-Heindrich-
"Seriously guys, bakit lahat tayo nagtitipon-tipon sa iisang lugar?'' Agnes said as she crossed her arms. Halata sa mukha niya na nababagot siya.
Nandito kami ngayon ilang metro ang layo sa Luxien Briar. Nagbabantay ng suspek kuno.
"Kung gusto mo ay lumipat ka ng lugar," saad ni Kai sa kanya.
Nakatayo lang kaming walo dito sa gitna ng kalsada. Nakasandal ako dito sa poste. Si Yesha, nakaupo at hindi ko alam kung anong ginagawa sa semento. Gano'n din si Shawn na nakatayo malapit kay Yesha. Bakit nandito pa 'to?
"Right. Gusto kong lumipat ng lugar, kaya bilis! Halika rito!" Lumapit si Agnes kay Kai at hinila siya.
"W-wait! H-hoy..saan mo ako dadalahin?!"
"Sama tayong dalawa, magbabantay sa ibang lugar."
"What? I-ikaw na lang!" Tumakbo si Kai at nagtago sa likod ko. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Dayan and Render!" tawag ni Agnes.
"T-thanks na lang. Babantayan ko si Yesha," sagot ni Dayan na nakaupo sa tabi ni Yesha. Sino ba ang babantayan? Ang suspek o si Yesha?
"Wow, Hein. Tignan mo ang langit!" Nakatingala si Yesha sa taas at tinuro niya ito kaya sinundan ko naman ng tingin. Ang daming bituin. Sinilip ko ang mukha niya. Tuwang-tuwa siya. Napatawa ako. Bata.
Nakita ko na nakatingin din sa kanya si Shawn. Napansin niya 'ata na nakatitig ako sa kanya kaya umiwas siya ng tingin at nakipaglaban ng titigan sa akin. I glared at him.
"Teka, may naririnig ako." Tumayo si Dayan at nakiramdam. So, nakiramdam na rin kami at naging alerto.
"M-may naririnig akong paparating." Huh? Wala akong naririnig.
"Wala naman ah! Baka niloloko-sshhh! Wait, papalapit na ang tunog." Tinakpan ni Kai ang bibig ni Agnes.
Tinalasan ko ang pandinig ko. Medyo may naririnig nga ako.
"Walang mag-iingay," bulong ni Render.
Lahat kami ay alerto. Papalapit na ang tunog na naririnig namin.
"Meow."
Napahinga ako ng malalim. The hell? Pusa!
Binatukan ni Agnes si Dayan at Kai. "Eh pusa naman 'yan mga siraulo!"
"Bakit ka nambabatok? Eh kinabahan ka rin naman, aminin!" pang-aasar pa lalo ni Kai kay Agnes. Aish.
"Wait lang! Baka aswang 'yang pusa. Nagpapanggap lang!" Tinuro-turo pa ni Render 'yung pusa habang nakatago sa likod ni Yesha. Hinila ko naman si Yesha at itinabi ko sa akin.
"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga aswang?" tanong ko at ningitian siya ng pang-asar.
"H-hindi nga! Pero malay niyo 'di ba?"
Tumingin ako sa suot kong wristwatch. Mag-a-alas-onse na ng gabi.
"Magpahinga na tayo. Gabing-gabi na, mukhang hindi talaga magpapakita ang suspek dahil magkakasama tayo," wika ko sa kanila. Paano magpapakita ang suspek? Baka nga akalain pa ng makakita sa amin ay kami ang suspek o kaya'y sasabihin na tambay.
Narinig kong nagbangayan na naman sina Kai at Agnes.
"Sabi kasi sa'yo na sa ibang lugar tayo magbantay!"
Sa huli ay napagkasunduan na umuwi na lang dahil walang nagpakitang suspek. Sumakay na kami sa kanya-kanyang sasakyan.
"Heindrich, pwedeng sumabay ako sainyo? Malapit lang naman kasi ang Apartment ko sa condo unit niyo ni Yesha. Kung may sasakyan na dumadaan pa, doon sana ako sasakay pero wala," sabi ni Agnes. Tumango ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin nang tumango ako.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...