-Kaiyen-
"What now? Hanggang anong oras ako maghihintay dito?" reklamo ni Agnes.
Kahit kailan talaga mainitin ang ulo niya.
"H'wag kang mainip. We are not in the middle yet. Kumbaga sa thriller movie, malalaman pa lang natin kung sino ang suspect," sagot sa kanya ni Render.
"Sshhh," saway ko sa kanila. Ang iingay.
"Hoy Kaiyen, kung ikaw kaya ang pumalit dito?"
"Why me? Ikaw na lang dahil kapag nakita ka ng suspect, siguradong matatakot 'yon sa'yo," pang-aasar ko at inismid-an siya kahit hindi niya ako makita dito sa dilim.
"Ha-ha-ha funny!"
Naririnig kong tapik nang tapik si Render sa binti niya. Nilalamok siguro. Ako, hinahayaan ko na lang. Donor ko na lang sa mga lamok. Pasalamat sila dahil napakasarap ng dugo ko.
"Wait, may tao." Napalingon ako kay Agnes at sinilip ang tinutukoy niya. May paparating nga.
"Rich, nagpakita na 'yung suspek?" tanong ko kay Rich sa kabilang linya.
"Hindi. It's a girl. Hindi ko alam kung bakit naglalakad siya ngayong gabi na walang kasama. Pero tuwang-tuwa si Dayan." Buhay pa pala sila.
"Right. May nakikita na kami dito, lalaki na naglalakad mag-isa. Maghihintay na lang kami na lapitan si Agnes."
Hindi ko na siya narinig sa linya. Awts, hindi ako sinagot. Nagpokus na ako sa paparating na lalaki. Heh, humanda ka sa amin kung ikaw man nga ang killer. Pero siyempre, dapat maging handa rin kami.
Habang papalapit nang papalapit 'yung lalaki, bumibilis din ang tibok ng puso ko. Iba ang pakiramdam ko sa isang 'to. Hindi ko makita ang reaksyon ni Agnes pero alam ko na kinakabahan din siya.
Nang malapit na siya kay Agnes, doon ko nakita ng husto ang mukha niya. W-what the..what is he? A zombie? May dugo ang mukha niya.
Siya na ba 'yung killer?
"H-hey.." narinig kong sabi ni Agnes pero nakatitig lang sa kanya 'yung lalaki. Maya-maya, ngumiti ito kay Agnes. Nagkatinginan kami ni Render na nasa kabilang side ng kalsada.
"DAYAN!!"
D-Dayan...
"Heindrich! May nangyari ba d'yan? Hello Rich! Si Dayan nasaan siya? May nangyari ba d'yan?!" sigaw ko. Kinakabahan na ako. What if may nangyari sa kanilang masama?
Napatigil ako.
Saka ko lang na-realize na sumigaw nga pala ako at...I turned at Agnes direction. Nakita ko ang lalaki na nakatingin din sa akin. Nanlilisik ang mata.
Then, ang bilis ng pangyayari. Naririnig ko na lang na sumisigaw si Render.
"Agnes!" Tumakbo ako sa kanya pero...
"Argh...A-Agnes?"
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tumitig siya sa mata ko at ngumisi.
"Agnes, how dare you."
-Heindrich-
"DAYAN!!"
The hell. Akala ko may mangyayari sa kanya. Mabuti na lang nahila siya ni Yesha. At ngayon, kaharap niya 'yung babae.
"Heindrich buhay pa ba ako?! Shawn?" Bakla talaga 'to. Nasa semento pa rin siya, nakaupo habang kinakapa-kapa ang leeg.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasía"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...