-Heindrich-
Nilisan ko ang mansion na madilim na ang langit. Ipinapangako ko na hinding hindi na ako babalik doon. Naiinis lang ako sa pagmumukha ng tanda na 'yon. But wait, paano niya nalaman na may babae or should I say, Black Lady na nakatira sa unit ko? Ako lang ang nakakaalam at wala pa akong pinagsasabihang iba kahit kay Uncle Drei. Two days pa lang namamalagi ang Black Lady na 'yon sa unit. Imposibleng nalaman agad niya. Did he sent a spy
Dumiretso ako sa bahay ni Uncle Drei. Kailangan kong sabihin kay Uncle ang inis ko sa kanyang ama na ama rin ng ama ko na Grandpa ko.
"You were gone for two days, didn't attend school and now, you're showing yourself here," bungad sa akin ni Uncle pagkapasok ko sa bahay niya. As usual, nakatayo at nakasilip siya sa malaking bintana habang hawak ang tasang may lamang tsaa.
Isinalampak ko ang aking sarili sa couch. "I went to mansion," I started. Napatigil si Uncle na sana ay hihigop ng tsaa. Dali-dali siyang umupo sa kaharap kong couch.
"Why did you go there? Anong meron? Kamusta ang Papa at Mama? Ano ang kalagayan nila?" Tinitigan ko siya ng masama. Pwedeng hinay-hinay lang?
"Isinara ni tanda ang bank account ko, wala namang okasyon, ayos lang sina tanda at Grandma, malakas pa sila lalo na si Grandpa. Nakuha pa ngang i-ungkat ang pagkakaroon ko ng nobya," mahaba kong sagot. Iniisip ko kung may nakalimutan ba akong isagot sa tanong ni Uncle. Nakakuha rin ako ng masamang tingin mula sa kanya. What? Sinagot ko lang ang mga tanong niya.
"Why don't you go there and visit your great Father? Si Grandma na rin."
"Dumalaw na ako last month." What? E'di matagal na rin. "Busy pa ako ngayon. At isa pa, ayaw kong pilitin niya si Kai na kumuha rin ng nobya, or worst, baka nga ipagkasundo pa niya." Sana all.
Speaking of Kai, nasaan ang isang 'yon? Gumala ba siya kasama sina Render at Dayan? "Nasaan ang pangit mong anak?"
"Who? Wala akong pangit na anak," sagot ni Uncle. I frowned. "Si Kai? Mukhang wala 'ata sila ngayon dito?"
"Yes, they're not here. Ang alam ko ay pupunta sila ngayon sa unit mo." Nanlaki ang mata ko at napatayo ako mula sa pagkakaupo sa couch.
"What?"
"You heard me right? Ang sabi ko pupun–hey! Are you leaving? May mga itatanong pa ako–Heindrich!"
Sorry Uncle pero kailangan ko nang umalis. The hell! Pupunta sila sa unit ko? Kailangan ko magmadali.
Wala pang sampung minuto na nakarating ako sa condo unit. Agad kong ipinarada ang sasakyan ko at dali-daling bumaba. Tumungo agad ako sa elevator. Habang nasa loob, hindi ko maiwasan ang mabahala. Paano kung nakapasok na sila?
-Kaiyen-
"Tingin niyo nasa condo unit niya si Rich?"
"I don't know. Kaya nga tayo pumunta dito 'di ba?"
"At isa pa, ikumpirma natin kung tama ang hinala ko." Oo, tama. Ngayon namin malalaman kung may itinatago o may kasama ba si Rich sa unit niya. Ang narinig kong boses nung isang araw habang kausap ko si Rich sa phone, hindi nagkakamali ang pandinig ko. Malinaw na malinaw na babae 'yon.
Nasa tapat na kami ng room ni Rich. Kaso napatigil kami nang makita ang keypad door lock. Lumingon ako sa kanilang dalawa. "You know the password?" Tumingin naman sila sa akin ng masama.
"Seriously, ikaw ang nag-aya rito dahil nag-aalala ka sa mahal mong pinsan tapos hindi mo alam ang password?'' si Dayan.
"Ew. Please don't include that 'mahal mong pinsan' dahil nakakasuka. Hey, atsaka nag-agree kayo remember? Sino kaya ang atat na atat na pumunta dito?"
"I'm not," tanggi ni Dayan.
"Me either," sagot naman ni Render. Binatukan ko nga.
"So, how do we get inside?" Tinignan ko ang keypad. Natatandaan ko pa 'to dati. Binigay sa amin ni Rich ang password tapos wala man lang makaalala sa mga hinayupak na kasama ko?
