-Heindrich-
I already cooked Ramen for her. Inayos ko na rin ang room na dating ipunan ko ng gamit na ngayon ay magiging kwarto na niya pero wala pa rin siya. Ang tagal naman no'n?
Hindi ako mapakali. Baka kung ano na ang nangyari sa isang 'yon.
"Tss, why do I care? Ano namang paki ko isang 'yon?" Humila ako ng upuan at naupo doon.
Hindi! Magagalit sa akin si Uncle kapag may nangyaring masama sa kanya. Tama. Tumayo ako at balak sunduin siya sa labas.
Pagkabukas ko ng pinto ay saktong nasa harapan siya nito.
"Y-you! Bakit ang tagal mo? Anong ginawa mo sa labas?"
"Tinignan ko lang ang buwan. Ang laki kasi!" Iyon lang? Hindi ako kumbinsido.
"Iyon lang ang ginawa mo?" Ang tagal-tagal niya sa labas tapos tumingin lang siya ng buwan? Weird talaga. "Nilutuan na kita ng Ramen. Sa kabilang kwarto ka na rin matutulog, inayos ko na 'yon," sabi ko at pumasok na sa loob.
"T-talaga?!"
"Labag 'yon sa loob ko," dagdag ko at pumasok na sa kwarto. Bahala siya, matutulog na ako.
"Hein!" I heard her voice.
Iginala ng aking mga mata ang paligid kahit wala akong nakikita. I saw nothing but a darkness.
"Hein!"
Malapit lang siya sa akin. Tumakbo ako kahit hindi alam ng mga paa ko kung saan papatungo.
"Yesha!" Namayani ang boses ko sa tahimik na lugar. I didn't know where I am. What's this place?
"Hein!" Sa pangatlong pagkakataon ay narinig ko na naman ang kanyang boses ngunit ngayon ay may nakita na akong liwanag sa kanang bahagi ko. Papalapit ito sa aking direksyon.
"Yesha, ikaw ba 'yan?" Wala akong ibang makita kundi liwanag lang habang papalapit ito nang papalapit sa akin.
"Yesha?" Dahan-dahan akong lumapit dito at iniabot ang kamay ko.
"Heindrich Wenker."
"Ar..argh!"
Hinawakan ko ang kamay niyang sinasakal ako. Boses lalaki. H-hindi..hindi siya si Yesha! Sinulyapan ko ang itsura niya pero walang mukha ang sumasakal sa akin ngayon.
"You'll die here," he said and he showed his fangs.
N-NOOO!!!
Hinihingal akong napaupo sa kama. Ang lakas din ng kabog sa dibdib ko. Napahawak ako sa noo ko at naramdamang tumutulo ang pawis ko dito.
Binangungot na naman ako. Hindi ko na maintindihan. Bakit..bakit tinatawag ko si Yesha sa panaginip ko?
I held my neck. Pakiramdam ko ay sinasakal pa rin ako ng nilalang na walang mukha na nasa panaginip ko. I don't know who he is.
Tumingin ako sa orasan na nasa side table.
3:02 A.M
Humiga ulit ako at ipinikit ang mga mata. Pero kahit anong gawin ko ay hindi makatulog. Naiisip ko kasi 'yung panaginip ko kanina. Palipat-lipat na ako ng posisyon sa kama, pero hindi pa rin ako makatulog! Aish.
Tumingin ulit ako sa orasan. Alas-kwatro na! Biruin, isang oras ko ring pinipilit ang sarili ko na matulog. Bumangon na lang ako at pumunta sa kusina para uminom.
Kamusta na kaya 'yung Black Lady? Tulog pa 'yon malamang. I glanced at the door of her bedroom. Silipin ko kaya?
Naglakad naman ako papunta sa room niya. The door creaked open when I turned the doorknob at itinulak ito ng dahan-dahan. Ipinasok ko ang ulo ko sa loob ng konti. Madilim pero nakikita ko naman ang loob dahil sa liwanag mula sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasía"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...