–Heindrich–
"Bumalik ka na Hein!"
Kasabay ng pagbagsak ng mga bitbit ko ang paglambot ng aking tuhod nang makita ang Black Lady sa harapan ko. Kung isa itong panaginip gusto ko nang magising.
"Waah bakit ang tagal mo? Gutom na ako. Gusto ko nang kumain ng Ramen!" masaya niyang sabi habang binubuksan ang mga nasa plastic bag. Pumunta siya ng kusina at sinundan ko lang ng tingin. Natuod na yata ang mga paa ko at hindi makahakbang. Nananaginip nga lang ako.
Maya-maya, bumalik siya sa harapan ko. "Nalimutan kong hindi nga pala ako marunong magluto ng Ramen. Gusto kong lutuan mo ako." I blinked for how many times. Nasa harapan ko pa rin siya. I stepped back when I realized that I'm not dreaming.
"P-paanong.." Hindi ko na tinuloy ang tanong ko kung paano siya nakapasok dito dahil ang isasagot niya rin lang naman ay 'naglakad ako'. Great, just great. Nagtataka man ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Hinayaan ko sa sahig ang mga bitbit ko kanina.
"Saan ka tutungo Hein? Lulutuan mo pa ako ng Ramen!"
"M-magluto ka ng sarili mo! I'm sleepy," then I slammed the door of my room. Pero ang totoo, iniiwasan ko lang talaga siya. Akala ko tuluyan nang nawala sa buhay ko ang Black Lady na 'yon, pero naalala ko na sinabi niya nga pala sa akin na makakabalik at makakabalik pa rin siya dito kahit hindi ko alam kung paano.
Kumuha ako ng unan at itinakip ito sa mukha ko. Argh! Am I cursed? Nag-isip lang ako ng kung anu-ano like paano mabubura ang existence ng babaeng 'yon o paano ako makakatakas sa sumpang ito kung sinumpa nga ako. Tss. Isa siyang misteryo sa akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako na nilalamig. Kinuha ko ang kumot at ibinalot iyon sa buong katawan ko. Ang naalala ko ay hindi ko binuksan ang aircon pero bakit ang lamig? Bumangon ako. Natanaw ko ang bintana na bukas habang ang mga kurtina ay inaalon-alon ng hangin. Kaya naman pala ang lamig, pumapasok ang malamig na hangin mula sa labas. Teka, hindi bukas ang bintana kanina pagkapasok ko ng kwarto. At hindi ko rin ito binuksan o baka nalimutan ko lang?
Tumayo ako kahit nanginginig pa ang aking katawan at isinara ang bintana. Kitang kita ko pa ang laki ng buwan bago ko isinara ng tuluyan ang bintana. Now, I can sleep again. I turned around but I saw someone approaching me. Hindi ko maaninag kung sino dahil walang liwanag ang kwarto.
Ngayon, ramdam ko ang pagtataasan ng balahibo ko lalo na nang palapit na palapit sa akin ang pigura at nakita ko ang mukha nito.
"B-black Lady?" Oo, ang Black Lady nga. Ano na naman ang ginagawa niya dito? At paano na naman siya nakapasok? Ang tanda ko ay ni-locked ko ang pinto ng kwarto.
"Look, matulog ka na doon sa sala. H'wag mo akong istorbohin," wika ko. Ngunit wala akong narinig na salita mula sa kanya. Tinitigan ko ulit siya. Nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya kasabay ng paglabas ng kanyang pangil!
"A-anong gagawin mo?!" Ngayon, nasagot na ang misteryo. Isa nga siyang Black Lady? Aswang? Or what? I don't know! Basta natataranta na ako. Naghanap ako ng kahit anong pwedeng isandata laban sa kanya.
"H-hey! Naging mabuti ako sa 'yo..p-pumayag din akong tumira ka sa unit ko!" Ito ba ang balak niya simula pa lang?
Bago pa man ako makahanap ng sandata ay nakita ko siyang tumakbo sa akin at sinunggaban ako.
"AAHHH!"
"Hein gising! Hein!"
Agad akong napabangon. Just a dream. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam-"O-ouch!" Umatras kasi ako kaya nahulog ako sa kama. Ngayon, alam kong hindi na ito panaginip. Nasa kama ko ang Black Lady.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...