/09/

80 7 0
                                    

-Heindrich-

Hindi ko alam kung bakit ang tagal niya sa banyo. I waited for almost an hour. Sa wakas, bumukas din 'yung pinto at dumungaw siya roon.

"Tapos ka na? Akala ko nilamon ka na ng inidoro," sarkastiko kong wika sa kanya. Tumayo na ako. "Ang tagal mo, alam mo ba 'yon? Tss. Labas na."

"H-huwag kang lalapit!" Napatigil naman ako sa paghakbang at napakunot ang noo. What's her problem? Maliligo na ako.

"Kuhain mo ang damit ko!" What?

"Wala pa akong saplot na suot! Ikuha mo ako ng damit," sabi niya ulit sa akin na ang sama na naman kung makatingin. Kapag nang-uutos 'to, siya pa ang galit. "Huwag kang sisilip!"

"Hindi ka kasilip-silip," sagot ko tsaka tumalikod. Kahit naiinis ay sinunuod ko na lang siya. Hindi siya matatapos sa banyo hangga't hindi siya nakakabihis. Kinuha ko ang mga paper bag at hinalungkat ang damit niya.

"A-ano 'to?" Nanlaki ang mata ko nang underwear pala ang nahawakan ko. Binitiwan ko agad pagkatapos ay napahawak ako sa dibdib. Bakit ba kasi ako ang pinapakuha niya? Dinala ko na lang lahat ng paper bag sa kanya. Siya na ang bahalang pumili.

Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa makalabas siya ng banyo. Let me guess, lahat niya sinukat ang damit na nasa paper bag kaya tumagal pa siya tss.

"Hein! Hihi ang ganda ng damit!"

Tinignan ko siya. Suot niya ang bestidang itim na abot tuhod. Bumagay sa maputi niyang balat at magandang muk-wait! Binabawi ko ang mga sinabi ko.

"Bagay ba sa akin Hein?" Umikot-ikot pa siya at tumalon-talon habang nakatingin sa damit niya. Umiwas agad ako ng tingin nang malipat sa akin ang mata niya.

"O-okay lang. Nagmukha kang tao." I grinned. Sumimangot naman siya.

"Alis d'yan. Maliligo na ako."

"Hindi ako pwedeng sumama?"

"Yes. Bakit ba ang kulit mo?" Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi siya pwedeng sumama. Pagkatapos kong magsintas ng sapatos, tumayo na ako. Nakita ko siyang nakayuko at nilalaro-laro ang kamay. Minsan, para naman siyang bata.

"Dito ka lang. B-bantayan mo na lang itong condo unit ko, okay? Kumain ka ng maraming Ramen hangga't gusto mo. Manuod ka ng TV, matulog o kahit ano! Then kapag may nagdoorbell, don't open the door. Naiintindihan mo ba? Huwag mong buksan ang pinto kapag may tumawag o nagdo-doorbell dahil masasama silang tao. Kapag pinasok ka, kagatin mo o kainin," mahabang bilin ko sa kanya. Yeah, whatever.

"Mag-iingat ka Hein!" nakangiti niyang sabi. Tinitigan ko siya. Masama ang kutob ko. Feeling ko may mangyayari habang wala ako.

Bago ako lumabas ng tuluyan, tinignan ko ulit siya. "Binabalaan kita. Huwag kang susunod!''

Laking pasasalamat ko na wala namang Black Lady ang sumulpot sa kotse ko. Binantayan ko talaga kung susunod siya sa akin.

Tinahak ng sasakyan ang daan papuntang Wenker's Village. Yeah, lugar na pag-aari ng pamilya namin. Nasa dulo ito ng East Barkonville kaya liblib ang daan, maraming mga puno at walang mga kabahayan na madadaanan. Hindi ko alam kung bakit ang layo nito mula sa lugar kung saan ako nakatira ngayon.

Wenker's mansion

Dahil wala akong nakakasalubong na mga sasakyan, ilang minuto lang ay nakarating na ako sa mansion. Hindi na kailangan akong pagbuksan ng mga bantay dahil kusang bumukas na lang ang malaking kulay itim na bakal na gate. Idiniretso ko ang sasakyan at tinahak ang mahaba pang pathway upang makarating sa mismong mansion. Napapaligiran pa rin ito ng mga puno. Kung may magtatangka mang pumasok dito, siguradong hindi na nila itutuloy dahil sa simula pa lang na pagpasok mo ay nakakatakot na. Hindi mo alam kung may naghihintay na mga mababangis na hayop sa'yo.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon