/40/

35 1 2
                                    

-Heindrich-

"Have you seen Yesha?" I asked Kai and Agnes. Umiling silang dalawa bilang sagot. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Saan na naman nagsusuot ang Black Lady na 'yon?

"Nandito lang siya kanina 'di ba? Bakit biglang nawala?"

May kumausap lang sa akin kanina na instructor pero saglit lang 'yon. Alam kong nasa tabi ko lang si Yesha pero pagtingin ko wala na siya.

I also asked Dayan and Render but I was wrong. Dapat hindi na ako nagtanong sa kanila. Ngayon ay nagpa-panic na sila and they were blaming me kung bakit nawawala si Yesha. I chuckled in frustration. Akala mo parents ni Yesha.

"Stop blaming me! And may I remind you na ako ang naghahanap kay Yesha," naiinis kong sagot sa dalawa.

"Yeah right! Tinalo niyo pa si Heindrich sa pag-aalala," sabi naman ni Agnes kaya tiningnan ko siya.

"What?" she mouthed.

"Hindi ako nag-aalala sa kanya," sagot ko. Hinahanap ko lang siya.

"Whatever."

Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha. Saan ko naman 'yon hahanapin? Tsk. I closed my eyes as I tried to find her using my mind. This is one of the ability of vampire. Pero sumakit lang ang ulo ko nang subukan ko. I guess, hindi ko pa kaya.

"Hahanapin ko lang si Yesha," paalam ko.

"Naunahan ka na nina Dayan," sambit ni Agnes kaya umismid lang ako.

Kung tawagan ko kaya si Uncle? Baka nakita niya si Yesha. Ida-dial ko na sana ang number ni Uncle Drei nang makita kong pumasok ng entrance gate si Shane.

Siguro ay dapat puntahan ko muna siya bago hanapin si Yesha. Alam kong nandito lang naman 'yon sa loob ng University.

Lumapit ako kay Shane at mukhang nagulat pa siya nang makita ako.

"Hein," she greeted as her lips curved into smile. Hindi ko matukoy kung peke lang ang kanyang ngiti o totoo.

"Are you okay?" I asked in a soft voice.

"What do you mean?" inosente niyang tanong. I sighed in relief. Mukhang ayos naman siya.

I heard her let out a chuckle. "Kung sa result ng Special Exam ang tinatanong mo, well..I guess I'm fine?"

Biglang lumungkot ang mukha niya kaya nataranta ako.

"Don't worry about me Hein. I'm fine. But of course nakaramdam din ako ng lungkot dahil simula nang magsimula akong pumasok sa Luxien Briar, kasama na ako sa Top 10. I'm so happy about Yesha. You help her?"

I nodded. Mukhang hindi talaga siya ayos. Sinubukan kong basahin ang isip niya.

"By the way I saw her outside. Ang sabi niya ay pupunta siya kay Uncle Drei?"

What? Tatawagan ko pa lang sana si Uncle Drei, eh doon pala siya pupunta. Hindi ko alam kung anong balak niya sa bahay ni Uncle at nagawang hindi magpaalam sa akin, tsk.

"Susundan mo ba siya?" tanong niya.

Napatingin ako sa kawalan atsaka sumagot. "Iyan ang balak ko. Hey kain tayo sa labas ngayon. My treat."

Hindi kami nakalabas kahapon. Bawi ko na rin ito ngayon.

"Are you sure? Akala ko ba susundan mo si Yesha?"

Napatigil ako. Siguro sa susunod na araw ko na lang iti-treat si Yesha.

"M-magpapaalam muna ako sa kanya kaya susundan ko siya. Can you wait?"

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon