/19/

37 3 0
                                    

-Heindrich-

I had a dream. Again.

Bumangon ako sa kama at dumungaw sa bintana. Malapit nang mag-umaga pero madilim pa rin at nakikita ko pa rin ang buwan.

I remember my dream. May humihingi ng tulong sa akin sa panaginip. I don't know why kung bakit gabi-gabi na lang ako binabangungot. Mahirap. Hindi mo alam kung magigising ka pa o tuluyan nang lalamunin ng panaginip mo kapag binabangungot.

Napagdesisyonan kong lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si Yesha na nakadungaw rin sa bintana. Hindi niya ako napansin kaya tinawag ko siya. Lumingon lang siya sa akin ng saglit at pagkatapos ay bumalik sa pagkakadungaw sa bintana. Ano naman kaya ang problema no'n?

I shrugged. Pumasok na lang ako sa banyo.




"Okay, get 1/2 sheet of paper. We will be having our quiz today."

All my classmates were shocked for the sudden quiz.

"What? Quiz?" Lumingon ako kay Render dahil sumigaw siya.

"Why Mr. Render Park, may problema ba?"

"Wala naman Ma'am. I'm just excited!" sagot ni Render at naupo ulit. I smirked.

"What's with your reaction, class? Hindi siguro kayo nagbasa ng notes niyo? By the way, where's Mr. Cuarzon?" Walang sumagot sa mga classmates ko.

"Hindi niyo alam? Absent siya today. Okay, let's start our quiz!"

I took out a piece of paper from my bag. Kahit papaano ay mayroon naman akong tabing papel hindi katulad ng ibang estudyante na walang laman ang bag at ginagawa lang props o kaya nama'y ang laman lang ay mga pampaganda.

"Hein, anong gagawin?" bulong ng katabi ko.

"Magkakaroon tayo ng pagsusulit. Sasabihin ng instructor natin ang tanong at magsasagot ka sa papel," I explained. Tumango-tango lang siya. Binigyan ko siya ng papel at pinahiram ko na rin ng ballpen. Tsk, alam kong wala siyang papel at ballpen. Binilhan siya ni Uncle ng maliit na bag pero walang laman.

Naramdaman ko naman na may kumulkulbit sa likod ko. Lumingon ako then I saw the three idiots smiling at me.

"What?"

"Pahinging papel."

Really? Mabuti naka-survived ang mga 'to ng anim na taon dito sa Luxien Briar. Sila ang magandang example. Pumapasok na walang papel. Binigyan ko naman sila ng tig-iisa.

"Number 1!"

Nagsimula na ang pagsusulit. Hindi ako maka-focus dahil kinukulbit ako nina Kai. Sigurado ay hindi sila nakinig kahapon o nagsulat ng notes. Well, ako rin naman hindi nagsusulat ng notes pero nakikinig ako.

I looked at my right side. Hindi ko man lang siyang napapansin na tumitingin-tingin sa papel ko o sa paligid para mangopya. Nakatutok lang siya sa kanyang papel na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi ko alam kung nakinig ba siya kahapon. Paano kapag naka-zero siya?

"Done? Pass your paper in front."

Sinilip ko ang papel ni Yesha bago ipasa pero tiniklop niya.

"May sagot ka? I know that you didn't listen yesterday to our instructor. Hindi ka rin nangopya ng notes," wika ko sa kanya nang makapasa na ng papel.

"Meron. Hihi," nakangiti niyang sagot. Meron?

"Rich, thanks sa sagot," Dayan said as he massaged both of my shoulders. Tumayo naman ako at tumingin sa kanila.

"Sa susunod nga makinig kayo!"

"No need. Nand'yan ka naman," sagot ni Kai. Aish. Lumingon ako sa pwesto ni Shane. Tahimik lang siyang nakaupo.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon