-Heindrich-
"Yesha!" I shouted. Nang makarating kami sa kanila ay agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso. Tinignan ko si Shawn ng masama. Bakit niya kinakausap si Yesha?
"Shawn, bakit ka nandito? Hinihintay mo ba ako?" narinig kong tanong ni Shane.
"Ah, y-yes."
Tumingin naman ako kay Yesha. "Why are you still here? Nasaan sina Kai?"
"Umakyat na sila. Hinihintay kasi kita kaya nandito pa ako."
"Dapat hindi mo na ako hinintay," wika ko. At paano nangyaring magkasama sila ni Shawn?
"Bakit kayo magkasama n'yan?" Tinuro ko si Shawn. Aish, dapat sa isip ko lang ang tanong na 'yon.
"You don't have to worry Heindrich, nag-uusap lang kami ni Yesha habang hinihintay kayo ni Shane. Well, I enjoyed her company kaya sa susunod ay gusto ko ulit na magkausap kami." Tumingin siya kay Yesha at ngumiti.
"Oo naman. Sa susunod mo na lang ako ilibre ng Ramen," sagot naman ng katabi ko at tinapik-tapik siya sa braso.
Shawn chuckled. "Okay. Pangako ko 'yan. Mauuna na kami sa taas. Shane, let's go?" Nagsimula na silang maglakad.
"Sandali lang Shawn," Tumingin ako kay Yesha at pinanlakihan siya ng mata. Bakit pa niya tinawag 'yan?
"Halika, lapit ka dito." Aba!
Inilapit nitong Black Lady ang mukha niya sa tenga ni Shawn.
"Punta ka rin sa bahay ni Hein. Bibigyan kita ng damit, okay?" Bumulong pa, rinig naman namin.
Nagulat ako nang tumawa ng malakas si Shawn. Gusto kong burahin ang tawa niya. Ano naman ang nakakatawa do'n? Tinignan ko ang reaksyon ni Shane, nakayuko lang siya. Nagseselos kaya siya?
"Okay, okay. Una na kami," sagot ni Shawn at tumawa ulit.
"Hoy. Ano naman 'yon?" tanong ko nang makaalis na sila. "Saka anong kakain ng Ramen? Kakain kayo ng Ramen?"
"Oo. Kakain sana kami ng Ramen kanina pero dumating kayo." Ayan na naman ang mga titig niyang ang sama kung tumingin. So, kasalanan ko na dumating kami kaya hindi sila nakakain ng Ramen?
"Madaming Ramen sa unit. Doon ka na lang kumin mamaya. At isa pa," lumapit ako sa kanya at bumulong. "Masamang tao si Shawn kaya lumayo ka do'n." Tinignan ko ang paligid kung may tao. "If you ever run into him again, make sure you run away." Hindi magandang view ang makita silang nag-uusap.
"Huh? Mabait si Shawn!"
"Hindi. Nagpapanggap lang 'yon. Kaya huwag mo na ulit siyang kakausapin, okay?" sabay hila ko sa kanya kaso pumiglas siya.
"Nararamdaman ko na mabuti siyang tao! Saka alam mo ba, gusto niya ng damit ko. Kaya inaya ko siya sa bahay mo. Bibigyan ko siya ng damit hihi." Anong sinasabi nito? Si Shawn, gusto ang damit niya? Tsk, baliw na talaga 'to.
"Nevermind. Aakyat na ako."
"Hoy Hein, teka lang! Hintayin mo ako!"
***
-Althea Arelis-
Nagmamadali akong umakyat sa malawak na staircase. May mga nadaanan akong mga bantay at binati nila ako ngunit hindi ko sila pinansin.
"Ano ang sadya mo rito, Althea?"
Lord Garagov seated on his throne. May hawak siyang baso sa kanang kamay niya at nakapatong naman ang kanyang pisngi sa kaliwa niyang kamay.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasia"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...