya sa kama na parang tanga.
"Stop!" Hinawakan ko ang paa niya para hindi na siya tumalon. Ang kama ko!
Bumaba naman siya. Good. "Sa labas tayo mag-usap, oka–hey!" At saan na naman iyon pupunta? Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siya na nasa kusina, binubuksan ang mga cabinet. Napahawak ako sa sintido ko.
"Anong pagkain ito?" tanong niya at inalog-alog ang laman ng hawak niya. "Hindi ka ba nagbabasa? Ramen–hey!" Nagulat ako nang buksan niya ito at agad kinain.
"Hindi siya masarap." I covered my face in frustration.
"Niluluto kasi muna 'yan, hindi basta-basta kinakain!" sigaw ko sa kanya. "Huh?" Tinapon niya bigla ang Ramen na bukas na. Tss, sayang. Pinulot ko 'yung kawawang Ramen.
"Kung ganoon, magluto ka ng..R-ramen..Ramen? Tama Ramen. Ipagluto mo ako." Napatigil ako sa pagpupulot ng pira-pirasong Ramen na tinapon niya at dahan-dahang lumingon sa kanya na nakakunot ang noo. "What?" Inuutusan ba ako nito? Ako, na isang Wenker?
"Uulitin ko. Lutuan mo ako ng Ramen."
"Are you kidding me? Magluto ka nang mag-isa mo, tss."
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya at hawak-hawak ang kwelyo ko. The hell?!
Nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko tsaka ngumiti at nagsalita, "Lulutuan mo ba ako ng Ramen o ikaw na lang ang kakainin ko, Hein? Rawrr!" Kinilabutan ako nang banggitin niya ang Hein.
"Woah, okay okay! Maghintay ka d'yan." Tinanggal ko ang kamay niya na nasa kwelyo ko at huminga ng malalim. Parang hindi ako huminga nung hawak niya ang kwelyo ko.
Tumalon-talon siya na may kasama pang palakpak na parang bata.
"Pambihira."
She's crazy!
Labag talaga sa loob ko ang ginagawa ko ngayon. Kahit kailan wala pa akong ipinagluluto kahit si Shane! Tapos..itong black lady na 'to? Aish. Padabog kong nilagay sa harap niya ang isang bowl na may lamang Ramen. She's just staring at it. Maya-maya, nagulat ako nang singhot-singhutin niya ang laman ng bowl. Pagkatapos no'n, tsaka siya kumain. Baliw.
Fine. Patatapusin ko muna siyang kumain bago ako magtanong.
"Gusto ko pa!"
Nanlaki ang mata ko. "What?" Tinignan niya ako ng matalim. 'Yung matalim na tingin, I mean. para kang pinapatay sa tingin. Gano'n ang tingin niya. Okay! Pagbigyan. Tumayo ako at pumunta ulit sa kusina para magluto ulit ng Ramen.
I couldn't belive this. Ipinagluluto ko ang isang estranghero.
"Isa pa!"
"Gusto ko pa ng Ramen."
"Ang sarap! Gusto ko-Wala nang Ramen!" Itinuro ko 'yung cabinet. Napahawak ako sa sintido ko. Parang sumakit ang ulo. Tumingin ulit ako sa cabinet. I closed my eyes. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Wala na akong stock na Ramen!
***
-Althea Arelis-
Habang naglalakad ako papasok ng kastilyo, nararamdaman ko ang kakaibang aura na bumabalot sa madilim na loob nito.
Nakakakilabot. Ito ang lugar kung saan hindi mo gugustuhing manatili.
May nakakasalubong akong mga bantay sa kastilyo. They bowed at me, showing their respect to a clan leader. Hindi ko sila pinansin at dire-diretsong naglakad patungong itaas kung saan doon magpupulong.
Bawat hakbang ko sa malawak na staircase ay siya namang pangangatog ng aking dalawang tuhod. Habang papalapit ako nang papalapit sa silid, lalong lumalakas ang nararamdaman kong aura.
"How about we do something?"
"Like what Atasha? Harm them? Hindi ko alam na mas lalo pala kumitid ang utak mo."
"Hindi ko gusto ang talas ng bibig mo Rebecca."
Papasok na sana ako sa loob ngunit napatigil ako nang marinig ko na may nagtatalo. Sumilip ako ng konti sa nakabukas na malaking pinto. Napakabigat ng tensyon na bumabalot sa loob. Nakilala ko kung sino ang nagtatalo. Hindi ko alam kung kakabahan ako kapag naglaban ang dalawang ito o kakabahan sa kakalabasan pagkatapos nito. They glared at each other. They stood up and seems like they are ready to fight.
"Atasha, Rebecca."
I felt shiver down my spine. Nakakakilabot ang kanyang boses. Halos lahat ng nasa loob ng silid ay natigilan.
The two clan leader stopped and immediately kneeled at him.
"Patawad sa aming inasal, Lord Garagov."
Hindi ko alam na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. Lalo akong hindi nakahinga when the Lord turned at my direction.
"Althea," he said with a cold voice. Pumasok ako ng tuluyan at agad akong lumuhod sa harap niya. "Lord." Nakatingin lamang ako sa sahig dahil hindi ko nais salubungin ang kanyang tingin.
"Maupo ka na."
Binigyan ako ng matalim na tingin ni Rebecca nang makaupo ako sa aking pwesto. Hindi ko siya pinansin. Ngayon naman ay bumabalot ang katahimikan sa loob ng silid. No one dare to start a conversation. Nararamdaman ko pa rin ang tensyon ngunit nagpapakiramdaman lamang.
"The Grand White Witch is missing."
My eyes widened as I heard the news from the Lord. Hindi lang ako kundi ang lahat ng nandito sa loob ng silid ay nagulat.
"How? Nakukulong siya sa Dungeon at mahigpit ang seguridad doon."
"Malapit na ang itinakda! We need to find her as soon as possible."
"But we had no idea where she is!"
Sari-saring reaksyon ang namayani. Nakamasid lamang ako sa kanila at pinili na itikom na lang ang bibig. Ngunit hindi ako makapaniwala sa balita ng Lord. That witch! How did she escape?
"Althea." Everyone went silence and turned their gaze at me.
"Y-yes, my Lord?" I gulped. Nakaramdam ako ng pressure. Halos lahat ng mata ng nasa loob ng silid na 'to ay nakatutok sa akin.
"Stay in East Barkonville." What?
"I'm sure she's on her way to that town. I need you to find her." Sa East? Doon pupunta ang witch? I looked straight at my Lord's eyes.
"I will."
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...