"T-teka, I know the password!" sigaw ni Render. Parang bigla namang lumiwanag ang mukha namin ni Dayan. Tinulak namin siya sa unahan.
"Input mo na." May pakinabang din pala 'to.
"Eto na, ah-ano nga 'yon? Aish, sorry I forgot," kakamot-kamot sa ulo na wika niya. Ayon, nakakuha siya ng dalawang batok.
"Ako na nga! Tanda ko pa 'to dati e." Iniisip ko talaga ang password na ibinigay sa amin ni Rich. "Ah! Natatandaan ko na. Sana lang hindi pa niya binago," excited na wika sa kanila. Dahan-dahan ko namang in-input ang password and..ting! Woah, I'm right!
"Woah may pakinabang ka rin naman pala minsan Kai," wika ni Dayan at inakbayan pa ako. Inis ko namang inalis ang braso niya.
"Kayo lang naman ang wala!"
Pumasok na kami sa unit ni Rich. Hmm? Tahimik. No one's here. Pagkatapak na pagkatapak pa lang namin sa sala, nakita ko na ang mga nagkalat na basura sa sahig at durog-durog na..Ramen? May naapakan pa nga ako.
"Pinasok ba ng daga ang unit ni Rich?" Render asked.
"Woah!" Muntik na akong madulas dahil sa nakakalat na damit sa sahig. Wait, dress?! Nanlaki ang mata ko at dali-daling kinulbit ang dalawa.
"What?" Itinuro ko naman sa kanila ang black dress na nakakalat sa sahig na dahilan ng muntikan ko nang pagkadulas.
"Damit na pambabae?" Nagkatinginan kaming tatlo. Bigla akong kinabahan. "I told you!" Tama ang hinala ko. Napanganga ang dalawa. Si Render, itinuro pa ang damit tsaka napatakip sa bibig.
"Confirmed! Heindrich is a gay!" sigaw ni Render kaya sinapak namin siya ni Dayan.
"Bakit niyo ako sinapak!" sigaw niya ulit habang himas ang pisngi. Ang ingay talaga nito.
"Idiot. Kapag may nakita kang damit ng babae sa unit ng kaibigan mo, ano ang hinala mo?" tanong ni Dayan habang ako naman ay inilibot pa ang mata sa buong sala.
"Bakla ang kaibigan natin," seryosong sagot naman ni Render. I faced palm. Seryoso? Kaibigan ba namin ang walang kwentang 'to?
"Wrong! Ibig sabihin, bumili siya ng damit pambabae para ibigay kay Yeshane. Iyon 'yon," Dayan explained. May kasama pang pagngisi ang loko. Isa pa 'tong walang kwenta. Ayaw ko na talaga sa Earth.
"A-aray! Bakit mo ako sinapak?"
"Idiot! It means, may babae na pinapasok dito si Rich kaya may damit na nakakalat sa sahig. I don't know if they do something here," sabi ko habang itinaas pa ang damit at tinignan iyon.
"I knew it! Ang daya ni Rich! Hindi man lang nag-akit?"
"Pinagtataksilan tayo ni Rich, tsk."
Napataas na lang ang kilay ko sa kanila at napa-iling. Umalis ako at iniwan silang nagtatalo.
"Bakit mo kami iniwan?" Hindi ko alam na sumunod pala silang dalawa sa akin.
"Nagugutom ako. Gusto ko ng Ra....." biglang nagtaasan ang mga balahibo ko."....men.."
"Hoy, anong nangyari sa'yo?" Inalog-alog pa ni Render ang balikat ko pero mukhang napako na yata ang mga paa ko sa sahig. Hindi ba nila napapansin?
"G-guys..y-you know how to run, right?" Hindi pa rin maalis ang titig ko.
"Huh? Of course. Bakit naman tayo tatakbo?" inosenteng tanong ni Dayan.
"I think, hindi daga ang nagkalat ng Ramen sa sahig." Itinaas ko ang nanginginig na kamay at itinuro ang nilalang na malapit sa Refrigerator.
"Ano bang tinutukoy....mo?" Napahawak ng mahigpit sa balikat ko si Render. Aish, ang sakit no'n.
"Napaano ka...yo–woah!"
Natigilan kaming tatlo. Walang umiimik pero ramdam ko ang takot namin sa aming nakita. Napaatras kami ng tuluyan nang itaas niya ang kamay na may,
Hawak na kutsilyo?!
"AAHHH!"
***
Hello :)
Please vote and share. Thank you for reading! God bless.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...